Dahil wala, di talaga ako maka open ng Twitter, rant ulit dito. Sakit na nadarama rather lol. Drama Ha Ha.
My first serious heartbreak is you. (Though I hope not really. Still hoping) Bakit? Ginawa ko naman lahat ng hiningi mong gawin ko a. Nagkamali nga ako, pero sinunod naman kita agad diba para maitama yun at mapagbigyan ng ikalawang chance. Ginawa ko naman. Pero bakit sika, nabigyan mo? Ako na nauna pa, wala.
Ilang beses kitang tinanong. Sumagot ka naman. Yung hiningi mo, ibinigay ko nanaman ulit. Saka ako naghintay kasi alam ko marami kami at hindi lang ako yung importante at dapat pagtuunan mo ng pansin. Kasi naiintindihan ko at handa akong maghintay kahit na kinakabahan ako at lahat na. Pero buong araw na paghihintay. Buong magdamag. Wala. Di mo ako binalikan. Hindi ko matanong at malaman laman kung para sa ano yung hiningi mo. Namaga na ang mata ko kakaiyak, wala parin. Naubos na rin load ko katatawag, walang sumasagot. Pati landline ng kaibigan ko pinatulan ko na sa kadesperadahang makontak ka man lang, pinatawagan na kita sa iba, wala pa rin. Napudpod na ang daliri at phone ko kakarefresh sa portal at chat box natin kung may update na ba. Wala pa rin. Napadpad na ako sa isang lugar na magulo at puno ng tarantado para lang makahanap ng kakausapin ko tungkol sa ginagawa mo sa akin. Iniyakan uli kita. May pinagtawanan lang ako. May nagsabing magiging okay din ang lahat. Na kung para sa akin talaga, mangyayari. Meron ring nangomfort (thank you ate Philo na sana med tech, and soon sana magmed parin). At meron ring nagsabing, hayyaan ko na. Itry ko nalang sa iba, kasi baka di ka para sakin kaya sa iba nalang. Marami naman jan iba na kayang ibigay kung anong kaya mo.
Pero habang kausap ko sila, alam mo hindi ako tumigil na icheck kung meron na ba. Kung may update na nga ba. Kung dumating na ba yung hinihintay ko. At bawat pagbalik ko sayo, nauuwi sa pagkabigo.
Kahit sinabi nila na marami pa namang iba jan, sabi ko ayoko muna. Ikaw muna iisipin ko kasi ikaw yung pangarap ko e. Matagal na. Nakaukit na sa isip at puso ko na ikaw. Ikaw dapat. Kasi pangarap kita. Kahit masakit na, hihilingin ko ma ikaw parin sana. Siguro okay nga yung iba na sinasabi nila sa tabi tabi, pero sa ngayon dadamdamin muna kita. Kasi sariwang sariwa pa. At akoy matuloy paring sayo ay umaasa.
Kumakapit parin ako na sana di pa tapos. Na sana pagbigyan mo ako. Kasi iiiyak ko to ng hindi lang isang magdamag.
Alam mo, hindi ko rin naman sigurado na akoy papasa sayo, mapasok ko ang mundo mo, at sa huli tayo talaga. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero paano ko malalaman kung hindi mo ako mabigyan ng chance? Kahit chance lang please. Pagkakataon lang, masaya na ako. Kahit sa huli, hindi maging tayo. Please. Masakit na ang mata ko. Masakit pa puso ko.
Sana bukas, magising ako ng maganda mong balita. Please. Pangarap talaga kita. Kahit chance lang masayang masaya na ako.
Maraming salamat sayo