KAPITULO I

218 9 27
                                    

Episode 16: ANG UNANG DELUBYO

PAGBABALIK-TANAW:

 Pasado alas dose na ng gabi patapos na ang traslacion, ngunit buhay na buhay pa rin na nagkakagulo at nagsisigawan ang mga deboto ng Nazareno.

[extreme high angle view ng batalyon ng nagkakagulong mga tao na dinudumog ang karosa ng Poon ng Itim na Nazareno na nasa Plaza Miranda sa tapat ng Quiapo church, habang makikita ang mga hijos del Nazareno na nakasakay dito]

[high angle view ng mga hijos del Nazareno kasama si Juan at Asiong na nakasakay sa karosa habang maririnig ang boses ni Toto]

"HAHAHAHAHA!!!!! Mga TANGA!!!...Nagpapakamatay para lang makasampa at makahawak sa karosa ng poog sunog....para ano?....sa bagay...kakailangan niyo yan....matinding pananalig at makakapitan...para sa paparating na delubyong, wala kayong ka alam-alam....para kayong mga basang sisiw na ginulat pag nagkataon...nakakatawa....nakakaawa....walang kalaban-laban....mahihinang mga nilalang...hala sige...simulan niyo ng magdasal ngayon pa lang....tulungan nawa kayo ng Diyos niyo....Amen." wika ni Toto

-------------

[extreme high angle view mula sa tuktok ng Mercury Drugstore: tapat ng Quiapo church habang unti-unting nawawala ang nagkakagulong traslacion at napapalitan ng mga batang naglalaro kasama si Pikoy]

[ side view/long shot ni Toto na nakatayo at nakayukong nakangiti, sa tuktok ng mercury drugstore sa harap ng Quiapo church habang makikita ang skyline ng Quiapo at maririnig ang ingay ng mga tao at mga sasakyan sa baba]

[long shot ni Toto na nakayuko habang makikita ang cartoons na commercial ng mercury drugstore sa malaking screen na tinutungtungan niya]

Natigilan sa pagka kara krus si Pikoy at napatingin sa taas.

[low angle view ng tuktok ng Mercury Drugstore na wala na si Toto]

"Huy anong tinitignan mo?" wika ng bata

"Nakita mo ba yun?...parang may nakatayo dun sa taas." wika ni Pikoy

"Ano?....nakatayo....san...wala naman ha....adik ka ba?" wika ng bata

"Hala...tira na..." wika ng isa pang bata

"ayoko ng maglaro nito...eh pangbata lang to eh....binata na ko." wika ni Pikoy

"Oo nga...bata lang ang naglalaro sa kalsada ng kara krus....tara Pikoy mag pisonet na lang tayo." yaya ng bata

"Tara!" nakangiting wika ni Pikoy

[high angle view ng mamang may pasan na mga sako sa kanyang balikat, habang naglalakad sa pasilyo ng mga tindahan ng mga gulay at prutas sa open flea market]

Sa kabilang banda ng open flea market ay nag-uusap si Belen at tindera habang maririnig ang ingay ng mga tao sa paligid.

"Ano Cora....kumusta na....Kumusta na si Belen...?" tanong ng ale

Napabuntung-hininga si Cora. "....hay...ayun....ganon pa rin....wala pa ring malay." sagot ni Cora

"Hayaan mo....pasasaan bat magigising din yang tanginang Belen na yan....masamang damo yon, maniwala ka, mahaba pa buhay non....magiging maayos din ang lahat." biro ng Ale

"....tama....magiging maayos din ang lahat.....yan din ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko...kinukumbinsi ko ang sarili ko na magiging maayos din ang lahat...na isang araw, bigla na lang siyang magigising......pero parang....parang hindi na siya gigising.....nawawalan na kami ng pag-asa....minsan, parang gusto ko na lang sumuko....." nangingilid ang luha ni Cora habang nagsasalita

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Juan Dela Cruz: Ang Propesiya [on-going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon