crush does not last a long time

33 2 0
                                    

" may secret din ako, Crush din kita "

yan ang binulong sakin ni dexter..

pagkasabi niya nun, nginitian niya ako at nauna ng maglakad. sumunod naman yung iba pa nilang kateamates, naiwan tuloy akong tulala.

Really??? crush niya din ako ? so the feeling is mutual.. may gosh feeling ko lahat ng dugo ko NASA mukha ko na.

" Oi Tara na ! natulala kana diyan. ikaw ha sabi na e. Si kuya dexter ang crush mo. kaya pala Hindi mo siya tinatawag ng kuya. type mo ! haha " - sabi sakin ni Pauline.

di ko na lang siya pinansin at naglakad na. .

bago ako matulog, tsinek ko ulet ang fb ko. syempre viniew ko ang profile niya. hmmmp nakaonline , kakaupdate lang pala niya ng status. binasa ko ang status niya " walang sikretong Hindi mabubunyag ".

para sakin ba yun ?? feeling naman niya matatamaan niya ako huhu pero sapul na sapul talaga ako !

pumunta na ako sa profile ko, may message pala sakin hmmp sino kaya to? tinignan ko. galing pala Kay dexter.

" hi crush :) "

grave, mabasa ko lang yun  feeling ko mahihimatay na ako. magrereply na sana ako kaso napansin Kong offline na siya agad tsssk..

patulog na sana ako ng mapansin Kong naka-online na ulit siya.. kaya nagreply ako sa chat.

"hmmp.. wag mo nga akong pagtripan "

nagreply siya.  "Hindi ah :) "

tsssk kahit kelan talaga. mukha lang siyang seryoso pero maloko talaga siya at malakas ang trip.

maya-maya napansin Ko na biglang dumami ang notification ko. tinignan ko. sabi na e! siya may kakagawan. ni like lang naman niya lahat ng profile picture at status ko. ganito ba ang Hindi nangtri-trip??

kaya biglang ganti, nag post ako sa wall niya. Alam ko naman issue to pag  may nakabasa. may mga nakakaalam na kasi na Si dexter ang crush ko.

" hi fan :) thank you for the floodlikes . later na lang yung autograph :p "

nagcomment siya, nagpalitan kami ng comment.nakisali na din yung mga friends namin na naka online na Alam yung secret ko.

tinutukso na naman kami.

habang tumatagal na magkachat kami.mas nagiging komportable ako sa Kanya.

********

Akala ko dati pag nalaman niya na crush ko siya mas lalong di niya ako papansinin. pero nagkamali ako, dun nagsimula na maging malapit kami. naging friends kami.

yung pagkacrush ko sa kanya Hindi ko na Alam kung Saan napunta. bigla na lang na wala . Hindi ko Alam kung bakit every time na kasama ko siya, every time na kausap ko siya, wala na yung kilig factor, wala na yung kaba factor..kasi siguro Alam ng puso ko na mas mabuti kung friends na lang kami. sabi nga ng kaibigan ko,ang crush , saglit lang yan samantalang ang kaibigan, hinding-hindi mawawala"

pero masaya ako, kasi kahit Hindi ko na siya crush. atlis friends kami. wala naman masama kung hanngang friends na lang di ba ? less hazzle, less pain at sigurado ka pa na hinding-Hindi mawawala ang friendship niyo.

Hindi ko rin naman masasabing sad story ang nangyari samin kasi dahil sa simpleng crush  nagsimula ang isang matibay na pagkakaibigan :)

" Crush is a strong feeling of romantic love that is usually not expressed or does not last a long time "

- Marj P.

- the end -

************

A/N: tapos na po. thank you po sa mga nakabasa at magbabasa pa lang nito ..

sorry kung panget yung ending. actually bitter writer kasi ako kaya nahihirapan akong gumawa ng happy ending hahah. mahirap talaga gumawa ng happy love story lalo na kung Hindi mo pa naman talaga nararanasan. db? kaya pls bear with me he he.

facts : this story is true. kaya nasulat ko to kasi nainspired ako sa liga samin. lagi kasi akong nanunuod  kaya naisipan Kong gumawa ng story about basketball player. e Sakto naman na may crush talaga ako sa mga player hahah.  :)

thank you so much for reading this.

I dedicate this story to my crush :) DR.L

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Secretly like him ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon