Salamat, Ama

9 0 0
                                    

Sa pagbukas ng aking mga mata

Sinag nang araw, una ko nang nakita

"Napaka-ganda," iyan ang aking hinuha

Salamat, Ama sa isa na namang umaga

Ilang sandali, sa aking pagbangon

Pintig ng puso'y tila umahon

"Napakalakas," iyan ang aking turan

Salamat, Ama sa buhay na inilaan

Maraming salamat, Ama

Patuloy mo kaming pinagpapala

Sa kabila ng kawalan ng pag-asa

Ikaw ay nariyan, laging handa

Totoo ngang pag-ibig mo'y tunay

Wala ring ibang makapapantay

Pasasalamat ko'y habang buhay

Sa iyo lamang, Ama iaalay


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Verses and StanzasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon