Wala pa man akong isang minuto na nakatayo sa linulugaran ko ay nakita ko si Mingyu na naglalakad papuntang kwarto nya, pero hindi pa man sya nakakalayo ay nakita ko itong napahawak sa pader habang hinihimas ang sentido niya. Kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalo sya pero dahil sa sobrang tangkad nito ay hindi ko nakayanan at parehas kaming nabuwal...
At...
At...
At...
N-napaibabawan ako nito.
OMO!! Y-yung p-posisyon namin... Parang... *toot* Nakahawak ang dalawang kamay ko ngayon sa dibdib nya habang sya naman... Ay... Na...ka...pa...tong sa akin habang ang ulo nya naman ay nasa dibdib ko... Wait... Panaginip ba ito o ano? Kasi... Kung panaginip ito... Ayoko ng gumising!
"Ya. Mingyushi. Ya." (Hey. Mingyu. Hey.) tawag ko sa pangalan nito habang tinatapik ang pisngi pero hindi ito sumasagot. Hindi ko alam kung babangon ako o babangon ako. Haysh! Parang ayoko... (^_^) Kahit labag sa kalooban ko... tinanggal ko ito sa ibabaw ko at pilit binabangon sya sa pag-kakahiga pero hindi ko kaya dahil mabigat ito, kaya hinila ko sya tungo sa kwarto niya. Hiniga ko ito sa higaan niya at iniwan muna para kumuha ng malaki-laking bowl at bimpo para punasan sya. Lalapit na sana ako nang may narinig akong katok mula sa pinto kaya nilapag ko muna ang bowl sa ibabaw ng lamisita at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto ay may nagbukas na nito. Si Soonyoung.
"Annyeong Lijjiyah..." (Hi Lizzy...) bungad nito. Nginitian ko lang ito at nag-bow. Pagkayari naman ay sumunod si Wonwoo na parang inaantok samantalang si Seokmin at Seungkwan ay nag-kukwentuhan. Etong si Jeonghan at Seungcheol naman ay mag-kaakbay na naglalakad. Eto namang si Dino ay nag-iisa habang hawak-hawak ang cellphone nya. Eto namang si Juhui at Minghao ay naririnig kong nag-uusap gamit ang chinese language. Samantalang ang dalawang englishero naman (Hansol at Jisoo) ay nagtatawanan habang nag-uusap gamit ang language na english. Si Jihoon naman, naglalakad habang naka headset. In a seriuos mode sya ngayon.
"Mingyuneun eodi issni?" (Where is Mingyu?) tanong sa akin ni Seungkwan.
"G-geuneun apeuda." (He is sick.) sambit ko.
"Jeongmal!?" (Really?!) tanong ni Seungkwan. Sasagutin ko na sana ang tanong nya pero bago ko pa man ibuka ang bibig ko ay tumakbo na ito patungo sa kwarto kung nasaan si Mingyu. Sumunod naman ang ibang members maliban lang kay Woozi na nakaupo sa upuan sa kusina.
"Uliui saseol uisa-ege jeonhwahasibsio!" (Call our private doctor!) natatarantang sigaw ni Seungkwan sa mga kagrupo nito. Nagkusa agad si Wonwoo na kanina lang ay ang tamlay.
"Yobeoseyo?" (Hello?) rinig kong tawag ni Wonwoo sa kabilang linya. Matagal-tagal din nakipag-usap ito sa kabilang linya bago ito binaba.
"Geogjeong mala. Uisagaogoissda." (Don't worry. The doctor is coming.) saad ni Wonwoo sa mga kagrupo nito. Napahawak si Wonwoo sa noo nya bago huminga ng malalim. Maya-maya pa ay may lumalabas mula sa pintuan ng kwarto na malapit-lapit sa sala. Nanghihina itong naglalakad papalapit samin. Si Mingyu. Agad na inalalayan ni Wonwoo si Mingyu sa paglalakad at pinaupo ito sa sala. "Deo swineun geos-eul sidohasibsio." (Try to rest more.) nag-aalalang sabi ni Wonwoo kay Mingyu. Agad namang kumontra ang isa.
"Ani...nan gwaenchanh-a..." (No...i'm fine...) saad ni Mingyu habang tinatabig si Wonwoo na nakakapit sa kanang braso niya. "Geunyeoneun naleul dol boassda." (She took care of me.) sabi ni Mingyu habang turo-turo ako. Nag-silingunan naman ang mga kagrupo niya. Napayuko naman ako dahil nahiya akong bigla.
"Geugeon sasil-iya?" (Is it true?) tanong sakin ni Wonwoo dahilan para matingin ako sa kaniya.
"N-ne..." (Y-yes...) sagot ko. Ihh... enebe!