PROLOGO

1K 24 17
                                    

PROLOGO:

[blank black screen habang unti-unting nakikita ang painting na Christ of St. John the Cross, habang nagdadasal si Juan]

"Matagal ko ng tinalikuran ang pagiging tagabantay.Tahimik na ang buhay ko sa piling ng mga taong mahalaga sa akin.Wala na akong iniintinding mga aswang at mga impaktong lamang lupa. Akala ko tapos na ang lahat, nagkamali ako. Ang akala kong katapusan, simula lang pala, ng panibagong paglalakbay. Buong buhay ko, walang babala ang makapaghahanda sa akin sa kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Ngayon pa lang magsisimula ang lahat.

Bossing! Bigyan nyo po ako ng lakas at tapang na harapin ang kasamaan. Kayo na po ang bahala sa akin." wika ni Juan


EPISODE 1: TRASLACION

Jan. 9, Pista ng Nazareno, nagkalat ang mga deboto sa patio ng Quiapo church. Naghahanda na ang mga aakay sa karo ng itim na Nazareno, kabilang sina Juan at Asiong. Magsisimula na ang translacion [Ipapakita ang interior ng buong simbahan,madilim at tahimik ang paligid. Tanging ingay ng mga deboto sa labas ang maririnig/ close-up ng mukha ni Juan]

[extreme long shot ng malaking pintuan ng simbahan habang makikita si Juan na nakatalikod at naglalakad palapit sa pintuan, dahan dahan niyang binuksan, at unti-unting pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa loob ng madilim na simbahan]

[side view/medium shot ni Juan habang nasisilaw sa liwanag ng bukas na pintuan]

"HUY!!! JUAN!!!" wika ni Asiong, nagising si Juan na nananag-inip na nakasubsob sa metal railing barrier

Alas-kwatro na ng umaga, naghihintay na ang mga Hijos del Nazareno sa pagsisimula ng traslacion sa Quirino Grandstand.

"Nananag-inip ka pa yata Juan. HAHAHAHA.....umuwi ka muna at matulog." biro ni Asiong, walang reaksyon si Juan

"Juan....ayos ka lang? Masama ba pakiramdam mo?...balisa ka beh...may regla ka ba ngayon beh?" biro ni Asiong

Siniko ni Juan si Asiong. "Ikaw talaga puro ka kalokohan. Lahat naman tayong mga hijos pagod....sino bang hindi mababalisa sa hirap natin sa paghahanda sa traslacion, hanggang sa pagtawid ng karosa ng Nazareno papuntang simbahan....ikaw lang naman ang hindi napapagod....diyan ako humahanga sa yo." wika ni Juan

"AWWWWWWWWWW!!!!!! Hinahangaan daw niya ako." biro ni Asiong na boses Kris Aquino, nagtawanan ang dalawa

[1 minutong ipapakita ang mga deboto na nagkalat sa open grounds ng Quirino Grandstand na naiilawan ng malamlam na dilaw na ilaw mula sa street lamps, habang maririnig ang bulungan ng mga tao sa nakabibinging katahimikan]

[medium shot/ low angle view ng debotong nakasubsob at nakayukosa metal railing barrier, habang makikita sa itaas niya ang malamlam na dilaw na ilaw]

Samantala...

 Tahimik na nakayuko si Lola Belen at nagdadasal na nakabelong itim, hawak ang rosaryo, nakaluhod sa harap ng altar. Maya-maya ay nag-antanda ito at tumayo, naglakad palabas ng kwarto at sinara ang pinto.

[close-up ng mukha ni Jesus na nakapako sa krus, na naiilawan ng kandila sa ibaba]

[camera movement: pans: skyline ng Quiapo habang dahan-dahang nabubukang-liwayway at maririnig ang boses ni Juan]

"Umaga na...simula na ng mahaba at nakakapagod na araw." wika ni Juan

Biglang nagtulakan ang batalyon ng mga deboto at tumatakbong palapit sa karosa ng Nazareno. Nagbaksakan ang metal railings.

[long shot ng isang debotong nadapa at nasubsob at napagtatapakan ng mga tumatakbong deboto]

Nasa karosa na ang mga hijos, maliban kay Asiong na nasa baba at inaayos ang gulong ng karosa.

Juan Dela Cruz: Ang Propesiya [on-going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon