What a beautiful day!!! Woohoo!!
Nag-top 2 kasi ako sa lahat ng estudyante na 4th year dito sa school na ito!! Haha!! Ang pinapangarap kong cellphone, makukuha ko na!!! Wiihhh!! Nyahahaha!!!
"Uy Myca! Congrats ha! Galing mo talaga!" Bati sakin ng bestfriend kong si Rico.
"Thanks Rico!"
"Oh... Ito nga pala yung listahan ng mga top 50 dito sa school. Bad trip! Top 36 lang ako!"
"Ok lang yan! Eh si Mikel, pang-ilan?"
Tiningnan niya yung listahan.
BTW, I'm Myca Shin Ferrer. 16 years old. 4th year highschool na ako. Si Mikel naman, kakambal kong lalaki. Mas matanda nga lang ako ng 30 minutes.
"Ah ito na Myca. Pang top 12 siya. Ang talino niyo talagang magkapatid! Hay..." Napabuntong hininga na lang itong si Rico. Monggoloid din eh.
Buti nga naka 36 pa siya! Ang hirap kaya magtop sa top 50. Magno-nosebleed ka pa kakaaral.
Nagtiyaga lang naman ako eh kasi gusto ko ng cellphone. Sabi kasi ni Mama at Papa, pagnakasali daw ako sa Top 10 ng mga top sa top 50, bibilhan daw nila ako ng brand new cellphone. OH DIBA? Ang taray, brand new cellphone! Gusto ko ng Samsung.. Huehue!
"Sige na nga, Maymay. Hindi muna ako makakasabay sayo ha. May lakad kasi kami ng girlfriend ko."
"Ugh.. Kainis ka naman, Ric! Pinagpalit mo na ako sa girlfriend mong hifffffooon!" Sabi ko sabay pout.
"Lul, baliw ka! Mas maganda naman sya kesa sayo. Sige, alis na ako!" Nagwave na siya at umalis. Hindi nya man lang ako pinasagot sa panlalait nya sakin. Ha! Hipon naman talaga girlfriend nya..
Pero, wala na naman akong kasabay!! Wawa naman ako.. Samahan nyo ko, pweaseee?
AHA!! Si Mikel! Siya na lang ang aayain ko kasabay pauwi. Wala pa namang girlfriend yon eh.
Nagpunta agad ako sa music hall. Nagba-banda kasi siya kaya lagi silang nakatambay sa music hall. At isa pa, gusto kong makita ang crush ko!! (>o<)
Ayiee!
Bubuksan ko na sana ang pinto papasok sa music hall ng kusa itong bumukas at tumambad ang mga naggagwapuhang lalaki.
"Oh Myca. Bakit nandito ka?" Tanong sakin ni Ardin. Ang crush ko na ka-bandmate ng kapatid ko.
"A-ah... S-si Mikel?" Nauutal kong sabi. Waahh!!
Ang pogi pa din ni Ardin!! Talande much!
"What do you want?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Mikel sa harap ko.
"Aayain s-sana ki---"
"I'm not interested." Simpleng sagot niya na hindi pa nga niya ako pinatapos, agad na siyang lumakad paalis.
Lagi naman ganyan ang trato ni Mikel sakin. Binabale wala niya ako. Tahimik lagi, tapos parang walang pake sa mundo. Minsan nga, nagtataka ako kung kapatid ko ba talaga siya eh.
Ako kasi, madaldal, makulit. Eh siya, hindi umiimik, laging tahimik, cold. Hayyy..
"Sorry Myca ha. Badtrip lang kasi si Mikel." Paliwanag ni Ardin.
"Ha?" Badtrip? Bakit parang hindi halata? Lagi namang ganyan yan eh.
"Na-BH kasi siya."
"BH???"
"Wala.. Wala ka pa talagang alam tungkol sa mga ganun. Bye na, Myca!" Paalam ni Ardin.
BINABASA MO ANG
Ms. Heartbreak Doctor (Oneshot Story)
Teen Fiction"Thank you for curing my broken heart.." --- ©Copyright 2014 All rights reserved. No plagarism. ฟяïттεท вγ: somebodee