FPQ: 3

2 0 0
                                    

Finding Parker Quin : 3

PAPUNTA ako ngayon sa next subject ko which is Science,at kung minamalas nga naman ko eh classmate ko padin ang Calyx na 'yon. Bwisit!

"Wuy,Amethyst! Hintay." I act like nothing's happening,like no one calls my name. Kapalmuks! Ako pa talaga pinapahintay niya? Eh halos lumipad ako sa lakas ng hangin niya eh. Nako nako!

"Bakit ba ayaw mo akong hin--"

"Pwede ba? Lumayo ka nga sakin,hindi tayo close okay?" Pagputol ko sa sinasabi niya dahilan para ang ngiting abot-langit niya ay mapalitan ng lungkot. So pakonsensya effect ganon?

"Ahh...sige. S-sorry." Calyx at nilampasan na ako. Para akong tuod dito na nakatayo sa tahimik na daan. Literal na hangin ang naramdaman ko nang nilampasan niya ako. So 'yun na nga,nakonsensya ako? Psh. Whatever. He's nothing.

"Blah blah blah..." Nasa classroom na ako ngayon at nagdi-discuss na si prof Lee. Lalakeng propesor kaya tahimik ang mga babae. Luh. Speaking of tahimik,ang tahimik din ni Calyx ngayon. Nakakapanibago,kanina lang kase ang kulit-kulit niya. Luh. Lampake no!

"Okay,exchange your paper with your seatmate." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni prof Lee.

"...with your seatmate." Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Nako,ano bang nangyayari saken? What the heck is happening to me?!

Still in shock mode pa ako nang maramdaman ko nalang na nasa desk ko na ang papel niya.

"Calyx Lucero." Ang unique ng name. Name lang,hindi ang may-ari. Duh.

Mala-The Flash ko namang nilagay sa desk niya ang papel ko.

Wala ako sa diwa habang chine-check ang papel niya.

"Should I say sorry?"

Luh?! Why would I? Wala naman akong kasalanan sakanya--

"Naging harsh ako sakanya..."

What?! I'm just saying that I don't want to be with him. That's all. Bigla namang nag-flashback sa utak ko ang sinabi ko sakanya kanina.

"Pwede ba? Lumayo ka nga sakin,hindi tayo close okay?"

Naging harsh nga ako. Sorry naman. Ang kulit niya kasi eh. Hays. I felt guilt kaya agad akong nag-isip ng paraan para mag-sorry sakanya. And the easiest way is to write "Sorry" on his paper.

Nakakahiya 'pag ivo-vocal ko 'yun,nako. Nakakahiya. No way!

"Give the paper to the owner." Halos tumalon ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog sa sinabi ni prof Lee. Omaygash! I'm dead.

Bakit ba kasi ako kinakabahan? Hihingi lang naman ako ng sorry. Like duh?

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa sinulat ko at bumuntong-hininga siya.

Sorry na kase! Tangna,dude,'wag kang pabebe.

Tapos na ang Science subject namin at naglalakad nanaman ako papunta sa next subject ko. And NO. Hindi ko siya classmate. Oops! Kayo lang ang disappointed,ako? No.

Finding Parker Quin [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon