Chapter 1

30 18 18
                                    


"President Claveria!"

I almost fell from my seat. Tiningnan ko ang walang habas na sumigaw sa tenga ko. Sinamaan ko ng tingin si Thea, ang Vice President ng SSG.

Inayos ko ang buhaghag at mahaba kong buhok. I touched my face for some dirt in it. Nang masigurong maayos na ay tsaka ko siya hinarap ng lubusan.

Nakataas nanaman ang isang kilay nito at nagtataray sa harap ko. Ang pisngi nitong mapupula dahil sa make up ay lalong namula dahil sa pigil na galit. Ano nanamang problema nito? Simula't sapul hindi na kami nagkasundo nito. Maybe because of the position in the SSG? Or she's just that angry with me?

"My God!" Kunwari'y nagpunas siya ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad. "Ibinoto ka ng mga estudyante dito para maging leader ng school! Hindi para matulog!" Halos sigawan niya ako. Buti na lang at kakaunti ang tao dito sa Botanical Garden.

Kumunot ang noo ko. At some point, may tama siya. Pero nakatulog lang naman kasi ako kasi tinapos ko yung sandamakmak na assignments na pinagawa ng prof namin, at kung makasigaw siya sakin akala mo siya ang presidente sa aming dalawa?

Hindi na ko sumagot at inayos na lang ang mga gamit ko.

"Faster Lilac! Then head to the Dean's Office!" She's still shouting at me.

Narinig ko ang tunog ng kanyang heels na papaalis kaya't napahinga ko ng malalim.

I carried my bag when I'm done packing all my things. Mabilis kong tinungo ang Dean's office. After three knocks, the Dean opened it for me.

Pumasok ako at binati ang Dean.

"Have a sit hija." Ngiti nito sa akin nang maupo nadin siya sa kanyang swivel chair.

Naupo ako sa isa sa mga couch doln at itinuon ang pansin sa aming may katandaan ng dean.

Ngumiti ito sa akin at pinagsiklop ang mga dalri sa ibabaw ng kanyang table.

"I have a proposal for you." Ngiti nito sa akin.

Sa kanyang sinabi ay parang kinabahan ako at may hindi magandang mangyayari. Ano naman kaya ang proposal na ito? At talagang siya ang nag aalok sakin?

"W-What is it Dean?" Nag aalangang tanong ko.

He smiled as if he sensed my nervousness. I smiled awkwardly too.

"There will be a student that'll going to transfer here in our school." Panimula niya. Tumango ako at nakinig lalo. "And I want you to accompany him... secretly."

My forehead knotted. How can I accompany him secretly?

Naramdaman ng dean ang pagkalito ko kaya't nagpatuloy siya.

"I want you follow him secretly. Tignan mo kung nakikipag away ba siya at kung ano anong kabulastugan ang ginagawa niya. In exchange, you'll not going to pay for your own tuition." Ngiti pa nito.

My eyes widened at disbelief. Free tuition?! Magiging malaking tulong 'yun sakin lalo pa't ngayong lumalaki na ang binabayaran ko sa apartment. Pero kaya ko ba 'yun? I will look like spying him? You're apparently spying him Lilac. Bulong ng isip ko.

"I gave you this because you're the most efficient student I know. As the SSG president, I know you can do this." Pagpapatuloy niya.

Tinagilid ko ang ulo ko at nag isip. But what about my obligations as a president?

"You'll still be the SSG president. You could still do your errands, but please do your job as what I've told you." He said like knew what I was thinking.

Tumango ako at lalong napangiti ang Dean. Umayos siya ng upo at inayos ang kanyang salamin.

"Okay I'll tell what to do and you can't do. But before that, I'll give you some information about him."

May kinuha siyang picture sa drawer ng table niya. There was a picture of a man. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at white v neck shirt. Sa hubog palang ng katawan niya'y alam mo ng maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

Ang ngiti niyang animo'y walang gagawin maganda ay lalong nagpadagdag sa badboy look niya. His hair was a bit damp and messy. His strong jaw showed at his angle. Ang background niya ang ang malawak na siyudad ng New York. Hmm.. So he was living there? At ngayon ay magtatransfer siya dito?

"He's Dominic Ysmael Tyzon. Son of the most biggest sponsor of our school."

Nanlaki ang mata ko sa impormasyong sinabi niya. But why would I spy him?

"He's going to transfer here because of some private matters. I hope you'll do your job properly. Puwede mo siyang kaibiganin pero hindi mo maaaring sabihin sa kanya itong napag usapan natin at ang gagawin mo." Seryoso na niyang sabi ngayon.

Napatango ako at hindi na nagtanong pa. Tumango din siya pabalik.

"He's going to start his class tomorrow. Advantage mo na dahil pareho kayo ng course. You'll going to be blockmates." Ngumiti siya ng bahagya.

Ilang mga paalala pa ang sinabi niya bago ako pinayagang lumabas. Luckily, vacant namin 1 to 2:30. Dumiretso na lang ako sa gymnasium at doon inubos ang natitirang oras ko. Wala kasing estudyante doon pag ganitong oras. Block lang namin ang may vacant kaya't ang ibang estudyante naman ay nagkaklase.

I've made my assignments and took a nap. Malawak naman ang bawat baitang ng bench kaya't doon ako humiga at tinakpan ng aklat ang aking mukha.

Di pa nangangalahating oras sa pag idlip ay nakarinig na ako ng ingay. Napabalikwas ako ng bangon sa pag aakalang may gaganaping program ngayong hapon.

Ngunit nang makaupo ako ng maayos ay ibang palabas ang makikita ko.

Ito ay mga estudyanteng nagbubugbugan sa gitna ng court. Mabilis akong tumayo at bahagyang lumapit sa kanila. Ni hindi nila napansin ang presensya ko. Tuloy lang sila sa pagsasapakan.

"STOOOOOOP!" I shouted on the top of my lungs.

Napatigil sila habang ang iba'y nasa himpapawid pa ang kamao. Ang ilan ay dumudugo na ang mukha. Namukhaan ko ang dalawang ka blockmates ko.

"What the hell is happening?!" Nakapamaywang kong sigaw sa kanila. Kunot na kunot ang noo ko.

Naghiwalay ang dalawang grupo at nag ayos ng kani kanilang sarili.

"Von! What is this again?!" Sigaw ko sa leader ng kabilang grupo. Kilala ko siya dahil suki siya at ang grupo niya ng mga bugbugan dito sa school.

He didn't say a word. Dinura niya lang sa gilid ang dugo ng kanyang labi. Nang hindi pa siya sumagot ay binalingan ko na ang isa pang grupo.

"Kyle! Isa ka sa hindi ko inaasahang makikita sa mga ganitong senaryo!" Medyo humina ang boses ko nang hinarap ko siya. Nagyuko lang siya ng ulo at nagtiim bagang.

He's not the type of guy na mahilig sa mga away. Anak siya ng isa sa pinaka mayaman na CEO ng aming siyudad kaya't ayaw niyang napapahiya ang kanilang pangalan.

Huminga ako ng malalim at umiling. These guys.

"Follow me!" Ma otoridad kong sabi.

Nagsisunuran naman sila pagkatapos ng sinabi ko. Subukan nilang hindi sumunod at talagang makakatikim sila!

-----

Unsaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon