"Nuebe, halika na dito at kumain ka na!" malakas na tawag sa akin ni Mang Ernesto.
Mula sa pagpapakain ng damo sa kambing ay tumayo na ako at lumapit sa kubo. Dito ang lugar para sa pahinga at pagkain ng mga trabahador.
'Nuebe' ang tawag nila sa akin dito sa hacienda dahil sa pangalan ko na 'Ninel'. Masyado kasing banyaga ang 'Marron' para sa kanila. Gan'on din ang Kipp, kaya Kipoy kung tawagin si Kuya. At kay Trey ay Tisoy ang tawag nila.
"Mukhang masarap po 'to a," masiglang sabi ko habang kumukuha ng cassava na gawa ni Aling Minda. Sa mga tauhan dito sa hacienda, sila Mang Ernesto at Aling Minda ang paborito ko. Masarap kasi magluto si Aling Minda. Maalaga din s'ya sa asawa at kapag nandito kami ay damay kami sa mga dinadala n'yang meryenda at malamig na tubig kay Mang Ernesto.
Simple ang buhay dito sa hacienda. Payapa at magkakasundo ang lahat. Malayo sa Maynila. Malayo sa buhay sa RUA. Malayo sa kasalukuyang sigalot.
Umupo ako sa isang upuan na gawa sa katawan ng natumbang puno. Tinanaw ko ang malawak na pastulan ng mga baka at kambing.
Kumusta na kaya si Trey?
Ang huling paramdam n'ya ay noong isang linggo pa, isang araw nang makauwi kami dito sa hacienda. Ang sabi n'ya lang ay ipapasok daw s'ya ni Tito Tee sa isang military training at hindi daw pwede ang communication doon. Tatlong buwan daw s'ya doon na walang labasan. Iyon yata ang parusa sa kanya ng pamilya n'ya.
Hindi pa ba sapat ang nakulong s'ya ng kulang dalawang linggo?
Samantalang ako, na s'yang naging ugat ng lahat, ay walang natamong kahit na ano, maliban sa ilang psychiatric session na ipinilit ni Tita Courtney sa akin.
Nangamba sila na baka may maging trauma ako dahil sa nangyari. Na baka maapektuhan daw ako na nakita ko na may namatay sa harap ko.
Ano ba ang alam nila? Ni hindi ko nga alam na patay na pala 'yon. Ang alam ko lang naman ay binugbog s'ya ni Trey, dahil hinawakan n'ya ang dede ko at tinangka nila na pilahan ako.
Mas apektado pa nga ako sa mga nangyayari kay Trey. Sobrang laki ng mga pagbabago para sa kanya. At kinakain ako ng guilt.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kung sana ay mas naging maingat ako.
Love, hindi mo kasalanan. It was my doing. It was my choice.
Sure, they're disappointed. And I hate to disappoint them. Pero mas hindi ko kaya kung sarili ko ang ma-di-disappoint ko. I'll definitely regret it if I simply let it go. Iyon ang hindi ko kaya, Marron.
I love you, Marron. And you're the core of my being. Everything else revolves around you. You're all that matters to me. I could die, and I wouldn't care. As long as you're safe. That's how I love.
If my way of loving you will make me a sinner, then I'll gladly burn in hell for it. You'll always be the sin I'm willing to burn in hell for.
Tears rolled down my face.
God! I love Trey. And I miss him. And I think I am slowly being insane the more we spend days apart.
"Marron?" Kuya Darco sat beside me. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong n'ya.
Pinahid ko ang mga luha ko at tumango sa kanya.
Pinisil n'ya ang balikat ko at nginitian ako.
"Si Kuya pala?" tanong ko nang mapansin ko na wala si Kuya.