A/N: First Chapter of Secretly Admiring! First timer heyheyheyyyy. I'm sorry if di nyo po masyadong magustuhan hihihi.
"Ano ba naman yan pre, dahil lang sa babaeng yan kaya ka nagka-ganyan?! Iba ka talaga pre! Hindi ka na naawa sa sarili mo. Pambihira ka."
"Bakit mo ba ako tinatanong pre? Kasalanan bang magmahal? Kasalanan bang umiyak ng todo ng dahil lang sa di maunawaang sitwasyon" sagot niya. Iba talaga tong kaibigan ko, tinatanong ba naman ako kung bakit ako nag tatanong kung magtatanong din naman pala sya.. Hayy ewan kainis! Ang hirap para saakin makita ang nag-iisa kong kaibigan umiyak ng dahilan sa pagkabulag sa una niyang pag-ibig.
"Pre, I think you should forget her like what she did to you." Sagot ko nalang sa kanya kahit na alam kong mahirap kalimutan ang taong minsan mo na ring minay-ari.
"Bakit pre? Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na ba tong paghihirap ko ngayon para sabihin mo saaking kalimutan na lang sya ng ganun-ganun lang?" To be honest, I already had my first love pero nagpakabulag ako nun ,nagpakalayo ako sa mga taong nagpapaalala saakin sa mga naging karanasan ko na noon.
"Hindi pa pre, pasensya na kung napagsabihan tika ng ganon, pero I think it's time pre. Hindi nya deserve lahat ng mga luhang pumatak sa mga mata mo ngayon. Aalis na ako pre tawagan mo nalang ako kung okay ka na" At umalis na 'ko sa bahay ng nag-iisa kong kaibigan.
Nandito na ako ngayon sa bahay at wala ng ibang ginawa kun'di mag tulala nalang. Mas mabuti nalang siguro 'to kesa makinig sa kadramahan ng best friend ko.
Kainis naman kasi talaga! Alam ba niyang dapat nyang sulitin ang luha niya para may maiyak pa sya para sa taong deserving ng luha niya? Sino kaya yung babaeng nagpa iyak sa bestfriend ko? For sure hindi naman siguro sya ganun kaganda. What I mean is hindi naman siguro talaga sya ganun kaganda gaya ng pag describe ng best friend ko sa kanya. Dahil ang totoong ganda ay nakikita sa loob hindi sa labas. Siguro bobo din yung babaeng yun dahil kung hindi, bakit nya iniwan ng ganun-ganun lang yung best friend ko sa di malamang dahilan? Naalala ko tuloy yung.... Teka! bakit ko ba iniisip yang mga lablayf-lablayf na yan eh hindi naman talaga yan ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.
Isa akong lalakeng wala ng ginawa sa buhay kun'di magpaka-isa at lumayo sa mga taong naging parte ng buhay ko. Zake ang pinangalan sa'kin ng ina kong sumakabilang buhay na nung ako'y sanggol pa lamang at ibinilin niya ako saking Lolo bago sya mawalan ng hininga. Minahal naman din ako ni Lolo ngunit pati si Lolo ay iniwan na rin ako last year. At Hindi ko naman nakilala yung ama ko at Hindi ko naman sya minsang hinanap dahil sabi sa'kin ni Lolo na iniwan niya raw ang akin ina noong nalaman niyang nabuntis sya. Pinagsisihan ko ang sarili ko dahil kung hindi ako nabuhay, siguro humihinga pa din hanggan ngayon ang nanay kong hindi ko rin nakapiling.
*Ding Dong* Nag ring yung doorbell. Hala! Naalala kong wala pala akong doorbell! Ano ba naman yan, akala ko may bumisita na sa'kin ayun pala sa laptop ko lang yung tumunog.
Parang hindi naman kapanipaniwalang Mag nag add sa'kin sa facebook na wala namang nakakakilala sa'kin sa lugar nato.
Papikit kong tiningnan kung sino yung nang-add sa'kin.
Laking gulat kong makita yung pangalan ng facebook user na nang-add sakin
Dahil..
Hindi kapani-paniwalang...
*Zake Evanggelista added you- Confirm or delete?*
BINABASA MO ANG
Secretly Admiring
Teen FictionKapag pag-ibig ang pinag-usapan, babae ang palaging nasasaktan. Minsan ba iniisip din nila ang nararamdaman ng mga lalakeng pinupusuan nila? Makukuha pa kaya ng mga lalake na tumawa matapos nilang iponin lahat ng lakas ng luob na kausapin at palayui...