Sa tuwing nakikita ko siya, umiinit ang ulo ko. Kumukulo rin ang dugo ko sa kanya. Wala pa siyang ginagawa pero naba-badtrip na ko sa kanya. Kaasar lang!
Hey, don’t get me wrong. Hindi ko siya type at never na mangyayari ang bagay na yun. Hindi ko gusto ang mga malalamyang lalaki. Yung tipong bakla ang kilos. I know that he is not gay pero dahil sa pagiging mahinhin niya konting push nalang at maniniwala na akong bakla ang isang to.
“Good morning, Natasha!” malambing na bati sa akin ni Kyungsoo.
Sinabi ko bang malambing? No, scratch that. Malamya ang ibig kong sabihin. Tama! Malamya nga.
“Psh. Ano naming good sa morning?” pabalang kong sagot sa kanya. Lagi siyang ganyan tuwing umaga, bumabati ng “good morning” na labis kong ikinaiirita. Eh sa mainit talaga ang dugo ko sa kanya, anong magagwa ko?
“Ang aga ang sungit mo na agad. Bakit ka ba laging ganyan sa akin?” Ano namang drama nito?
Inirapan ko lang siya bilang sagot. At umalis na siya sa harapan ko. Sa susunod nga late na akong papasok para hindi niya na ako mabati sa umaga.
“Bakit ganyan ang itsura mo? Ang aga-aga nakabusangot ka na dyan,” biglang sambit ni Chanyeol na sumulpot sa tabi ko. Parang mushroom lang. XD
“Yeol, para namang hindi mo alam,” sarkastiko kong pagtugon sa kanya.
“Buti nga at may bumabati pa sa’yo tuwing umaga eh.”
Tiningnan ko lang siya. Seryoso ba to? Ang alam ko ayaw niya rin kay Kyungsoo. End of the world na ba? O ako lang talaga ang number ONE hater niya?
“Akala ko ba ayaw mo rin sa mokong na yun? Anyare?”
“Sha, hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero bakit hindi mo siya subukang kilalanin? Baka sakaling mabawasan ang kulo ng dugo mo kay Dyo.” At iniwan niya akong nakanganga sa huling sinabi niya.
Kilalanin? Sasayangin ko pa ang oras ko para sa walang kwenta na yun. Wag nalang. Mas marami pang bagay na dapat kong intindihin kaysa sa kanya.
Bukod sa pagiging malamya ng kilos niya, hindi ko na alam kung bakit ako laging naiirita sa kanya. Dahil ba sa matalino siya? Hindi, matalino rin naman ako. Dahil ba talented siya? Nope, kaya ko rin ang mga ginagwa niya. Dahil ba magaling siyang magluto? Lalong hindi, magaling din ako pagdating sa pagluluto at wala siyang sinabi sa mga kaya kong lutuin.
Nah! All of these are not true. Oo, matalino ako, pero lagi siyang mas mataas sa akin. Talented din ako, pero hindi ko yun pinapakita. Nahihiya kasi ako. Magaling talaga akong magluto, pero ako lang ang nakakaalam. Kahit si Chanyeol na malapit kong kaibigan hindi alam na kaya ko palang magluto.
Wala naman akong balak na ipaalam sa kahit sino ang mga abilities ko.
Bakit?
Because no one believes in me, they do not even look at me. Or maybe, they do. Pero dahil lang sa taglay kong kasungitan.
Dahil ba gwapo siya? Bulong ng isipan ko.
Gwapo?! Sinong gwapo? Yung mukhang kwago na yun?!?! Sabihin niyo nga sa akin kung may poging kwago?!
Wala naman, di ba? Kadiri yung utak ko, kung anu-ano ng iniisip. Kailangan ko ng linisin to at mukhang kailangan ko na ring higpitan ang mga turnilyo.
Mabilis na tumakbo ang oras. Lunch break na namin. Busy si Yeol ngayon kaya wala akong kasabay kumain. Bukod kasi sa kanya, wala na akong ibang kaibigan.