Chapter 4

8.6K 200 17
                                    

Alyana Xyril POV

Flashback

Napamulat ako ng mata ng biglang ginising ako ni mommy. Ngumiti siya sakin at bumangon naman ako.

"Bakit po?" Humihikab na tanong ko.

"Umuwi ka na muna anak ako na ang magbabantay sa kapatid mo" Gusto ko pang bantayan ang kapatid ko.

"May trabaho ka pa bukas kaya wag ng matigas ang ulo" dagdag pa ni Mom.
Mahina akong natawa "Mom, gusto kong bantayan si Xena. Bukas ng umaga na lang ako uuwi para mag-ayos sa pagpasok sa trabaho" Umiling siya.

"Hindi anak mas makakabuti kung sa bahay ka na lang magpahinga para maganda ang tulog mo. Hindi dito na maya't maya nagigising ka"


Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Sige mommy, babalik ako bukas pagkagaling ko sa trabaho. Ikaw naman ang magpapahinga" Humalik ako sa kanya sa pisngi at lumapit sa kapatid kong si Xena.

Hinawakan ko ang kamay ni Xena at hinalikan siya sa noo "Gumising ka na Xena. Gusto na namin marinig muli ang boses mo."

Akmang tatanggalin ko na ang kamay ko ng maramdaman kong gumalaw ang daliri ni Xena. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Mommy si xena!" Tawag pansin ko kay mommy na inaayos ang mga gamit sa table.

"Ano yun anak?" Lumapit siya samin at nagtataka ang tingin na pinukol niya sakin.

"Si Xena, Yung kamay niya gumalaw." Tinignan ni Mom ang magka-hawak  kamay namin ni xena.

"Anak, nagmamalikmata ka lang siguro. Hindi naman gumalaw oh. Pagod lang 'yan. Sige na umuwi ka na para makapagpahinga" Aniya. Sunod-sunod akong umiling.

"Mom, gumalaw talaga ang kamay niya-" hindi natapos ang sasabihin ng gumalaw muli ang daliri ng kamay ni Xena. This time nakita na ni Mommy. Gulat na napatingin siya sakin habang may Malawak na ngiti.


"Xena, anak naririnig mo ba si mommy? Please anak imulat mo ang mata mo." Pakiusap ni mommy kay Xena.

Hindi pa rin maimulat ni Xena ang mata niya. Naiiyak ako, gusto ko ng makasama si Xena. Maglilimang buwan na siya dito sa hospital at ngayun lang siya nagpaparamdam samin.

Gumalaw muli ang daliri niya sa palad ko. Unti-unti s'yang nagmulat ng mata. Umalis muna ako sa harap niya para tumawag ng doktor.

"Mommy, iwan muna kita dito tatawagin ko lang ang doktor." Tumango si Mommy habang walang maisagot sakin. Tanging paghawak ng mahigpit sa kamay ni Xena ang atensyon niya.

Tinawag ko ang nurse na hindi kalayuan sa room at pinaalam sa kanya na kung pwede tawagin niya agad ang doktor ni Xena.

Bumalik din ako sa room at ganun na lang ang pagkabigla ko ng makitang nakaupo sa higaan si Xena habang umiiyak sa harap niya si mommy.

Napaluha na rin ako. Napalingon ako sa bagong dating na si dad kasama na ang doktor.


Lumapit kami sa kanilang dalawa at umurong si Mom para masuri ng doktor si Xena.

Nasa gilid ako ng bed at iilang tanong ang ginawa ng doktor kay Xena. Nakatulala lang siya habang tango at iling ang sagot ni Xena sa mga tanong ng doktor.

Nang mag-angat siya ng tingin. Isa-isa niya kaming tinignan ng magsalita siya.

"Sino kayo? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ba ako?" Sunod-sunod na tanong ni Xena.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon