Isang umaga na naman, ang araw ng martes.Maaga ulit ako gumising para maaga ako makapasok.Sa sobrang aga ko nagising umalis akong natutulog pa si Crystal. Pagdating ko sa school sinalubong ako ni kyla,ang isa ko ring friend. Sabay kami pumunta sa room dahil mag ka section lang kami.Kinausap ni Nia si Sean tungkol sa akin...(nanaman)
"Sean crush mo ba si micka?"-Nia
" Konti"-Sean
"Nakuuuu Micka ayiiiieeeee kenekeleg nemen eke se enye"-kinikilig na sabi ni Nia.
Hay naku ano ba namang Nia to kung anu ano pumapasok sa utak kaya pati si Sean may naaamin.Pero kinikilig din ako sa sinabi ni Sean. Pagkatapos nun dumaan na ulit ang buong araw.Pag uwi ko sa bahay nag open ako in messenger nakita kong may nag chat sakin(si Cloud)
Nang makita ko ang chat may nakalagay na:
[Bes sorry ah kami na ni Sean mahal na mahal ko siya eh]
Papunta na ko sa pag iyak nang mag chat ulit siya sakin
[Charrr lang niloloko lang kita......bwahahaha]
Medyo nagalit ako sa panloloko ni Cloud sakin.Hindi ko na lang siya pinansin at nag log out na lang ako.Parang feel ko na kami na Pero di ko maintindihan .Kasi parang hindi kami dahil parang nilalayuan niya ako Hayyss nako napaka pilingera ko talaga.Miyerkules bukas pero ayokong pumasok dahil sa panloloko na ginawa ni Cloud. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hinding hindi nako mag kaka crush kahit kelan.Natulog akong galit at malungkot.Nang magising ako ay 7:00 am na.Anak late kana ng 30 minutes bumangon kana jan-[pag gising sakin ni mama]
"Wala po akong balak pumasok"-ako
"Bakit anak may problema ba??"- mama
"Wala po mama ayoko lang po pumasok"- nagpapalusot na lang ako kay mama
" O sige maya maya lumabas ka na para makakain ka na ha"- mama
"Opo sige po"-ako
Lumabas na si mama para magluto ng umagahan.Nag open ako saglit sa Facebook at nakita kong may post si Sean na (in relationship)
Nalungkot ako sa nakita ko at mas lalo akong nawalan ng gana pumasok.Lumabas na ko sa kwarto at kumain na.Inaya na lang ako ni mama mamalengke at pumayag naman ako dahil mas okey na yun para mawala man lang ang galit sa dibdib ko.
Umalis na kami ni mama at nagpunta sa palengke.At biglang ........woooossshhhhh
Nakasalubong ko siya.