--
ELISSE POV
"Lisse, nagugutom ako. Kain muna tayo bago bumili ng supplies?" sabi niya na may pa pikit-pikit effect pa. Eww.
"Minadali mo ko kasi gusto mong kumain sa mall noh?" sabi na eh.
"Tara na, gumana naman eh hahaha" sabi niya tapos hinila niya ko papunta do'n sa jollibee.
Hayp na babae to. Kung hindi ko lang kaibigan 'to gigilitan ko na 'to ngayon. Dinahilan pa yung pag move ng pasukan para lang makakain.
Pagka-pasok namin humanap na ko ng upuan at umupo dun sa may bakante. Dumeretso na si kim sa counter, hindi na niya ko tinanong kasi alam naman niya kung ano o-orderin ko.
Nag lalakad na siya papunta sa pwinestuhan ko habang hawak hawak ang tray. At hindi pa tapos, may kasama pa siyang isang waiter na tagahawak ng dalawa pa niyang tray na may mga pagkain.
Ngumiti pa siya sakin bago umupo at inilapag na niya ang hawak niya. Kinuha naman nung waiter yung isang table sa katabi namin na bakante rin kasi hindi kasya sa isang table dahil pang dalawahang tao lang ang kinuha kong uupuan namin.
"Thank you po" sabi niya sa waiter habang nag papacute pa ang lola niyo, lintek.
"You're welcome maam. Enjoy your meal" sabi nung waiter at halatang bumabawi sa kaibigan ko, may pakindat si mayor!
"Hoy ano ba 'to? Nabuhay nanaman ba yang dragon sa tyan mo? Para kang hindi nakakain ng ilang taon ah" sabi ko at nag pout naman siya.
"Kasalanan ko bang nag c-crave ako ngayon at sumaktong may pera ako" sabi niya at nagsimula nang kumain. "Mamye no tayo mumili" sabi niya habang may laman yung bibig niya.
Nilagay ko yung coke sa tabi niya baka kasi biglang mabulunan eh. Napaka-takaw. Kawawa magiging boyfriend nito.
--
Tapos na kami kumain at ngiting ngiti si gaga habang papunta kami ng national book store.
Sa totoo lang kinakabahan ako kasi malapit lang yung DQ sa NBS at madadaanan namin yon.
"Kung sa kabila kaya tayo dumaan? May titignan kasi akong damit doon eh" palusot ko baka kasi mabuhay nanaman yung dragon sa tyan niya eh.
"Huh? Mamaya na yun. Ang layo pa ng iikutan natin kung dun pa tayo dumaan" halatang gusto nanaman ni gaga mapasabak sa lamunan (kainan hindi throat).
Hindi nalang ako nag salita at nag patuloy nalang kami sa paglalakad at ito na nga ang inaasahan ko tumigil kami para bumili ng ice cream.
"Mauna nalang kaya ako? Mukhang makaka-ilang laban ka pa eh" sabi ko at tumango nalang siya. "Sunod ka nalang ah, pag hindi kita nakita don deretso uwi ako kaagad" sabi ko at nag lakad na.
Nasa loob na ko at inuna ko yung mga libro puntahan, mommy is coming babies~.
Oh my sheteng malagkit! This is heaven. Nagsimula na kong mag hanap ng libro at oh.my.G, I FOUND ONE.
Gusto ko talaga yung libro na genre ay vampire. I dont know but I find vampires hot haha. Im not alone right?.
Nag iisa nalang to kasi siguro maganda talaga yung story kaya hindi pwedeng may iba pang makakuha nito noh. Kukunin ko na sana kaso may biglang nag salite mula sa likod ko.
"Ahm miss sorry for disturbing you but are you planning to take that?" sabi nung lalake
"Ano sa tingin mo? Obvious ba?" sabi ko nang pataray kasi halata namang kukunin ko na.
BINABASA MO ANG
ICE
Ficção AdolescenteRebecca Elisse Hayden meets the Ice of her life, well is it for life or for lies? story by: werpapuffJ -This story is made by my own mind, so dont accuse me for copying bullshxts. If you see a same plot as mine its totally just a coincidence. Reup...