"it's better to break your own heart by leaving, Rather than having that person a chance to break yours."
"Mama! Magtratrabaho pa po ako, Maghahanap ako ng mas malaking kita
. Huwag lang tayo umuwi roon. Please naman po Ma!" May halong pagkainis ang pagsagot ko kay Mama.
"Anak, Huwag na natin ipilit. Hindi mo na kaya. Mabuti pang umuwi na lang tayo sa Ramas. Mas madali pa ang buhay probinsiya kaysa dito sa maynila na nakikipagsapalaran tayo." Mahinahon na sagot sa akin ni Mama.
"Hindi tayo uuwi roon Mama! Mamatay muna ako bag
ako bumalik sa lugar na iyon!" Naiinis kong sigaw. Lumapit ako sa Ref at kumuha ng tubig. Hindi pwede ito.
"Anak, huwag kang magsalita ng ganyan! It's better off this way! Tignan mo nga ang sarili mo? Hindi ka ba naawa kahit sa sarili mo na lang? Nagpapaka-padre di pamilya ka dito! Sinasagad mo yung sarili mo para lang makaraos tayo sa pamumuhay rito! Oo na at nakakayanan natin pero umuwi na lang tayo roon at dun manirahan anak. Wala namang mawawala sayo kung doon tayo tumira diba? Mas madali doon. Hindi ba pangarap mo iyon dati? Ang maging simple at tahimik na mamuhay sa probinsiya?" Mahabang litanya sa akin ni mama habang nag-aayos ng mga damit sa sofa para sa mga dadalhin namin pauwi sa walang kwentang lugar na iyon.
YOU ARE READING
Someday love will find you
Romance"it's better to break your own heart by leaving, Rather than having that person a chance to break yours."