SP#1

16 3 0
                                    

"Paalam"

Oh,kaysarap alalahanin, ng mga masasayang alaala natin.
At kay sakit ring isipin, na kailan ma'y hindi na natin iyon magagawang ulitin.

Dahil ika'y tuluyan ng namaalam sa amin at ika'y wala na rin sa piling namin.
At ang tanging magagawa nalang namin, ay ang tuluyan ng tanggapin.

Na sa tuwing ako'y gigising, ay wala na ang iyong mga lambing.
At sa gabi ay hahanap ng bituing nagniningning,
At hihilinging ika'y bumalik na sa aking piling,
At sana ay muli kang dumating at masilayan muli ang iyong mga galing.

Galing sa pag-awit na nagpapawala ng aking mga galit.
Kasabay ng iyong mga matang para bang nang-aakit sa tuwing ika'y lalapit,
At hahawak sa likod ng aking damit at yayakap ng napakahigpit,
At sobrang sakit dahil kailan ma'y hindi na iyon mauulit.

Salamat sa iyong mga alaalang iniwan,na hinding hindi ko malilimutan.
Kahit ilang taon pa ang magdaan,ay lagi kang nasa isipan.
Salamat sa ating pagmamahalan,na hindi matutumbasan nino man.
Salamat sa binigay mong kasiyahan,paalam at hanggang sa muli mahal kong kaibigan.

____________________________________
SF:Ang corny ko lol😂
Salamat sa mga nagbasa at sa mga nagustuhan to gamsahamnida!💕...Sa mga napangitan sa gawa ko salamat sa inyo!!😂Godbless ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon