The Accident.
Melody's POV
Nandito ako sa kotse namin. Katabi ko si Mama sa back seat.
" Anak ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila inaapi" tanong sakin ni Mama.
" H-Hindi naman po ma. Ayus lang po ako." Ayaw kong malaman ni Mama yung totoo.
"Sigurado ka ba diyan? "
"Opo."
Ako si Melody Ann Calvez. Ako ang isa sa mga anak ng principal ng West Evor High. Si Mellise Marquez Calvez. Hindi ko pinakilala ang sarili ko bilang isang anak ng principal sa school namin. Hindi ko kailangan ng atensiyon at gusto ko magkaroon ng kaibigang hindi ako paplastikan.
Meron naman akong mga kapatid. 4 kami at ako ang bunso. Kinaiingatan ako ng angkan namin dahil ako lang uli ang kaisa isang babae sa henerasyon namin. They treat me like a precious gem. Pero dito sa school na kung tawagin ay West Evor High, Ako ang nagbago mismo ng sarili ko.
Ayoko nga kasi ng atensyon. Gusto ko sana maranasan ang pagiging malaya kaso hindi. Kilala kasi ang school namin ng mga mayayaman at matatalino. Yung iba halos canvas na ang mukha, mga mayayabang at kung hindi masyadong kilala ang angkan mo, tiyak na bubuluhin ka. Minsan rin nabubully ang mga retokada dahil nga hindi natural ang mga mukha at dahil na rin sa judgemental ng scoiety ng school na ito. Pero dahil nga Mga mayayaman, kayang baguhin ang mga mukha nila hindi rin sila ganoong nabubully.
Mayroon akong dalawang kapatid na nag-aaral dito sila sina Draven Calvez at Louis Van Calvez . They are belonged to the Top 10 most famous in our school. Kilala rin sila sa ibang school dahil dito sa syudad namin, Ang West Evor High ang kilalang school . Kilala sila na anak ng principal habang ako ay hindi. Ako ang nakiusap kay Mama na hwag ng sabihin. Gwapo sila at kahit kailan hindi nila ako nakakalimutan. Sabi ko sa kanila, Hwag akong pansinin nakiusap na ibahin ang trato sa akin pagdating sa school. Sa una ayaw nila hanggang ngayon. Palihim nila akong sinusundo at binabantayan.
Hindi ko na namalayan na huminto na pala ang sasakyan namin. Nandito ako sa may parking lot. Ako na muna ang unang bumababa dahil baka may makahalata. Mabuti na lang at yung sasakyan ay pupunta pa sa entrance papuntang office. Malaki kasi ang paaralang ito. Mahirap maglakad sa ibat ibang building dahil sa laki ng bawat isa nito. Nahahati ito sa 6 na buildings. Ang first,second,third,fourth, at ang Senior High Building which is for Grade 11 and 12.
Pumasok na ako sa entrance ng biglang may nag be-beep na sasakyan.
" Hey nerdy! Get out of the way! " narinig kong sabi ni Martha Vasquez. Ang queen bee. Agad naman akong umusod para magbigay daan. Tiningnan nila ako ng mga kaibigan niya na parang nandidiri at natatawa pa.
Bumuntong hininga na lang ako. Nagulat ako ng biglang may pumalo sa likod ko.
" Arayy! " Tiningnan ko yun pero wala naman. Tiningnan ko yung iba pero pa inosente lang sila kaya naman naglakad na lanh uli ako. Walang kwenta kung magtatanong ako. Himala kapag may sumagot sakin.
Habang naglalakad may narandaman akong sumipa sakin. Dahilan para madapa ako sa simento.
" Oi ! Kick 2x daw o ! HAHAHAHAHA! " sabi ni Kaye Blay. Ang kilalang canvas at warfreak sa school. Kasama niya ang 2 niyang alipores. Hawak hawak niya ang isang sticky note na siguradong yun ang nakalagay sa likod ko kanina nung may humapas sakin.
Tatayo na sana ako ng bigla nia akong sabunutan. Napangiwi nanlang ako sa sakit. " Ano kaya pa??! " at tiyaka niya binitawan ang ulo ko na dahilan upang mauntog sa simento.
BINABASA MO ANG
The Nerd Has an Amnesia
Teen Fiction" It is not good to wake up a sleeping lion. " Book Cover by idol @Rae_Yan ♡♡ Paano kung magkaroon ng amnesia ang nerd na binubully at kinamumuhiaan ng mga tao sa West Evor High? Lahat ng masasakit niyang dinarama nawala sa isang aksidente na nangy...