"Rosé, gusto mong sumama sa bahay nila Zeke?" tanong ko kay Rosé. Uwian na kasi, pupunta na kami sa bahay nila Zeke dahil nga gusto akong makita ni Brea.
"Gusto ko sana kaso ay kailangan ko pang gumawa ng gawaing bahay at asikasuhin ang mga kapatid ko. " malungkot nyang wika. She told us na tatlo silang magkakapatid na puro babae. One is 14 years old and the other one is 4 years old. Halos magkakaedad lang sila nila Slate at Brea.
Nalungkot naman ang mukha ni Tyler. Sayang din naman kasi.
"Oh okay. We'll visit your sisters soon ah." I smiled at her at nag goodbye na din sakanya. Ganun din ang ginawa ni Tyler at Nixon. Si Zeke naman ay tinanguan lang si Rosé.
"Nixon, sunduin mo na si Slate sainyo. We'll go straight sa bahay ni Zeke" utos ko kay Nixon. Sumimangot naman sya sa akin. Tiningnan ko naman sya ng masama at sumenyas na umalis na sya
"Whatever! Take care" itinuon nya ang atensyon nya kay Tyler at Zeke. "Ingatan nyo yan ah, tatanga-tanga pa man din minsan yan"
Ang sweet na sana kaso dinagdagan nya pa. Sarap talagang pasalvage nitong si Nixon eh!
Nagtaxi na lang kami papuntang village nila Zeke. Magkasama kasi sa isang village si Zeke at Tyler samantalang kami ni Nixon ay nahiwalay. Pagkadating namin sa bahay ni Zeke ay sumalubong sa akin si Brea.
"Ate Bewa!" tumatakbong sinalubong ako ni Brea habang inaalalayan sya ng yaya nya.
"Hi there, Brea. Miss me?" nakangiting tanong ko sakanya habang buhat buhat sya.
"Yesh pwo! I mish you pwo!" she giggled while hugging me. She's so cuteeee! I wish I could take her home! Well, basically I can pero sana nasa bahay na lang sya lagi!
"I miss you too, Brea. Do you want me to stay here for the night?" I said while smiling at Zeke. Inismiran nya lang naman ako.
"i wab thwat po! sweep here pwo! sweep beshide mwe pwo!" she pouts and that is the cutest thing ever. Ang sarap panggigilan ni Brea.
"Okay, I'll call Mommy Bea!" my voice is full of enthusiasm. I'm excited din to sleep over at Zeke's house because I could cuddle with Brea and also Slate.
"Yehey! Ate Bewa's gonwa sweep beshide mwe!!! Kuya, dwid ywou heard thwat?!" lumapit sya kay Zeke at niyakap nya ito sa binti.
"Yes, baby. Your Ate Bella is gonna sleep besides you. Are you that happy?" natatawang sabi ni Zeke habang lumuluhod at pinapantayan si Brea.
"Yesh pwo, Kuya!!! Hi kuya Twyler!" wika nya habang ngumingiti. Ang cute nya, lalo na pag nakangiti dahil nawawala ang mata nya.
"Ngayon lang ako napansin, hanep!" natatawang wika ni Tyler at napakamot na lang sa ulo.
Nakarinig kami ng busina at malamang ay sila Nixon at Slate na iyon. Lumabas kami habang buhat-buhat ni Zeke si Brea at nakaakbay naman sa akin si Tyler.
"Ate Bella!!!!" bumaba si Slate sa pagkakabuhat sakanya ni Nixon at mahigpit akong niyakap sa binti. Kumpara kay Brea, mas maayos magsalita si Slate kahit na isang taon lang ang agwat nila sa isa't isa. Slate is a wise kid. He's very intelligent at his age.
"I miss you, Slate. Good boy ka ba?" lumevel ako sakanya at kiniss sya sa pisngi. "Yes, Ate Bella. I've been a good boy since you promise me you'll cook for me"
he smiled at me then kisses my cheek. Ginulo ko ang buhok nya at hinawakan ang kamay nya.
"Let's go inside na!" I said while holding Slate's hand. Nagreklamo naman si Tyler dahil balewala raw sya kay Slate at Brea ag nandidito ako.

BINABASA MO ANG
His Tinkerbell
Genç KurguTinkerbell has always been there for Peterpan But Peter? He chose Wendy. Will there ever be a chance for Peterpan to choose his Tinkerbell?