"Buti naman napagdesisyunan mong umuwi dito anak."
Napalingon ako ng may nagsalita sa likod ko.Napangiti ako ng mapagsino ito.
"Of course mama uuwi ako dito dahil nandito ang pinakamamahal kong ina."
Malambing na sabi ko dito at lumapit sa kanya upang mahalikan at mahagkan ko ang aking ina.
"Ang tagal mo ding hindi umuwi dito hija.Ilang taon ba apat o limang taon?"
"Ma naman hindi naman po ganoon katagal ang limang taon."
Nakangusong sabi ko dito.Natawa naman ito at hinagkan ako ulit.Napangiti na lang ako how I miss this woman in my life.
"Halika na nga hija pumasok na tayo at ng makakain ka na."
"Wow,excited na akong matikman ang luto ng aking pinakamamahal na Ina."
Excited na excited na sabi ko.Well namiss ko din kase ang luto niya sa tagal ko ba naman sa Europe malamang mamimiss ko talaga ang buhay ko dito sa pinas.
Nang makapasok ako sa bahay napangisi ako ng mapansin na wala paring pinagbabago ng bahay na ito.Maganda at malaki parin pangmayaman na pangmayaman.Napatingin ako sa mga picture frames na nakadisplay sa lamesa.
Isa isa ko itong hinawakan at pinagmasdan.Ang saya saya naman nila.Masayang pamilya I really envy them sa ilang taon ba naman akong nawala madami na akong namiss na events namin magpamilya.
"Hija halika na ng makakain ka na."
Narinig kong sigaw ni mama galing sa dining area.Masaya akong naglakad papunta doon.
Napabuntong hininga ako sa dami ng mga papeles na nasa harapan ko.Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito.
"Come in."
Malakas na sabi ko dito.Binalik ko ang tingin ko sa mga gawaing nasa harapan ko at nagsimula ulit sa trabaho.
"My man hindi ka ba uuwi ngayon sa inyo?"
Napalingon ako ng magtanong ang kaibigan ko na kakapasok lamang.Napailing ako bilang sagot dito.Hindi ako pwedeng umuwi ngayon sa amin lalo na't ang daming papeles na nakatambak sa harapan ko.
"Paano na yan? diba pinapauwi ka ng mama mo ngayon?"
Napakunot noo ako sa dami ng katanungan ng lalakeng nasa harapan ko.Binalingan ko ito ng masamang tingin.
"Get a life gago!"
Naparolled eyes naman ito bilang tugon sa sinabi ko dito.Parang bakla lang talaga ang isang ito.
"Nami miss ko na kase ang luto ni tita eh."
Nakangusong sabi ulit nito.Nagmiddle finger ako dito bilang tugon.Siya naman ay tumawa na parang nang-aasar.
"Ang damot naman nito.Atsaka my man ang gwapo mo pala kapag seryoso."
Napatingin ako dito ng nanlilisik na Mata.Ngumisi naman ito at tinaas ang dalawang kamay na parang nagsu surrender.
"But of course mas gwapo parin ako."
Sabi nito sabay alis sa harapan ko.Buti naman at walang istorbo ngayon.Ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko ng magring ang phone ko.
Kinuha ko ito sa drawer ko at tiningnan kong sino ang tumatawag si dad pala.
"Hi son!"Masayang bati nito sa akin.
"Dad."Maikling tugon ko dito I heard him chuckle.
"I'm sorry kong nakadisturbo ako.Pero kase anak kailangan nating umuwi ngayon.Alam mo naman ang mama mo baka magtampo."
Napabuntong hininga ako at tiningnan ang mga papeles na nasa harapan ko.
"Dad I'm sorry I can't make it.Madami kaseng papeles na nakatambak ngayon.At madami ding trabaho na pending.I'm sorry and say hi to mom."
Sabi ko dito na nalulungkot.Narinig ko naman na bumuntong hininga ito.
"Ganun ba hijo.Oh sige ako na lang magpapaliwanag sa mama mo basta bukas umuwi ka magtatampo talaga yun.Kilala mo naman ang mama mo."
Sabi nito at natatawa.Natawa na din siya sa huling sinabi ng dad niya.
"By the way may surprise daw ito sa atin sayang at hindi mo makikita ang surprise ngayon baka bukas I hope."
Napahawak siya sa ulo niya ng mapansin na parang kinukonsensiya siya ng dad niya.
"I'm sorry talaga dad I hope makikita ko din bukas ang surprise niya."
Sabi ko na lang dito at nagpaalam na ibaba ko na ang tawag.
"Daddy!"
Sigaw ko ng makita ang isang matandang lalakeng papalapit sa akin.
"My daughter Oh my daughter."
Naluluhang sabi nito tumakbo naman ako dito para yakapin at halikan ito sa pisngi.
"I really miss you dad."
"Oh I really miss you too my daughter."
Nakangiting sabi nito.Ngumiti din ako bilang ganti dito.Umiwalay ako ng mapansin kong nagtitigan na ang mga magulang ko.How sweet.
"Ito ba ang surprise mo sa akin my love."
Sabi ni dad kay mom at lumapit para mahalikan ito sa pisngi.Napangisi na lang siya ng magsimula itong maglambingan.
"Teka may nakalimutan ka yatang isama."
Napalingon siya ng marinig niya ang sabi ng mama niya.Umupo siya sa inuupuan niya kanina at nagpatuloy sa pagkain niya.Nasa kalagitnan na kase siya ng pagkain niya kanina ng makita niya ang kanyang daddy na papalapit.
"Hindi daw siya makakapunta dito but he promise na he make it tommorow."
Narinig niyang tugon ng dad niya sa kanyang Ina.
"Ganun ba sayang naman."
Malungkot na sabi naman ng kanyang Ina.Napakunot ang noo niya at hindi niya maiwasang maguluhan sa pinag-uusapan ng dalawa.
Pinagkibit balikat lang niya ito at kumain na ng matiwasay.Pagkatapos kumain nagpaalam na siya sa kanyang magulang na matutulog na.Pinayagan naman siya ng mga ito.
Nang makapasok na siya sa dati niyang silid.Napangiti siya ng maramdaman niya ang labis na pagkaulila sa silid na ito.
"How I miss this room."
Sabi niya sabay higa sa malambot na kama niya.Pinagmasdan niya pa ang silid at napansin na konte lang ang nagbago dito yung kulay lang ng ding ding at ang pagkaayos ng mga kagamitan.
Dahil sa pagod na din at nakatulog siya ng may ngiti sa labi at alam niya sa sarili niya na masayang masaya siya dahil nakauwi na siya sa tahanan niya.
