Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano

5.5K 339 38
                                    

"Are you sure na possessed siya?" tanong ni Jules

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Are you sure na possessed siya?" tanong ni Jules.

Katabi niya si Don Carlos Villaromano at kaharap nila'y sina Mayor Arteza at Karen. Nasa isang mamahaling Italian restaurant sila sa may Timog Avenue at kasalukuyang inaantay ang kanilang inorder habang nagsi-sip ng red wine. Doon sila dumiretso matapos ang screening ng documentary ni Mayor sa U.P. theater kung saan nagpakilala sa kanila ang Don at nagsabing kailangan nito ng tulong nila.

"Baka isa lang itong medical condition?" patuloy na tanong ni Jules.

Tumingin sa kanya ang Don. "Look...ah..."

"Jules," pakilala ng parapsychologist.

"Jules," ulit ni Don Carlos. "Dinala na namin si Miguel sa mga duktor, and they said there's nothing wrong with him. We also saw psychiatrists, but they gave up after a few sessions. Look, I'm an educated man, and I know what I saw. And it defies explanation!"

"Same here," sabi ni Mayor. "And with regards sa documentary ko, I know what I saw."

Napatumpik ng palad sa mesa si Don Carlos. "And that's exactly why I approached you, Mayor," diin ng Don. "A public offical like yourself wouldn't risk his reputation kung hindi tutoo ang mga sinasabi niya."

Napatango si Mayor. Isang boost iyon sa kanyang self-confidence.

"Climbing on walls, levitation, may mga demonic possession cases na kung saan nangyari na ito," sabi ni Jules. "Most recently, 2011, 'yung case ng Ammons family sa Indiana, USA, kung saan ang isang 7-year old na batang lalaki ay naglakad na pabaliktad paakyat ng wall..."

"So you believe me?" tingin ni Don Carlos.

"Of course, we believe you," agad na sabi ni Mayor Arteza.

"Ilan taon na ang anak n'yo?" mahinahong tanong ni Karen.

"Miguel is 18," sagot ni Don Carlos.

"At kailan pa ito nagsimula, 'yung pagbabago niya?" dugtong ni Karen.

Napatingala ang Don at nag-isip. "Let me see...I think four or five months ago. He became different. That was also the time na nagsimula ang mga noises..."

"Noises?" ulit ni Jules.

"We began hearing strange noises sa gabi," sabi ng Don. "Do you think they are related?"

"Yes, of course," sabi ni Mayor Arteza. "Before ng demonic possession, may mga paranormal activity munang mangyayari."

"I see..." pag-isip ng Don. "It was also the time that Miguel joined this weird group."

"Paanong weird?" usisa ni Jules. "Like, parang kulto?"

Napatango ang Don and realizing, "Y-yes, I believe so."

Nagkatinginan sina Jules, Mayor at Karen. Nasa isip nila, na kung may kinalaman ito sa kulto ay may posibilidad na involved ang devil-worship. Nakamasid naman sa kanila ang Don at iniisip na hindi pa sila ganoon ka-convinced kung kaya't may hinugot siya mula sa bulsa ng kanyang jacket. Nilapag niya ang cheque book sa mesa sa pagtataka ng iba.

"Do you have a pen?" tanong ng Don kay Karen.

Saglit na natameme si Karen. "Y-yes," aniya, at hinalungkat ang bolpen sa kanyang handbag at inabot iyon.

Nagsulat si Don Carlos sa cheke. "Here's an advance of P200 thousand," aniya. "So, you'll know that I'm serious."

Napasandal sa upuan si Jules, nakatitig sa cheke.

"I'm just a filmmaker, Carlos," sabi ni Mayor, at itinuro si Jules. "He and his team are the experts."

Bumaling ang Don kay Jules at matigas na sinabi, "Please, help my son."

Napatingin si Jules kina Mayor at Karen na tumango sa kanya. Ibinaba niyang hawak na wine glass at kinuha ang cheke. Ibinalik ng Don ang cheque book sa kanyang bulsa at dinukot naman ang kanyang wallet, at mula roon ay kinuha ang kanyang calling card na kanyang inabot kay Jules.

"Here's my address and contact number. I'll expect you tomorrow morning, okay?" aniya na walang pagsasayang ng oras. At hindi iyon tanong, more like a command.

"Y-yes," sagot ni Jules.

Tumango si Don Carlos, affirming na nagkakaintindihan silang lahat. Nang dumating ang mga inorder nila ay saglit lang ay nagpaalam na rin siya. Wala siyang balak pang magtagal doon. Mahigpit ang pagkamay ng Don habang nagpaalam, tanda na inaasahan niya ang tulong nila, na ito'y wala nang atrasan. Maging si Mayor Arteza ay medyo na-intimidate na makakilala ng taong mas mayaman sa kanya. Correction, ng taong ubod ng yaman. Filthy-rich, ikanga.

Naikuwento rin kasi ni Don Carlos ang ilang mga bagay tungkol sa kanyang sarili—na ang business pala niya ay international shipping. Nang sabihin ni Mayor na siya'y into real estate bago naging public official, ay ibinahagi ng Don na may ilang properties siya sa ibang bansa—isa sa California, isa sa Florida, at isa sa Spain. Of course, bukod pa sa bahay niya sa Forbes Park. Napalunok na lamang si Mayor. Nasilip pa nila mula sa bintana ng restaurant na sinundo si Don Carlos Villaromano ng itim nitong Chrysler 300C—kotse na nagkakahalaga ng higit-kumulang na apat na milyon. Napa-wow sila. Alam ni Mayor ang kalidad ng Chrysler na ito, dahil ito ang sasakyan of choice ng rapper na si Snoop Dogg.

Matapos kumain, ay nagpaalam kay Jules sina Mayor at Karen na bibiyahe pa pabalik ng Daigidgan, Quezon. Nakatayo ang tatlo sa curb inaantay ang pagdating ni Manong driver dala ang Pajero.

"Anytime na gusto n'yong magbakasyon, just tell me," sabi ni Mayor kay Jules. "My door is always open. Mi casa su casa."

"Don't be a stranger," dagdag ni Karen. "And don't forget, wedding namin ni Sonny next year, okay?"

"Oo, naman," ngiti ni Jules, at may naalala. "Kumusta nga palang trip n'yo sa Bali?"

After ng exorcism ni Berta ay nagtungo sina Mayor at Karen sa Bali, Indonesia para magbakasyon bilang isang engagement honeymoon. Nakangiting nagkatinginan lamang ang dalawa at iyon na ang sagot nila kay Jules.

"Good luck, Jules," pagsisiryoso ni Mayor bago sila sumakay ni Karen sa Pajero. Alam niyang isa na namang matinding kaso ang hinaharap ng grupo nina Jules, Hannah, at Father Markus.

Pinanood ni Jules ang pagalis ng Pajero, may konting lungkot sa paglisan ng mga kaibigan na sana'y nagkasama pa sila ng mas matagal. Nang hindi na niya tanaw ang sasakyan ay hinugot niyang kanyang cellphone at nag-dial.

"Hello,Hannah?" aniya sa phone. "May bagong mission tayo..."


NEXT CHAPTER: "Hannah's Date"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon