Sakin ba siya nakatingin?

39 2 0
                                    

" hey ! ate juris let's go na " - yakad sakin ni Pauline

Naglakad na kami papuntang plaza.

Mabuti naman at Hindi pa nagsisimula ang game. nagwawarm up pa lang ang mga player..tumingin ako sa paligid, bakit wala pa siya? ilang minuto na lang mag-iistart na ang game e. maglalaro pa kaya Si dexter sayang naman ang effort ko pag Hindi siya maglalaro..

"ooh bakit naman nakasimangot ka? kanina excited ka pa ahh?" - tanong sakin ni Pauline

" sa tingin mo dadating pa Si dexter?" - balik Kong tanong

" bakit mo naman na tanong? - nakangising tanong sakin ni Pauline.

" ahh..ehh.. b..ba ka kasi matalo pag wala siya " - palusot ko

" padating na yun . oohh! e ayun na pala oh. - sabay turo Kay dexter

Nung nakita ko na siya. napangiti na ako. bagay na bagay talaga sa Kanya yung jersey niya. ang ganda pa ng height niya. ang cool niya tignan.. lalo na yung pag lakad niya, kung pano siya tumakbo, kung pano siya ngumiti waah everything about him is cool. makita ko pa lng siya kinikilig na ako.

After 15 minutes nag start na ang game.

First 3 points kay dexter agad.. grabe kakastart pa lng ng game pero nagpapakitang gilas na agad siya lalo tuloy akong nagkakagusto sa Kanya. naging smooth lang ang laro nila, pano ba naman Hindi naman kasi magaling yung kalaban nila. 3rd quarter pa nga lang natambakan na nila yung kalaban nila e.

kaso, sa isang game Hindi naman talaga maiiwasan na may masaktan. na foul Si dexter, nasiko siya sa baba Nung nagbabantay sa Kanya.nakita ko kung pano siya napangiwi, for sure nasaktan  siya...

grrr kung pwede lang batuhin yung nakasiko sa Kanya ginawa ko na, Hindi naman ako magka pag react ka Si bka mahalata na Si dexter yun crush ko malakas pa naman pakiramdam nitong Si Pauline.

nag free through siya. as expected na shoot niya yung dalawa. lumakas lalo ang sigawan. partida may injury pa yan.. 4th quarter na, Alam na Alam na kung sino ang mananalo at Hindi nga ako nagkamali sila ang nanalo.

isa-isa nang nagsisialisan ang mga manunuod pero kami andito pa din.

" Hindi pa ba tayo uuwi ? -naiinip ng tanong ni Pauline sakin

"teka lang , masakit pa paa ko e"

Syempre palusot ko lang yun. andito pa kasi ung mga player ,So its mean andito pa Si dexter. ang totoo niyan ayoko pa  talaga umuwi kasi gusto ko pa siya makita. kamusta na kaya yung baba niya? naku baka may nafracture dun..

hinanap ko siya. andun pala siya nakaupo kasama ang mga kateam niya. mukhang OK naman siya. Hindi na niya kasi iniinda yun baba niya.

tinignan ko siyang mabuti. bakit ganun ? kahit makita ko lang siya, kahit Hindi ko na siya makausap OK na sakin. kuntento na ako sa ganito, yung makita ko lang siya araw-araw, yung bawat ngiti niya, feeling ko napapangiti na din ako.

maya-maya tumayo siya, pumunta siya sa tindahan. bumili pala ng sigarilyo.

bakit ganun? kahit naninigarilyo siya, Hindi ako natuturn-off, ang cool niya pa din tignan waah.. ganito ko ba siya kagusto ??? lahat ng standard ko nag bago ng dahil sa Kanya. dati ayoko sa lalaking naninigarilyo at mas matanda pero ngayon.... anu pa kayang susunod???

habang naglalakad siya pabalik sa mga kateam niya. sinusundan ko siya ng tingin.

Nang biglang...

napagawi yung tingin niya sakin.

OH MY GOSH ! eye to eye... nagkatinginan kami

at dahil nahihiya ako, ako ang anung nagbawi ng tingin. panigurado ako, namumula ako.. tumungin ako sa likuran ko. ang dami pa paLang tao sa likod ko. tssk nag feeling na naman ako baka sa iba siya nakatingin, Hindi sakin.

"Tara na ! naiinip na ako " - sabi ni Pauline sabay hila sakin.

pero syempre bago ako umuwi. tinignan ko ulet siya.

bisi na siya sa mga kateam niya.

Nang nakarating na kami sa bahay nakita ko Si kuya macky. mas nauna pa siyang umuwi samin.

" kuya Macky, galing ah! na ka shoot ka din !" - Biro ko

"loko, ako kaya ang pinaka magaling dun"

" Asa, Si dexter kaya ang pinakamagaling sa inyo " sabi ko ng mahina

" Anong sabi mo?? " - tanong ni kuya macky

" Wala sabi ko ang galing mo nga kaso Sinungaling ako "

" abat loko to ahh "

babatukan niya sana ako kaso mabilis akong tumakbo .

Patay  ! muntik na ako dun ah.. panigurado batok ako dun pag nalaman...

***************

A/ N: sa mga nakakakilala sakin guess who? sino yung crush ko haha..

I Secretly like him ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon