Sophie's POV
Maya maya my kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sophie! Gising na may pasok ka. Firstday of school nyo ngayon kaya bawal malate!"
Sabi ni mama."Opo ma gising na po ako" sabi ko.
Pagkatingin ko sa orasan ay 5:30 na pala ng umaga at 7:00 am pa naman ung pasok ko. Bumangon na ako sa higaan at pumunta ng cr para maligo
Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako para makapagbreakfast.
"Ma alis na po ako puntahan ko muna si shane para sabay kaming pumasok." Sabi ko pagkatapos ko mgbreakfast.
"O siya sige" sabi ni mama.
Umakyat muna ako ng kwarto at kinuha ang susi ng aking motorbike.
Pinag ipunan kong bilhin yung motorbike dahil dati pa man ay gustong gusto ko ng bumili nun. Mabuti nalang ay napapayag ko si mama nung una pa nga eh pinapagalitan ako nun kase dw baka maaksidente daw ako sabi ko naman mg iingat ako kaya ayun nakulitan siguro sakin kaya pumayag sya.
Binigyan nya rin ako pangdagdag ng pambili ng motorbike nato.
Pagkalabas ko ng bahay ay pinuntahan ko na agad ang aking bespren na si shane. Medyo malapit lang naman ung bahay nila.
Bumaba na ako sa motorbike ko at kumatok sa bahay nila shane.
"Shane? Tao po?!" Sabi ko.
Pinagbuksan naman agad ako ng gate ng mama nya.
"O hija ikaw pala yan. Halika pasok ka muna." Sabi ni tita Sam.
"Sige po tita. Si shane po?" Sabi ko.
"Nasa kwarto pa nya nagbibihis. Hintayin mo nalang at pababa narin yun." Sabi ni tita.
"Sige po." Sabi ko.
Umupo muna ako sa sofa nila habang hinihintay si shane. Maya maya ay nakita ko na syang pababa ng hagdan nila at nakangiti habang papalapit sakin nginitian ko din sya.
Shet ang ganda talaga ng bespren ko sabi ko sa isip ko.
"Kanina ka pa?" Tanong ni shane.
" uhmm. Hindi naman masyado kararating rating ko lang din naman. So ano tayo na?". Sabi ko.
"Huh? Anong tayo na?" Naguguluhang Sabi ni shane.
" uhmm ano, ibig kong sabihin tara na ba? Pasok na tayo kase baka malate pa tayo eh." Sabi ko.
"Ahhh ok." Sabi ni shane.
"Ay, teka kumain kana ba?" Tanong ko habang palabas kami ng gate nila.
"Hindi pa nga eh. Ikaw?." Tanong nya.
"Opo eh." Sagot ko.
"Samahan mo muna ako jollibee tayo my treat." Sabi nya.
"Ok basta ikaw." Sabi ko.
Pagkalabas namin ng gate nila ay nakita nya ung bigbike ko.
"Uhm. Jan tayo sasakay?" Tanong nya na para bang kinakabahan.
"Oo. My nkikita kapa bang ibang sasakyan bukod sa motor ko?" Sabi ko.
"Hmp! Malay ko ba!." Sabi nya at kunwaring tinarayan nya ako.
"Haha ang aga aga nakasimangot ka. Wag kang mag alala di ka malalaglag jan kasama mo naman ako eh." Sabi ko.
"Sige na nga." Sabi nya.
Nakasakay na kami ng motor. Nagsuot na ako ng helmet at ang isa naman ay isinuot ko sa kanya.
"Oh kumapit ka ng maigi sakin ah?"
"Opo." Sabi nya at humawak sa may balikat ko.
"Oh bat jan ka nkahawak? Dito ka kumapit para dika malaglag." Sabi ko at hinila ang dalawang kamay nya at pinalupot sa bewang ko.
Pagkatapos ay ngdrive na ako papuntang jollibee. Makalipas ang ilang minutong pagdadrive ay nakarating na din kami sa jollibee. Bumaba na kami at nagtanggal ng helmet tsaka pumasok na kami sa loob.
"Ako na ang mag oorder" sabi ko.
"Hindi na, ako nalang diba sabi ko sayo treat ko? Maghanap ka nalang ng mauupuan naten." Sabi nya.
"Okay, sabi mo eh." Sabi ko
Maya maya ay nakahanap na ako ng mauupuan. Umupo muna ako at nanood saglit ng porn haha wala kasi akong mapaglibangan eh. Ilang saglit pa lng ay nakita ko na si shane na papalapit sa kinauupuan ko na may dalang coke float,fries,pancake,spaghetti at coke.
"Oh, bat ang dami naman ata nyan? Sabi ko.
"Eh bakit ba gutom ako eh" sabi nya at inabot sakin ang cokefloat at fries.
"Kaya ka tumataba eh" bulong ko para hindi nya marinig.
"Ano? May sinasabi kaba jan?" Sabi nya.
"Huh? Wala sabi ko bilisan mo kumain baka malate tayo." Sabi ko habang kinakain ung fries.
"Ok." Sabi nya.