Best Friends. We should last, we should.

53 1 2
                                    

Kalungkutan ang nagtagpo sa aming mga puso at landas. Masyado ng magulo ang utak ko sa mga nangyayari ng mga panahong yun. Mahal namin parehas ang isa’t isa pero takot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit sa puso. Hindi dahil sa sakit ko kundi dahil nasasaktan ako dahil mahal ko na si James, na hindi ko naman dapat mahalin. Nagiisip ako buong gabi kung anong dapat kong gawin. Bakit kasi ganito! Mamamatay na lang ako maiinlove pa ako sa taong di ko naman kilala ng lubusan! Baka mauna pa ako mamatay dahil sa sakit na dulot ng pagmamahal ko sa James na yun. Natulog na lang ako.

Umaga nun. Pumunta ako sa park nakatayo lang ako habang pinapanuod ang mga naglalarong bata. Nakita kong palapit si James pero sa oras na yun hindi ako umiwas.

“Hi Sarah!”

“Uhh, Ikaw pala yan, hello.”

“Kamusta?”

“Okay lang”

“Alam mo dapat mag exercise ka baka makatulong yan na gumaling ang sakit mo”

“Hindi na ako gagaling, James. Donor ang kailangan ko”

“Wag mo na problemahin yun, ako na ang donor mo”

“Ano ka ba! Tigilan mo nga ako”

“Bahala ka kung ayaw mo maniwala, gusto ko lang na maging masaya ang mahal ko”

Masyadong sweet si James. Di ba nya alam na baka di rin ako sumaya dahil wala naman sya. Sinakyan ko yung sweetness ni James hanggang sa lalo na akong nahulog sa kanya, tanga talaga ako. Nang patapos na kaming mag usap ni James bigla niya akong tinanong.

“Sarah, may tatanong ako”

“Sige lang”

“Ano ba ako sayo?”

“Anong tanong yan? PBB Teens? Hahaha!”

“Di nga, ano ako sayo? seryoso”

“Ewan ko, e ako?”

“mahal kita”

“James, tingin ko naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo dahil kaka-break nyyo lang ng girlfriend mo”

“alam ko na sigurado ako sa nararamdaman ko”

“James, hindi pa natin ganun ka-kilala ang isa’t isa”

“Edi, kilalanin muna natin ang isa’t isa”

“Sige”

“Best friends?”

“Best friends.”

Nag pinky swear kami ni James. Natawa ako nun dahil kadalasan na gumagawa nun ay babae pero sya ang nakipag pinky swear sa akin. Masasabi kong nagging effective kaming maging mag best friend. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Lagi siyang nariyan para sa akin kahit pag nagpapa check up ako kasama ko sya. Pero ang itinatanong ko sa sarili ko hanggang ngayon hindi sumasama si James sa akin sa loob ng clinic. A basta, nahulog na ako ng tuluyan kay James, sa best friend ko. Magpipitong buwan na kaming mag best friend, matagal na rin kahit papaano. Sana mag tagal pa ng maraming taon. Magtatagal dapat kami e, dapat. Katapusan ng January nagpa check up ako.

“Good Afternoon Doc”

“Good Afternoon Sarah, maupo ka hija”

“Kamusta po ang results ko?”

Umiling si Doc. Nakita ko ang disappointment sa galaw nya. Kinabahan ako.

“Sarah kasi, kailangan mo na maoperahan sa mas lalong madaling panahon, pero wala ka pa ring donor, may nag volunteer na pero di pa nya final decision yun dahil may pumipigil pa daw sa kanya”

“Sino po yung nag volunteer?”

“Ayaw nyang sabihin ang pangalan nya e, baka raw magalit ka”

“ganun ho ba? Pakisabi na lang po na nagpapasalamat ako sa kanya”

“sige Sarah, wag mo masyadong pagurin ang sarili mo ha at lagi kang mag exercise”

“Opo, Doc, salamat po.”

Hindi sumagi sa isip ko na si maaring si James ang volunteer na yun. Malungkot akong lumabas ng clinic. Nakaupo si James sa labas nakangiti syang tumayo at lumapit sa akin. Kaya pinilit kong ngumiti.

“Kamusta check up beb?”

“okay naman”

“Paanong okay naman?”

“Basta okay naman”

“Ah, okay, may donor ka na daw ba?”

“may nag volunteer na daw pero hindi pa sure”

“ah, bait nya naman”

“oo nga e”

“siguro, mahal na mahal ka ng taong yun”

“siguro nga”

“Nga pala, magpe-february na beb”

“ano meron sa February?”

“Valentines, araw ng mga puso!”

“Ahhh, oo nga pala.”

“Date tayo!”

“Date ka dyan! Hahaha! Saan naman?”

“Basta, surprise, magbihis ka sa 14, 6:30pm sunduin kita sa bahay nyo”

“sa bahay namen!?”

“wag kang mag alala, pinaalam na kita sa kanila”

“hala! Talaga? Hahaha! Sige. Baka naman kakain lang tayo ng Ice Candy ha?”

“Pwede”

“Hay nako, magpapaganda pa ako tapos kakain lang tayo ng Ice Candy”

“Maganda ka naman kaya kahit wag ka na magpaganda”

“Asus, echos mo beb! Tara na nga!”

“bahala ka, ayaw mo maniwala”

“Edi, thank you! hahaha”

“Hahaha! Sana lagi kang masaya beb”

Ngumiti lang ako sa huling sinabi ni James. Nang makausap ko si James parang nakalimutan ko yung tungkol sa sakit ko. Masaya talaga ako pag kasama ko sya. Excited ako nun na mag valentines dahil yun ang formal na ininvite nya ako na mag date. Siguro masaya dapat nung gabing yun. Siguro …

Sadness roots of my Happiness (Story of Sarah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon