Kismet: Chapter 3

585 17 0
                                    

Previously on Kismet: Chapter 2

Nang makapagpakilala na sa bisita ay inaya na ni Jeric sina Tristan at Stella na pumasok sa bahay nila.

"Pasensya ka na sa mga kapitbahay namin. Hindi lang sila sanay na may pumupuntang sikat na tao sa lugar namin," paghingi ng pasensya ni Jeric.

"That's fine," tugon ni Tristan na may matipid na ngiti.

Si Stella naman ay agad na lumapit kay Jeric. "Kamusta ka na, anak? Miss na miss na kita. Bakit hindi ka na umuuwi sa bahay?"

Ngiti lang ang isinagot ni Jeric kay Stella.

Pagpasok nila ng bahay ay nakaabang na nanay ni Jeric. Halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ang kasama ni Jeric.

"Stella?"

Bahid ang pagtataka sa mukha ay tinanong ni Jeric ang ina, "Kilala mo siya mama?"

– – – –

"And...cut! Pack up na tayo!" sigaw ng director nina Tristan sa set ng drama series nila na Kismet.

"Balita ko, pinuntuhan mo daw 'yung nakakita sa mommy mo?" tanong ng co-star ni Tristan sa show na si Alex San Jose. Sabay na ni-launch sina Tristan at Alex ng network nila. Bagamat sikat rin itong si Alex, wala pa siyang napapanalunang acting award

"How did you know about that?" nagtatakang tanong ni Tristan.

"Magbasa ka nga ng dyaryo. Kalat na kalat na 'yung balitang nawala daw ang mommy mo at pinuntahan mo yung pamilya nung lalaking nakakita sa kanya," kwento ni Alex.

Bihira nang manood ng TV at magbasa ng dyaryo si Tristan para maiwasan na rin niyang mainis sa mga balita tungkol sa kanya. Hindi rin siya ganoon ka-aktibo sa internet dahil alam niya kung gaano karami ang mga pwede niyang maging haters kapag gumawa siya ng social network account.

"Ang weird nga ng nangyari. Magkakilala pala si mommy tsaka 'yung nanay nung nakakita kay mommy. Parang makaibigan yata sila nung college or something," wika ni Tristan.

Magkukwento pa sana ito nang lapitan siya ng isa sa production staff ng show at sabihang may naghihintay na mga fans niya sa labas ng location.

Maraming kumakalat na balita kung gaano ka-unprofessional si Tristan pero ang isang bagay na hindi nila maipintas dito ay ang kanyang pagmamahal sa mga tagahanga niya.

"Grabe Tristan, napanood namin 'yung ginawa n'yong eksena kanina. Ang galing galing mo talaga!" bungad ng isang tagahanga ni Tristan.

"Anong oras pa kayo nandito? Dapat nagpasabi kayo agad para mas maaga ko kayong napuntahan," tugon nito sa kanya.

Kahit na halata kay Tristan na ayaw na niya sa ginagawa niya ay hindi pa rin maitatanggi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi nito iniiwan ang pag-aartista ay ang mga tagahanga niya. Bukod pa ito sa manager niya na si Mommy Krista na lagi nitong binabanggit sa mga interviews na dahilan kung bakit pa rin siya nag-aartista ngunit hindi naman nito idinidetalye ang dahilan.

Abala si Tristan sa pakikipag-usap sa mga fans niya nang hindi sa kalayuan ay may isang lalaking nakasandal sa dingding at tahimik na pinagmamasdan si Tristan. Tulad ng mga tagahanga ay kanina pa siya naghihintay at nanonood sa shooting ni Tristan.

Makalipas ng ilang minuto ay napansin na rin ni Tristan ang lalaki nang magawi ito ng tingin sa kinatatayuan nito. Biglang napatigil si Tristan sa pakikipag-usap sa mga fans nito.

"Guys, sorry but I have to go. May shooting pa kasi ako in a few hours and kailangan ko pa magpahinga," paalam nito sa mga tagahanga.

Pagpasok sa kanyang dressing room ay agad nitong tinawagan si Mommy Krista.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon