Sunset

20 0 0
                                    

I met you during the darkest night of my life.

I was drinking by the shore and you took my bottle away.

"Anong problema mo!?"

"Miss baka maisipan mo na magpalunod mamaya paglasing ka na. Samahan na lang kita."

"Noooo. Leave me. Gusto kong mapag isa."

"Di ko ibabalik tong bote na to sayo kung hindi mo ako papayagan na pakinggan ka sa kung ano man ang problema mo."

"Give me the bottle and sit down."

Umupo na siya. Tahimik lang kami.

"I lost my dad." I started.

"Ay sa inyo pala yung bangka kanina."

"Oo nasa dagat na yung abo ng papa ko ngayon. Masaya na sana siya. " I started crying again.

I talked about all the happy and sad moments I had with my father tas narealize ko na hindi na pala ako umiinom.

"You know, masaya na yung papa mo sa langit ngayon. Lagi naman siyang nandyan para bantayan ka."

I smiled bitterly. I hope so.

"Salamat sa oras ng pagkinig mo sakin ah" tumayo nako at bumalik na sa rest house namin..

I woke up with a hangover. Ansakit ng ulo koooo.

Tumawag ako sa restaurant para magpadala ng breakfast para saming lahat. Di rin naman namin alam na magsstay pa pala kami dito kaya di kami nakapaggrocery.

After 20 mins may kumatok na sa pinto.

I went to get money tas pagkakita ko sa nagdeliver, yun yung lalake na nakausap ko kagabi.

"I brought coffee for the lady who was drunk last night." Di ko alam kung maiinis ako or ngingiti ako sa sinabi niya ee.

Ready na ako umuwi by lunch.

"Manong ready na yung sasakyan?"

"Maam may sira po yung makina. Siguro bukas pa to. Wala kasi yung mekaniko. Nasa kabilang bayan pa daw.

I stayed another day.

I went to order tas nalaman ko na siya pala yung owner nung restaurant na pinagorderan ko kanina.

"Its you again" sabay naming sabi.

Nagkwentuhan pa kami and I decided to stay a little bit longer.

Yung 3 days na stay ko dito naging isang linggo na.

He was just there for me. Sa lahat.

It seems like matagal na kaming magkakilala.

It was time for me to go back to Manila.

He went with me.

Umabot ng isang buwan. Isang taon. And yes, after one year we were together na.

We decided na beach wedding yung kasal namin.

We both went back para icheck ang place and all.

By sunset, we were sitting by the beach.

"Naremember mo yung first time tayo nagkita?"

"Oo but its different now. Im happy with you."

"I have something to say."

"Ano yun, mahal?"

"May sakit ako."

"What!? Nagjojoke ka ba?!"

"No. The day we met, yun yung day na nalaman ko na may stage 3 cancer pala ako."

"Bat di moko sinabihan?!"

"May problema ka din nun ee. Ako, kaya ko pa naman." Damn.

"Kamusta na yung sakit mo?"

"The doctor said I had 6 months to live. Nalagpasan ko yun mahal. One year na mahal. But I guess my body couldnt make it na."

"Ha? What do you mean?"

"Hinintay ko lang talaga tong moment na to. Yung makabalik tayong dalawa sa may beach." Niyakap ko siya.

"Gusto ko na magpahinga mahal. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Lagi lang akong nasa puso mo ha?"

"Mahal na mahal din kita. Sobra." We were both just looking at the sun habang bumababa eto. Nakayakap at tahimik.

And when I looked at him, he started closing his eyes kasabay ng pagkawala ng araw.

Book of GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon