Salamat

4 0 0
                                    

Hindi ko alam.. hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo.

Salamat sa lahat ng ipinaramdam mo sa aking saya, lungkot, lito, inis, excitement, pagkabigo, pag asa at lahat.

Matapos kong isulat ang unang parts na akala ko ay huli na, ipinikit ko ang aking mahahapding mga mata. Pilit inaalis sa isip ang pighati naiyong ipinadama. Pero kumikipkip sa akong puso ang hapdi kung kayat tumulo ang aking mga luha. Hanggang sa humikbi ng kusa.

Dumaan muli saaking isipan ang mga binuo kong sandali na baka sakaling mangyari kung ako ay iyo lang hindi isinantabi.

Pagpatak ng alasdose, ay ang hudyat na wala na nga. Tapos na. Kung kaya chinat kita na ako ay patuloy na umaasa at hihibtayin parin kita. Nagmamakaawa. Ngunit alam mo bang iyon ay may bahid ng pagsuko at pagpapalaya? Sa kabila ng aking pagpapakatatag ay nagawa kong magpaalam.

Wala na nga. Paulit ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig iyan kahit na ang huni ng hangin galing sa electric fan malamang ang naririnig masabat ng mahinang paghilik ng kapatid ko sa tabi. Kahit pa sinabi kong akoy aasa pa, tila may napatid na sa aking kalooban pagpatak ng hatinggabi. Disyembre na. Ang buwan ng pasko. Pagmamahal. Pagbibigayan. Pero ang inisip ko, wala na. Nakakabinging "wala na" sa kabila ng katahimikan. Kung kayat namayani muli ang aking pagiyak.

Sinubukan pa akong patahanin ng isang kaibigan sa malayong lugar. Pero sabi ko, dadamdamin lang kita talaga. Sa susunod, akoy okay na. Pero hindi pala. Wala pang isang oras, basang basa na ang T-shirt kong di na nagawang palitan paguwi ng bahay. Pati uhog ko, tulong tulo na. Sa halos isang oras, hindi ako panawan ng ulirat upang sana ay makalimot kahit apat na oras lamang.

Tiningnan ko ang orasan.

12:59

Isang minuto Bago mag isang oras na akoy iyong nawasak.

Dahil hindi makatulog, binuksan kong muli ang cellphoneat kumunekta sa wifi ng pinsan kong nakalimutang i-off.

Gamit ang mahapding mata, inaninag ko ang screen. Bigla itong nag vibrate sinyales na may pumasok na mensahe.

Ibinaba ko na ang lahat ng pag asa ko. Hindi ko na inisip na ikaw iyon.

Pero pangalan mo ang bumungad sakin. Saktong saktong pagchat mo ang pag bukas ko ng cellphone. Nagising malamang ang aking buong diwa.

Isang linya lang pala ang sinabi mo.

Pero Sanay na ako. Sanayan lang yan ika nga.

At kesa naman sa wala.

Sinagot kita ayon sa iyong tanong at sa aking ginawa.

Oo, tinignan ko. Pero wala e. Wala talaga. 

Yung pag asa na nasindihan ng iyong simpleng tanong ay nawala muli.

Pero di ko alam kung anong nangyari. Niseen mo ulit ako e. Pero gising ang diwa ko kaya nagkalikot na lang ako sa cellphone. Aasa ulit na iyong babalikan.

Hanggang sa may napansin ako sa ibibigay mo sa akin noong nakarang buwan pa.

Hindi tama.

Dahil may nag iba.


Iba pala talaga.

Hindi ko lang napansin.

Yung hinahanap ko mula sayo, nasa akin pala!

Hindi ko lang Nakita.

Baka nga matagal nang hinihintay na aking mapansin lang.

Meron na pala. Bakit diko nakita?

Bakit di mo kasi sinabi?



Di bale na. Walang pagsidlan ang saya na lumukob sa aking dibdib at buong pagkatao.

Napachat agad ako sa bespre n ko na ililibre ko siya ng lunch.

Pero nagsorrymuna ako sayo. Patawad kasi hindi ko nakita.

Patawad kasi hindi ko alam.

Patawad kasi drinamahan pa kita, natanga lang pala ako. 

Patawad talaga hindi ko sinasadya.

Meron na pala. Akala ko kasi magkukusa kang sabihin sakin.

Yun pala kailangan kong matuklasan mismo.

Pero mapagpatawad ka. Sinabi mong okay lang.

Salamat sayo.

you're welcome


Shocks. 


Mahal mo pala ako!!!



Mahal na kita. Salamat sa pagkakataon! Maraming salamat.



Kinikiligtalaga ako.




Tsaka nagulat na pagreplya ka 12:59 am. Lodi. 😘😍

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First Serious Heartbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon