- Y/N's POV -
Nandito ako ngayon sa koridor kasama si Jungkook habang kumakain ng ice cream. Syempre, mainit. Susubo sana si Jungkook sa ice cream niya nang biglang dumating si Jimin at tinanong siya kung gusto niya sumama sa kaniya dahil may mga fans na gusto magpapicture sa kanila, since last day na ata nila ngayon—namin ngayon. Sumangayon naman si Jungkook kaya mag-isa na naman ako dito kaya lumakad-lakad muna ako tapos dumeretsyo sa may canteen at umupo muna doon.
Makalipas ang ilang minuto, habang pinagmamasdan ko ang view sa hardin ng eskwelahan, biglang lumitaw si Taehyung at tumakbo papunta saakin kasama si Jimin sa likuran niya. "Y/N! Kailangan ka ni Jungkook". Hingal na wika ni Taehyung na may pagaalala sa mga mata niya ."Bakit, anong nangyari?"Tanong ko at huminga ng malalim si Jimin bago ito tumingin sa akin. "Bigla siyang nawalan ng malay pagdating namin habang kumukuha kami ng tubig" "Nasa kuwarto siya, nakahiga".Wika ni Jimin at ni Taehyung nang sabay kaya naman agad akong tumayo. . "Nasaan siya?".Tanong ko, "Sa kwarto niyo, nagpapahinga" Ani Taehyung kaya naman tumakbo na ako at kahit nadapa ako, wala akong pakelam dahil sa sobrang pagaalala ko.
"Jungkook? Jungkook buksan mo 'to!".Sigaw ko habang kinakalabog yung pinto dahil sa pagpilit kong pagbukas dito. Bigla naman umulan kaya naman tumigil muna ako at umupo sa may gilid. Inayahan ko sarili kong mabasa ng ulan dahil magpapatuyo rin naman ako mamaya. Habang nakaupo sa may gilid, bigla ko nakita si Namjoon at Jin na lumusob sa ulan papunta sa place ko. "May susi ako, humingi ako ng extra" ani Yoongi bago isinusi ang pinto at binuksan ito. "Jungkook, hoy, p*nyeta ka talaga sabi ko sayo kumain ka eh!" Sigaw ko habang siya naman, mahinang nakatingin sa akin habang nakangisi. "Aalis na kami" Sabi ni Namjoon bago sila umalis ni Yoongi.
"Nandito ka na pala"Wika niya nang nakangiti, pero pinalo ko lang siya sa balikat niya na ikinaungol niya sa sakit. "Nakakainis ka talaga, kahit kailan".Naiiyak na sabi ko at tsaka tumalikod sa kaniya dahil sa sama ng loob ko.
"Y/N, 'wag kang OA, hindi pa naman ako mamamatay" "Oi, nagaalala na nga ako sayo ganyan ka pa! Nakakairita ka talaga pero hindi ko alam kung bagit gusto pa rin kita!" Sigaw ko sa kaniya, lalabas na sana ako nung bigla niya ako hilain at ipinagdikit yung labi ko sa malambot niyang labi. Nanlaki mata ko sa nangyari, kaya naman hindi ako makagalaw.
Tanga mo talaga. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo Y/N eh.
Agad ko siya tinulak at tatakbo na sana ako palabas nung bigla niya hinawakan kamay ko at hinila papunta sa kaniya. "L-let me go! This is wrong!".Malamig na wika ko pero sa sobrang lakas niya, hindi ko man lang mabawi wrist ko.
"Magkakasakit ka, bakit hindi ka muna..." Nanghihina nitong tanong, at mukhang galit. Hindi ko alam kung bakit. "J-jungk--". "Y/N, I TOLD YOU TO CHANGE YOUR CLOTHES FIRST OR ELSE YOU'LL GET SICK!" Sigaw niya sa akin, kaya naman sinundan ko nalang siya at pumuntang comfort room. "Bakit ganon? Bakit niya ako hinalikan? Pakshet ka Y/N kahit kailan.".Tanong ko sa sarili ko at hinawakan ko labi ko tsaka pumasok muli sa isip ko yung nangyari kanina "Totoo kaya yung nangyayari ngayon?".Tanong ko ulit sa sarili ko na para bang pinipilit ko sinasabi sa sarili ko na sana hindi nangyari yun.
"Tang*na shet ka Y/N, napakamali ng ginawa mo!".Mahinang sigaw ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. "Talagang gustong-gusto mong nasasaktan sarili mo no? Sanaol manhid, bwisit ka Y/N!".Mahinang sigaw ko ulit sa sarili ko dahil baka marinig ako ni Jungkook tsaka ako kumalma at nagpalit na.
[time skip]
"Y/N, balita ko hinalikan ka ni Jungkook. Jusko, kinikilig naman ako!".Ani Danielle at tsaka ako umupo sa tabi nila, "Ewan ba, ang weird lang kasi hindi ko alam kung anong nasa isip niya that time, kaya ayun sinugod ko siya. Bakit napkaconcernko sa kaniya? Alam kong gusto ko siya pero bakit ganito ako, nagmumukha akong tanga sa harao niya".Sabi ko habang sila danielle naman napa-sigh na lang, "Nakita namin nangyari sa kaniya".wika ni Crystal kaya napatingin ako sa kanila "Talaga!? Ano?".tanong ko.
Nagkatiginan pa sila ni crystal bago nila sabihin eh "Kasi, kasama ni Jimin si Jungkook at Taehyung, pero may kinuha ata sila kaya may mga lalaking lumapit kay Jungkook at sinuntok siya. Mabuti na lang, agad dumating yung dalawa kaya binuhat nila ito sa kuwarto ninyo. Buti nga sa tiyan lang siya sinuntok".Pagkuwento ni Crystal at nagulat naman ako. Nandoon siya that time?
"What the fu---!".bulong ko tapos napatingin ako sa kanila "Teka paano mo nalaman? " Tanong ko "Sa CCTV".wika ni crystal at tumango ako. Bigla naman uminit ulo ko dahil sa nakwento niya. "Hindi mo pwedeng makita yung CCTV, dahil bawal".Wika ni danielle. "Pero bakit!?".iritang tanong ko "Kasi, yung mga teachers lang naga-allowed sa amin na maikta iyon. Pero once in a blue moon lang namin pwedeng makita yung mga nangyayari".wika nila "AISH! ".Padabog na wika ko at umalis na doon sa lugar na yon. Meron ba ako ngayon? Bakit ang moody ko. Saktong umulan na naman kaya naalala ko na naman yung nangyari kahapon.
Sshib—Kahit kailan talaga!
Habang patuloy sa paglalakad bigla sumakit ulo ko at nagblu-blurred paningin ko. Ta*na, kumain ba ako kagabi? "Hey y/n, are you okay?".Tanong ni Jin at Namjoon sa akin "Yes, I'm okay" Pagsisinungaling ko."Samahan ka na namin pumasok sa room mo".Pagaalok nila namjoon kaya naamn ngumiti ako "kumawo/ thanks".pagsasalamat ko at ngumiti sila.
Pagdating sa room nadatnan ko si Jungkook na nagla-laptop. "Bakit ngayon ka lang, hmm?" Tanong niya na para bang walang nangyari kahapon "Ano kasi ahm...sa labas pumunta ako kasama sila C-crystal".wika ko tapos hihiga na sana ako nung humarap siya sa akin ng nakakunot yung noo. "At saan naman kayo pumunta?". Pagtataka niya habang nakatingin pa rin sa laptop niya at may tinatype "N-na-nagbonding". Pagsisisnungaling ko pero buti naniwala naman siya. Ayaw ko magexplain so, mabuti na lang talaga.
"Siguraduhin mo lang".Wika niya na ikinatayo ng balahibo ko. Bakit parang may tinatago ito? Tsaka jowa ba kita boi? Ang alam ko kasi, "kaibigan" mo lang ako.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
[time skip]
Habang naglalakad kaming lahat para lumibot bigla sumakit ulo ko pero pinipilit kong i-balance sarili ko. Okay, seriously, kumain na ako kanina ng breakfast, but why am I feeling dizzy again? Humawak ako sa T-shirt ni Jimin habang naglalakad. Hindi ko na kaya. Hanggang sa biglang nagblack yung paningin ko at nagmanhid katawan ko na ikinabagsak ko habang nakahawak pa rin kay jimin.
JIMIN's POV
Habang naglalakad kami naramdaman ko nalang na kumapit sa akin si Y/N. Nagtaka ako kung bakit hanggang sa patagal ng patagal, nahihila niya yung damit ko kaya napatingin ako sa kaniya. Mabuti na lang alerto ako dahil patumba na siya noong pagtingin ko kaya nasalo ko siya agad ."Y/N!". sigaw ko kaya naman tumingin sa akin yung iba at nagulat lahat sa nangyari. "Teka dalhin ko lang siya sa clinic".Ani ko at binuhat si Y/N bago tumakbo papunta sa clinic. Pagkapasok sa clinic, agad kami sinalubong ng mga nakaasign na nurse doon.
Nung naihiga ko na siya chineck ko noo niya. Taena, ang init niya! Agad ako nagpakuha ng tubig na mainit at panyo at binasa ito tsaka nilagay ko sa noo niya. Nung aalisin ko na yung kamay ko bigla niya hinawakan kamay ko kaay napatingin ako sa kaniya.
"S-stay".wika niya at pinikit niya ulit yung mata niya. Bigla ako napatulala sa sinabi niya...Stay. Stay. Stay. Stay. Stay. Stay.
Paulit-ulit punapasok sa isipan ko yung sinabi niya hanggang sa pumasok sila Jin hyung at si Jungkook na may pagaalala sa mukha niya sa clinic. Naalala ko lang magulang ko, namimiss ko na sila. Sa nakikita ko, alam kong gusto nila isa't-isa ngunit wala silang lakas ng loob na sabihin ito. Ang Totorpe naman nila. Hayst, Pero kong nakikitang malungkot si Jungkook.
BINABASA MO ANG
ʜɪɢʜꜱᴄʜᴏᴏʟ ᴄʀᴜꜱʜ | JK [currently editing plot]
Fanfiction"Try not to fall in love with me again. Just try it." | TAGALOG BOOK | Hi guys, This is my first book. I hope you will like it! @jeontacular