Nobela para kay "The One"

12 0 0
                                    

To you my friend,

May mga pagkakataong sumasagi sa isipan natin kung kailan nga ba natin matatagpuan ang tunay na nakalaan para sa atin. Para sa mga single katulad ko, normal lang naman iyon lalo na kung napapaligiran ka ng mga taong nagmamahalan. You can't stop but wonder -when,where and how will you meet him or her? Well, I've thought about it so many times. But then, hindi natin masasabi kung kailan nga ba ang takdang panahon to meet si "the one." I believe, only God knows...He will give us the man or woman that He thinks we deserve at the perfect time. And while we are waiting, we should pray for him or her also. Na sana mabuti siya at hulmahin siya ni Lord para maging karapat-dapat sa iyo. Kasama rin sa process of waiting, iyung pagbutihin natin ang sarili natin para if the time comes, maging deserving ka rin para sa kanya. And of course, we should always remember to include God at the center of our lives. We should love like him. Dahil kung mayroon man tayong pag-ibig na pwedeng ialay higit pa sa pagmamahal na pwede nating ibigay sa future partners natin, iyon ay ang pag-ibig ng Diyos.

I hope you will enjoy and be inspired by this poem. :)

Love,
Chachi

---

Nobyembre 13, araw ng Lunes
Habang ako'y prenteng nakahiga sa aking kama
Kasama nang aking pinsang noo'y naghihilik na
Naisipan kong lumikha ng isang nobela

Isang nobelang naglalaman ng mga katagang
Nais ko na iyo sanang madinig at malaman
Ngunit hindi pa pwedeng sambitin ng tuluyan
Dahil hindi pa panahon para ikaw ay masilayan

Kaya naman, sa nobela ibinuhos na lamang
Mga katagang naglalaro sa isipan
Mga salitang nais kong iyong marinig
Ngunit sa tamang panahon, ako'y maghihintay ulit

"Nasaan ka na ba?," iyan ang sinasambit ng puso
Na noo'y hindi na makapaghintay na magkita tayo
Nababagot, di malaman anong gagawin
Matatagpuan pa kaya ang tunay na para sa akin?

Noon tuloy ay bigla ko na lamang naalala
Ang sabi sa The Feast ay, "Maghintay ka.
Ipagdasal mo siyang mabuti dahil siya'y hinuhulma
Para sa oras na magkita kayo'y sapat na."

Mabuti na lamang at sumagi sa aking isipan
Mga katagang sinambit ni padre sa simbahan
Dahil sa oras na iyon ay marami akong napagtanto
Kailangan ko rin palang ayusin ang buhay ko

Hindi pala pwede na ikaw lang ang hinuhulma
Dapat sarili ko rin mismo ay maging handa
Para sa panahon nang ating pagkikita
Masabi mo na, "Salamat sa Diyos, ika'y biyaya."

Nais kong maging karapat-dapat sa iyo
Hindi man perpekto sa loob at panlabas na anyo
Ngunit masisiguradong pagmamahal ay buo
Dahil pag-ibig ng Diyos handang ialay sa iyo

Kaya naman hanggang sa itinakdang oras
Maghihintay nang walang kupas
Panghahawakan Kanyang pangako
Na ika'y masilayan sa tamang pagtatagpo

---

Verses and StanzasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon