BEBO, forever..

19 0 0
                                    

 "bebo, I hate him pero bakit ganun?"

 Ayan na naman! nag seself-inflicted na naman. jusme! kelan ba ung araw na hindi nya sasabihin yan.

"ewan sayo!" bwiset kong sinabi sakanya.

Nasa canteen kami tapos na kasi ung klase namin in short tumatambay lang kami dito.

"bebo!"

 Bebo tawag nya sakin. galing daw ung BE sa bestfriend and ung BO sa baboy, mataba kasi ako nun bata  pa kami. pero gets nyo ba? nun inexplain nya sakin di ko rin magets naghang pa nga ako ng 5mins bago ko magtes.

Hindi ko sya pinapansin at kumagat lang ako sa burger na binili namin.

"kaya ka maging baboy" pabulong nyang sinabi pero narinig ko padin.

"ANO?!!" pagalit kong sinabi.

nagpout lang sya. "nagpapacute? di naman cute!" asar ko sakanya.

"we?" pambabara nya.

"punta kong gym! Bahala ka dyan!" palusot ko lang yon para makatakas sa kainggayan ng bunganga nya.

"bebo, pagpapalit mo na naman ako sa lintek na sport na yan." pasigaw nyang sabi habang paalis na ko ng canteen. Ano bang akala nya sakin mag lalaro? bukas pa praktis namin.

*************

Andito ko sa may  study area sa open field. Antahimik sarap umiglip.

"BEBO!" halos malalag ako sa kinauupuan ko nun narinig ko ung boses nya.

"bebo, sabi mo nasa gym ka, e wala namang tao dun. kung san lupalop ng school kita hinanap."

Andaldal nakakairita, tuloy tuloy lang sya sa pagsasalita. ansarap mag walk out ulit.

Ganyan ba talaga pag broken? oo, broken yan 2months ago binereak sya ng boyfriend at hanggang ngayon e di pa rin sya naka get over.

Umupo sya sa bench na kinauupuan ko at tumahimik. haist salamat payapa na mundo ko.

"naiirita kanaba sakin?" tanong nya.

buti napansin mo.

umalis na sya. hala? sya pa ung may ganang magalit.

what I regret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon