Alas-sais ng gabi. Kasalukuyang nagaganap ang isang documentary film festival ng U.P. Film Insititute. Karamihan sa mga dumalo ay either mga film students o mga horror movie fanatics. Naroon sila para panoorin ang isang documentary na may kinalaman sa demonic possession.
Padilim na ang kalangitan at naglabasan na ang mga sasakyan sa kalsada. Nagmamadali ang ilang mga estudyante na galing pa sa kanilang mga klase patungo ng U.P. theatre para makahabol sa palabas. Sa loob ng campus ay dinig ang busina ng mga kotse't jeepney. Pasalungat sa papalabas na mga sasakyan ay padating naman ang kulay itim na Pajero. Sakay nito ay sina Sonny Arteza at ang kanyang fiancée na si Karen, na kapuwa excited dumalo sa film fest. Si Sonny ay mayor ng Daigdigan, isang bayan sa Quezon Province.
"Doon tayo, Gerry," turo ni Mayor sa kanyang driver.
"Yes, sir," sagot ng manong na driver.
Pumarada sa tapat ng U.P. theatre ang Pajero at nagbabaan ang mga sakay nito. Suot ng 40-something na mayor ang patented niyang black leather jacket, na pinartneran niya ng jeans at leather shoes. Maputi siya't may hitsura, at malakas ang personality. May confidence sa pagiging isang public official. Isang self-proclaimed na people person. Malaki ang agwat ng edad niya kay Karen na nasa kanyang late 20's lamang at siya ring kanyang personal secretary. Mahaba ang kanyang buhok, long-legged at may taglay na sex appeal.
"Ang daming tao," masayang sabi ni Karen. Kita nila ang mahabang pila papasok ng teatro.
"Nice!" ngiti ni Mayor Arteza.
Excited lang ang alkalde sa kadahilanang isa sa mga featured films sa festival ay walang iba kundi ang pelikula na siya mismo ang nag-direk at nag-produce—ang documentary na pinamagatang Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House. Kauna-unahang movie niya ito na ayon sa kanya ay binase sa tutoong pangyayari na naganap mismo sa kanyang bayan halos mag-iisang taon na ang lumipas.
Ito ay ang true-to-life na exorcism ng anim na taong batang babae na nagngangalang Berta na nangyari sa loob ng isang haunted house—ang Anlunan Residence, otherwise known as Ang Bahay na Bato, na pagmamay-ari rin ng mayor at isang tourist attraction sa kanyang lalawigan. Nakatakdang ipalabas ito ng 6:30 pm at ang magandang turnout ng mga attendess ay nangangahulugang narito sila para sa pelikula niya.
Hindi karaniwan na ma-invite sa ganitong event ang isang baguhang direktor, nguni't ang pelikula ni Mayor, although hindi magandang tinanggap ng mga critics ay may malaking cult following. Ayon sa ilang kritiko, ang documentary daw ay isang fake. Na ginamitan daw ng special effects at CGI. Mariing dineny naman ito ni Sonny.
Pagdating nina Mayor at Karen sa entrance ng U.P. theatre ay naroon na't nakaabang si Jules, na isang parapsychologist.
"Jules!" bati nila.
"Sonny...Karen," balik ni Jules at nagkamayan sila at beso.
Sa paligid nagsisipagpasukan na ang mga manonood.
BINABASA MO ANG
Ang Dalawang Anino ni Satanas
HorrorNagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--si Satanas, at sa tulong ng isang private detective ay makakasagupa nila ang grupo ng mga Satanista habang ginagawa ang exorcism ng isang lal...