FPQ: 9

1 0 0
                                    

Finding Parker Quin : 9

"HINDI ka pa ba tapos sa nobelang 'yan?" Rinig kong tanong ni Calyx saakin. Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

"Hays. Snob. Kung chat lang 'to na-seen na ako panigurado." Para ding timang 'to,kinakausap ang sarili. Bahala siya dyan,nasa ending part na ako eh.

Patuloy lang ko sa pagbabasa nang bigla nyang agawin saakin ng libro. Aba!

"Ibalik mo nga 'yan." Giit ko at sinusubukang kunin sakanya ang libro pero ang taas ng braso niya grabe,cannot be reach.

"At namuhay sila ng masaya at buo ang pamilya ng panghabambuhay." Sambit niya nang basahin niya ang huling pangungusap sa nobela. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang bagot na bagot nyang binalik saakin ang libro.

"Oh? Anong meron?"

"Binabasa mo padin 'yan kahit alam mo naman ang kwento. Psh." Bagot na bagot padin nyang saad at nag-nap sa desk ko. May desk siya,bakit sa desk ko pa? -,-

"Paki mo ba? Luh,sa mga telenobela o sa mga kwentong mababasa lang ang may forever. Kaya--"

"May forever kaya sa reality." Masiglang saad niya at ngumiti saakin. Napataas naman ako ng kilay ko sa sinabi niya.

"Ano naman?

"Edi 'yung kagwapuhan ko. Naks! Shet,ang gwapo at napaka-hot mo Calyx. Damn!" Siya sabay mahinang hinampas ang desko ko tapos hinawakan ang sentido niya. Para syang...

"Adik." Ako at nilagay na sa bag ko ang libro. Wala na. Hindi ko na tatapusin tutal,tinapos na din naman nitong lalakeng sobrang hangin. Nako nako!

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang 'tong isa naman nilalaro ang kamay ko. Ewan ko ba dito,para talagang adik eh.

"Amethyst..." Tawag niya saakin.

"Hmm?" Tugon ko habang nakatingin padin sa labas. Ano nanaman bang iniisip nito.

"Bakit ikaw lang mag-isa sa bahay mo 'nung pumunta ako a inyo? Where's your parents? Siblings? Or anyone?" Napalunok laway ako sa tanong niya.

"It's not yet time."

Hindi pa oras para malaman niya ang totoo.

•••

TAHIMIK lang si Amethyst simula 'nung tinanong ko sakanya kung nasaan ang pamilya niya. Sa tingin ko may conflict sa pagitan nila kaya hinayaan ko nalang siya.

As of now,nasa library ako kasama sina Haizon at Arlex. You know,detectives kami kaya heto short meeting lang.

"So bakit nga kayo nandito? Andito din ba ang bagong misyon niyo?" Tanong ko sakanila ng mahina. Delekado na,baka may makarinig pa saamin. Nako,'wag lang sana.

"Oo." Sagot ni Arlex habang nakatingin sa mga libro. Kunwari pa 'to,eh hindi nga 'to mahilig magbasa eh.

"Sino?" Tanong ko sakanila.

"Si Parker Quin." Nagulat ako sa sinagot ni Haizon.

"Ano? Eh misyon ko 'yan eh bakit--"

"Nababagalan na sayo si Mr. Marquez. Just to let you know,Calyx,two months passed na since binigay sayo ang misyon mo pero 'ni isang suhestyon o motibo wala kang na-report sa opisina." Arlex.

Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga. Nakalimutan kong may misyon pala ako dito sa West High. Masyado ko kasing nabigay lahat ng oras at atensyon ko kay Amethyst kaya nangyayari 'to ngayon.

"Uso ang salitang 'balance',Cal. You know?" Haizen. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Saan ba ako magsisinula dito.

"You better talk to Mr. Marquez first and foremost." Arlex at sinara na ang libro sabay tingin saakin.

"Alam mo namang ang ayaw niya sa lahat ay 'yung sinasayang ang oras." Dagdag pa niya at umalis na ng library. Tinanguan ko nalang si Haizen na sumunod sakanya. Kaya naiwan ako dito mag-isa.

Nandito ako ngayon sa harap ng isang Paper Company Building. Sa ilalim ng building na 'to ay ang opisina ng mga detectives like me.

"Sa mga past missions mo,Lucero ay wala pang isang buwan nasu-solusyonan mo na. Bakit ngayon,dalawang buwan na ang nakalipas ay wala padin? 'Ni kahit konting lead wala kang nai-report saakin. What is goddamn happening on you?!" Singhal saakin ni Mr. Marquez. Nasa opisina niya kami ngayon kaya lang ibang nakakarinig ng sinasabi namin kundi kami lang din.

"Hindi po madali ang misyon na 'to." Giit ko. Nagulat naman ako nang bigla nyang hampasin ang mesa niya dahilan para makagawa ng malakas na ingay dito sa loob.

"Hindi madali?! Still remember you remarkable words of wisdom,Lucero? You said,missions for you are just EASY AS PIE. Pero anong nangyayari ngayon?! Hard as rock na ba?! Ginagago mo ba ako?!" Mr. Marquez expected too much on me. Hindi naman lahat ng misyon ay madaling i-handle. Lalo na itong paghahanap kay Parker Quin Menella,bwisit!

"Nagdi-disguise po siya kaya ang hirap nyang hanapin." Saad ko. Hindi siya nagsalita.

"Leave and go. Find Parker Quin,her family is dying because of her." Hindi ko na siya sinagot kaya umalis na ako sa lugar na 'yon.

I need to start. I need to find that Parker Quin Menella.

***

ADD ME ON FACEBOOK "Annyhc KookieBwii" FOR MORE UPDATES.💞

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Parker Quin [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon