Hell's POV
Syets lang. Ang sakit pa din ng ulo ko, amp naman oo!! Di ba talaga ako tatantanan ng hangover?
Inipark ko na muna ang kotse tas pumasok na ng school building.
*tingin sa wristwatch
7:35 pa lang pala at mamayang 8 pa ang first subject ko kaya diretso na muna ako sa cafeteria para
bumili ng hot choco.
"Hell!Aga natin ah?!" tas biglang naupo si Justin sa upuan na nasa tapat ko. Kakaupo ko lang din eh kasi kakabili ko lang ng hot choco
"=____=" -ako
"I mean, JOSEPH pare! Hahaha" bawi niya tas nagpeace sign pa
"Gago." Yan na lang sinabi ko . Wala ako sa mood na patulan kagaguhan nito, masakit parin kasi ang ulo
ko.
"Hehe, init naman ng ulo mo He-Joseph" sinamaan ko na ng tingin. Sabi ng hwag akong tawagin sa
pangalan na yun. Yeah, my name is HELL JOSEPH SCOTTFORD. Weird no? Ewan ko ba kay papa' >.< Yae na, gwapo naman may ari. Hahahaha
"dyan ka na nga" tas nilapag ko yung baso na may konti pang hot choco tas tumayo. Malapit na rin
kasing mag time at nasa 3rd floor pa yung room ko.
"teka-" di ko na pinatapos pa si Justin. Tumalikod na ako para umalis ng biglang-
=_____=
"Naku, so-sorry. Di ko sinasadya" sabi nitong babae ng nakatapon sa akin ng ice tea habang pilit na
nililinis yung polo ko. As if naming malilinis niya.
"Yeah whatever. As if namang di mo talaga sinasadya" tas inalis ko yung kamay niya at nilagpasan siya. Wala ako sa mood makipaglandian dahil sa pesteng hangover na to. Pero ganyan naman talaga silang mga babae dito, babanggain ako tas kunwari di sinasadya. Para-paraan lang eh -.-
"JOSEPH!" tas biglang sumabay na sa akin si Justin sa paglalakad sa hallway. Iniwan ko kasi siya dun sa loob ng cafeteria.
"Ansama mo naman dun sa chix. Sayang! Ganda pa naman nun"
"May hangover ako, alam mo yun?" sagot ko
"Ngee? Sige na nga. Next time na lang" tas bigla syang kumanan
"Teka Justin. San ka dadaan? Di ka ba mage elevator?" kasi naman no, uso mag elevator dito sa amin. Private at elite ang school na'to kaya ganun.
"Haha. Di na muna tol. Dadaan pa ako sa room ni Kathy. Alam mo na. Haha" paliwanag niya tsaka
kumaway at pumunta kung saan man yung Kelly ba yun? Ay hindi, Karen ata. Mali rin. Kim? Kharla?
Katlyn? Ay ewan! Paikialam ko basa mga babae nun? Makaalis na nga
Pumunta na ako sa may elevator at malamang eh pumasok na ako. Good thing at wala akong kasabay sa elevator dahil baka masapak ko kahit na babae. Hangover nga kasi diba kaya suplado ako ngayon >:)
Pinindot ko yung third floor at isasara na kaya lang biglang may kamay na humarang kaya nagbukas ulit yung elevator.
=___= -> ako
O___o -> siya. Problema ng babaeng to? Nasa may labas lang kasi siya at nakatitig lang sa akin.
Seriously? Di ba sya papasok? =___= Sayang! Ganda pa naman sana pero muntanga.
" Kung wala kang balak sumabay miss dyan kana. Istorbo ka sa oras ih!" pagsusungit ko tas unti-unti ng nagsasara ang elevator pero di pa rin gumagalaw yung babae. Bahala siya sa buhay niya. Muntanga ih! Siya rin kasi yung babae sa cafeteria =___=