So I'm tellin' you I love you one last time and goodbye.

4.2K 63 14
                                    

At Jimmy Bondoc's gig (2008)

"Salamat sa lahat ng sumuporta sa kantang to. Isa to sa mga kantang nagpasikat sakin. Alam kong maraming nakakarelate dito. Para sa mga nagmahal, nagmamahal, nasaktan lalo na sa mga nagparaya. Para sainyo to." 

Ginamit ni Jimmy ang kanta niyang Let Me Be The One bilang huling kanta niya sa huling set ng gig niya. Pagkatapos ng palakpakan ay agad din siyang bumaba sa stage at nagtungo sa room na nakaassign sa kanya. Syempre gusto din naman niyang pumarty after ng gig.

Ang kaso lang pagbukas niya ng pintuan, isang babaeng umiiyak ang nakaupo sa sofa ang bumungad sa kanya. Agad naman nagpunas ng luha ang babae at tumayo para batiin si Jimmy.

"Hi." panimula ng babae.

"Hello. Anong maipaglilingkod ko sayo?" tanong niya sa babae. Sa tinagal na kasi ng paggigig niya sa bar na yon. Himala ata na ngayon lang pumayag ang manager na magpapasok ng fan sa backstage.

"Pwedeng pautograph?" sabay abot sa kanya ng babae ng isang lumang CD ng Undercover (album niya) at pentel pen.

Pipirma na sana si Jimmy kaso naisip niya munang itanong ung pangalan ng babae, para may dedication ung pirma.

"Anong pangalan mo?"

"Janine." 

Akma nang isusulat ni Jimmy ang pangalan ng dalaga kaso pinigilan siya nito.

"Levi. Kung para sa dedication, please sign there for Levi."

Kahit na medyo naguluhan si Jimmy kay Levi niya dinedicate ung pagpirma.

Nang ibalik na ni Jimmy ung CD at pentel pen, nagulantang siya sa sumunod na nangyari. Bigla kasing napaluhod sa sahig ung babae at umiyak. Hindi simpleng iyak. More of gagugol.

Hindi muna nakakibo nung una si Jimmy. Kaso nung sobra na talaga ung iyak ni Janine bigla siyang naalarma. Baka bigla panng himatayin si Janine kaya inalalayan niya ito para makaupo ulit sa sofa. Kumuha siya ng tubig sa may mini ref na naandun din sa kwarto.

Nang medyo nahimasmasan na si Janine hindi na napigilan ni Jimmy ang magtanong.

"Bakit bigla ka nalang umiyak?"

Natulala pa si Janine for some time, tapos biglang ngumiti. Alam mo ung regret/bitter smile? Ganun ang ngiti na binigay sa kanya ni Janine.

"You were his favorite." sagot ng babae sa kanya.

Lalong naguluhan si Jimmy. Wow ah. Layo ng sagot sa tanong niya.

"Ha?"

"You were his favorite. Let me be the one was his favorite." pagkasagot ng babae ay hindi na napigilan nito ang kanyang mga luha. "Alam mo ba na sa sobrang favorite ka niya, walang tigil ang pagtugtog ng Let Me Be The One sa bahay nila? For a week ah. Walang tigil un." 

Humanga si Jimmy. Wow lang. Avid fan.

"Asan siya? Kasama mo ba siya? Pwede kaming magpicture." alok ni Jimmy kay Janine.

Maganda naman ang alok ni Jimmy diba? Kaya hindi niya maunawaan kung bakit naging ganun ang reaction ni Janine. Bigla itong umiyak. Mas malala pang iyak sa iyak kanina.

"I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit na bulong ng babae.

 At Jimmy Bondoc's gig (2005)

Matyagang naghihintay si Levi para ka Janine. Nagtext kasi ang girlfriend niya kanina na gusto siya nitong makausap. At dahil sa sobrang miss na ni Levi si Janine, walang atubiling umo-oo siya kaagad.

Let Me Be The One. *One Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon