Chapter 3: Intruder

13 1 0
                                    

Leigh's POV

"Leigh, bilisan mo na. Nandito na si Stephen!" sigaw ni Mama mula sa baba. Sumilip naman ako sa bintana ng kwarto, at nasa tapat nga ng gate namin yung kotse niya. I told him na sasabay ako sa kanya kasi na-flat yung bike ko.


Bumaba na ako at nagpaalam kay Mama. Lumabas na ako ng gate at nadatnan ko si Stephen kausap si Luke na naka-uniform na rin.


"Ate, pasabay din ako sa inyo ah. Late na ako eh." ani niya habang kumakamot pa sa ulo niya. Nagpuyat na naman to kagabi.

"Oo na. Sa susunod kasi matulog ka ng maaga, para di ka late nagigising." sagot ko nalang at pumasok na sa loob. Pumasok na rin yung dalawa. Umupo si Luke sa tabi ko tapos sa driver's seat naman si Stephen.

"Ate, pinagmukha mo namang driver si Kuya Stephen. Lipat ka dun. Bilis. Shoo!" aba't tinutulak pa ako ah. Tinignan ko naman si Stephen. Tumatawa lang siya at umiiling-iling. Lumipat na rin naman ako kasi ayaw ko rin makatabi tong abnormal nato.


"Nice one, future bayaw!" sigaw niya mula sa likod. Malisyoso tong batang to ah. Tumigil naman siya sa pang-aasar ng titigan ko siya ng masama. Si Stephen naman nag-drive na ng tahimik.


Buong biyahe, daldal lang ng daldal si Luke. Minsan na-o-op ako sa pinag-uusapan nila ni Stephen. Halos puro tungkol sa sports at mga online games.


Huminto yung sasakayan ng makarating kami sa school ni Luke. Medyo maingay at magulo kahit sa labas pa lang. Siguro ganun talaga pag Boys' School. Nag-wave siya samin at tuluyan ng pumasok kasama yung isang grupo ng kalalakihan na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.


"Nga pala, magkakaroon ng Acquaintance Party yung school, since nag-start na yung school days. Mr. Dela Cruz wants the Student Council to prepare the event." pagbasag ko sa katahimikan. Medyo tumahimik kasi yung atmosphere sa sasakyan nung bumaba si Luke.


"Oh? That's good! Mag-meeting tayo kasama yung ibang officers after ng mga klase. Let's start planning today." sagot niya naman.



"Woah! Our Mr. President is very competent. Pero, oo nga, mas maganda na mas maaga tayong magplano. Mukhang ang laki ng expectations ni Mr. Dela Cruz sa SC officers eh. We should not fail them." I said in a cheerful way. Napansin ko naman na nasa parking lot na pala kami.

"Wait." ani niya at bumaba. Umikot siya para pagbuksan ako ng pinto. Naks naman. Ang sweet ng bestfriend ko.

"Thank you, Steph! Hahahahahaa!" natawa ako kasi tinignan niya ako ng masama ng marinig niya yung 'Steph'. Hahahahaha! Ang cute naman nung nickname ko sa kanya ah.

"Kahapon binugbog mo na nga ako, tapos ngayon nang-aasar ka pa. Di mo talaga ako namiss." naka-pout niyang sabi. Wt-HAHAHAHAHAHAHA! Ang OA niya. Grabe dun sa part na binugbog. Eh kasi naman, siya rin naman may kasalanan. Ginulat niya ako kahapon.


"Ang drama mo tsong. Hahahaha. Tara na nga." sabi ko at bumaba na sa sasakyan. Naglakad na rin kami papunta sa room. Fortunately, magkaklase kamin ngayon. In our 4 years here at MU, ngayon lang kaming 4th year naging magkaklase. I was always in the second section, ngayong year, napunta ako sa first kaya naging magkaklase kami. Siguro isa na sa factor nun is yung pagkapanalo ko as vice president ng student council last year.



Habang naglalakad kami, marami ang bumating teacher's at estudyante kay Stephen. He is really loved by all. Well, sinong bang hindi? He's smart, gentleman, very friendly, and a very responsible president. He's the SC president since we were freshmen, at walang nakakapalit sa puwesto niya. Halos lahat ng officers, pabago-bago kada taon pero siya, hindi napapaltan. Everybody's favor is on him.

"Wait, una ka na pumasok. I'll just talk to Mr. Dela Cruz." ani niya at binuksan yung pinto.


"Teka, nadaanan natin kanina yung Principal's Office, bakit di ka pa dumeretso?" tanong ko sa kanya.


"Hinatid lang kita. Sige na, pasok na." sagot niya at bahagya pa akong tinulak. Okay. I got it. Pumasok na rin ako sa classroom. Siguro, after 3 minutes pa lang ay dumating na si Mrs. Corpuz. Uh-oh. Ang agang mental torture. A L G E B R A  〒_〒

---

"So mamaya, pag-uusapan natin kung anong magiging theme nung Acquaintance Party?" tanong ko sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, nagla-lunch. Nilibrr niya ko hehe.

"Ahm. I think it will be better if the SC will not be the one to decide the theme. Mas maganda kung tatanungin natin lahat ng students. Let's conduct a survey so we can consider the majority's preference." sagot niya naman. Oo nga. Mas maganda kung kukunin namin yung suggestions nung mga estudyante.


Tumango na lang ako as a yes at tinuloy na yung pagkain ko. Tumawa na lang siya at sinabihan pa ako ng matakaw. Duh! Gutom lang talaga ako. Nawala energy ko dun sa Algebra eh. Buti siya, Math wizzard. Well, lahat naman ata ng subject, magaling siya. Wala atang di kayang gawin tong mokong nato eh.




After namin kumain, dumeretso na kami sa Student Council's office. Excused na kami sa remaining subjects dahil kailangan na namin mag-meeting for the event. Mr. Dela Cruz told him that we only have a week to prepare. Ang bilis nga eh.



Pagdating namin dun, marami na ring nandun. Gustuhin man namin na magsimula na ng meeting, di pwede kasi wala pa yung secretary. Kailangan niyang i-note yung mga plans na napag-usapan.


"Sorry guys, na-late ako." bumukas yung pinto at bumungad samin si Jacob, SC secretary. Medyo di naman maganda yung timpla ng mukha niya.

"Oh tol, bakit badtrip ka yata?" tanong ni Mark. Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

"Late kami dinismiss ni Mr. Sevilla. Nagalit samin." pag-uumpisa niya. Hala! Nakakatakot pa naman magalit yun. "Si Montenegro kasi, gumawa ng kalokohan, nadamay pa buong klase." iritado niya pang dagdag. Kaklase niya nga pala si Montenegro.


"Why? Ano na namang ginawa ni Kane?" pagsingit ni Stephen.



"He hacked all the pc's at the ComLab. It took an hour bago mabuksan lahat ng computers. So ayun nagalit si Mr. Sevilla, dahil nasayang daw yung isang oras ng klase niya, kaya nag-extend kami ng isa pang oras." ani ni Jacob at halata sa tono ng kanyang boses ang pagkainis. That Kane guy is really something. Hindi niya iniisip yung mga tao sa paligid niya. Well, isang taon palang dito si Montenegro pero dakilang sakit na siya sa ulo ng mga teachers, kahit sa mga SC officers. We really don't get it kung bakit trinansfer siya dito ng mga Montenegro. Di naman sa pag-aano pero, are ther really tolerating him? Of course, that guy will do whatever he wants because they own this school.


"Jacob, mag-lunch ka na muna. I know you straightly came here, after Mr. Sevilla dismissed you. Kumain ka na muna, ako ng bahala dito." mahinahong sabi ni Stephen. Jacob went outside after saying 'thank you'. Tumayo na rin si Stephen sa harapan.



"So, as Mr. Dela Cruz said, tayo ang maghahanda ng Acquaintance Party. Guys, I am encouraging everyone to participate-" naputol yung pagsasalita ni Stephen sa malakas na pagbukas ng pinto. Tumambad samin si Kane. He casually entered the SC office and sitted on one of the chairs, unfortunately, sa tabi ko pa.


"What?" tanong niya ng mapansin na lahat kami nakatingin sa kanya. He looked at us with boredom written all over his face. Ano na naman bang binabalak nito?


"Mr. Montenegro, we are having a meeting here. You can't just casually enter this room." I can sense annoyance in Stephen's voice. But he managed to speak calmly. Pero di man lang siya pinansin ni Kane.


"Mr. Montengro, we are all serious here. This is not something to play with. Can you please stop intruding in our business?" now, I can say na galit nato.


"I am not the only one here who's intruding to someone's business." he answered while having a sly smile.






And he's looking at me.

EspiègleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon