Chapter 1

12 0 0
                                    

"Nixon! Madaya ka naman eh!" naiinis kong wika. Ang daya daya talaga nila! Porket babae lang ako, dadayain na nila ako! Hindi pwede yon!

"Saang banda ako nandaya? Nahanap kita ah!" nakangising wika ni Nixon. Inirapan ko naman sya. Ang daya talaga!

"Syempre tinuro ni Tyler kung nasaan ako! Madaya kayo! Isusumbong ko kayo kay Mommy Jane!" nagtatakbo ako papasok ng bahay at hinanap si Mommy at si Mommy Jane.

Nakita ko naman silang nagkkwentuhan sa may kusina habang kumakain ng cake. Wow! Cake! Ang sarap naman non!

"Mommy, Mommy Jane, pahingi!!!" napatigil naman sila sa kwentuhan at napatingin sa akin. Lumapit sa akin si Mommy.

"Saan na naman kayo nagsuot? Ang dumi-dumi mo na ah." pero wala kong akialam, gusto ko na ng cake. Chocolate pa naman, my favoriteeee.

"Mommy Jane, si Nixon at Tyler dinadaya ako sa game namin!" nakanguso kong sumbong kay Mommy Jane sakto namang dumating si Nixon at Tyler.

"Mommy, hindi naman namin sya dinaya!" pagkontra sakin ni Nixon. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ang sama talaga ng lalaking to!

"Boys, diba sinabi ko sainyo? Be gentlemen sa mga girls. Sige kayo, baka hindi kayo magkaroon ng girlfriend pag laki nyo" pananakot ni Mommy Jane sakanila. Binelatan ko naman sila at kumain na ng chocolate cake.

We were 8 years old back then, grabe ang tagal na pala ng panahon na lumipas. Hindi ko akalain na tatanda pa din kami ng sama-sama. Nixon, Tyler, Zeke and I are super bestfriends, wala lang si Zeke nung panahong yan dahil nasa ibang bansa sila pero umuwi din naman sila agad.

Sobrang close na namin as in. Bestfriend kasi sila Mommy, Mommy Jane, Mommy Selena at Mommy Sandra. Kaya nung nanganak sila, gusto din nila maging magbestfriend yung mga anak nila. Di naman awkward kasi ako lang babae, I like it more nga kasi yung mga babaeng nakilala ko ang pplastik. Pero lang kay Brea which is younger sister ni Zeke. Kaso she's only 5 years old hahahaha.

We're currently 17 years old, lahat kami. Magkasabay kaming pinanganak ni Nixon, mas nauna namang pinanganak sa amin si Tyler pero parehas lang na month, at pinaka bunso si Zeke although 1 month lang yung agwat. Pare-parehas na kaming nasa 4th year highschool. Magkasection nga kami eh.

"Bella! Ang tagal mo naman! Malelate na tayo oh! Ilang oras ka nang nagaayos!" naasimangot naman ako ng sumigaw na si Nixon. Ang bad talaga ng lalakeng yan!

"Eto na po, mahal na hari! Pababa na po!" ani ko saka nagmamadaling kinuha ang bag ko. Agad naman akong bumaba at nakita ko doon si Nixon, Tyler at Zeke.

"Helloooo!" natatawang sabi ko. Inismiran lang ako ni Nixon saka umalis. Heh! Bahala ka din dyan!

"Bagal mo, Arabella. Nainip tuloy si Nixon" natatawang sabi naman ni Tyler. Napailing na lang ako at nagsimula ng maglakad papuntang labas ng bahay.

"Hala? Walang driver? Sino magddrive?" nagtatakang tanong ko nung makita kong wala ang driver namin.

"Nixon got his student license kahapon. Pwede na syang magdrive" WOAH! Ang galing, may license na agad sya! Naiinggit ako. Pero knowing my Mommy and Daddy, hindi nila ko papayagang magmaneho ng sasakyan. Ang katwiran nila, nandyan naman si Nixon, Tyler o Zeke.

"Syempre, ako sa shotgun" nakangising sabi ko. Napabuntong hininga naman sila. Wala na silang magagawa.

"Sakay na, malelate na tayo eh!" nakasimangot na sabi ni Nixon. Sinimangutan ko din sya! Bala ka sa buhay mo!

"Let's go!!!" ani ko saka sumakay ng sasakyan.

The whole ride, sobrang ingay namin. Mostly kaming dalawa lang ni Tyler naguusap. Ang tahimik kasi ni Zeke at Nixon.

His TinkerbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon