PROLOGUE
Nagsimula ang lahat ng magkakilala ang tatlong magkakaibigang sina Megan, Andre, at Troy. Magkakaklase sila since elementary and highschool kaya kilalang kilala na nila ang isa't-isa. Palaging merong sleepover, slumber party and the likes na gawain ng mga magbarkada.
Bago pumasok si Megan sa school...
"Ma, alis na po ako.." si Megan.
*katahimikan*
"Maaa.. alis na po akoo.. " lalong nilakasan ni Megan ang boses nya.
*katahimikan ulit*
Pumunta siya ng kwarto ng parents niya. Nasa may pintuan palang siya ng marinig nya ang pinag-uusapan ng Mama at Papa nya.
"Alam mo, nag-aalala na ako kung malaman ng anak natin ang ating nakaraan. Pano kng malaman nya tapos hindi magsabi? Pano kung magrebelde?" tila nababagabag na sabi ng Mama nya.
"Ano ka ba naman, andami dami ng pumapasok sa isip mo, kaya ka nagkaka-migraine eh! tsk" reklamo ng Papa nya.
"Alam mo namang delikado ang lagay ng anak natin..." pag-aalala pa rin ang bakas sa tono ng Mama nya.
"Alam ko naman yan eh, Pero por jos por santo, hindi na dapat natin ginagawang bata si Megan, graduating na nga sya ng highschool eh. Diba?" tugon ng Papa nya.
"Yun nga ang ikinatatakot ko eh. Diba't sabi ng doktor pwedeng lumala ang mutagen na nainiom ng bata kung transition period na niya?" sabi ng Mama nya.
"Oo nga pero wala pa namang epekto diba? Nakita mo na bang may nangyari sa anak natin? Diba wala naman? Relax ka lang darling." pagsisisguro ng Papa nya.
"Nag-aalala lang ako baka anung mangyari sa kanya.." sagot ng Mama nya.
"Wag ka ng mag-alala, ok? walang mangyayaring masama sa unica ija natin. " sabi ng Papa nya habang hinahaplos ang likuran ng Mama nya. "Teka ikuha kita ng tubig." tumayo na ang Papa nya.
Dali-daling nagtago si Megan.
*Megan's POV*
Ano kaya yung tawag nilang mutagen? Ano yung pwedeng mangyari sakin?
~~~~~~~~~~~~
Yown. Patikim palang. haha ON-going pa ang story. hahaha since highschool ko padin ito inumpisahan pero di ko tinapos haha. peace! ^---------^V
Anyways, thanks talaga sa pagbasa! :D Godbless!
I'll update soon! ;)
Comment, Criticize, Vote or whatever you like. Basta lemme know na i do have worth. hahaha chenes thanks.
fin :P