Sa classroom.
Nako! may assignment nagyon. patay! @.@ wala akong kokopyahan magkaaway kami ni Sol.
Padating na si Sol..
"bebo!" excited nya paglapit sakin.
"huh?" sabi ko, akala ko kasi mag kaaway kami.
"may kekwento ako sayo..." sus. paulit ulit lang naman ung kwento nya about sa kanila ni Sian.
"mamaya na! pakopya muna ng assignment.. dadating na si Mam o.." pagmamadali ko sakanya.
"dun!" sabay turo nya sa bag nya at lumabas. alam kong sa comfort room pupunta un, sa araw araw na ginawa ng dyos mag si-c.r muna sya bago mag start ng klase.
Ayon na nga nag klase kami, dumaan ang nakakairitang math, boring na english at nakakantok na physics. then recess.
Habang nag lalakad kami papuntang canteen.
"bebo! Kwento ko na dali! " atat nyang sabi.
"ano na naman yan? tungkol dun sa boyfriend ay ex pala, nun nanuod kayo ng sine tapos nakatulog ka?"
"hindi!"
"ikekwento mo na naman ung anak anakan nyong askal?"
"hoy! shih tzu yon! hindi askal." reklamo nya.
"whatever!" pahuli ko.
"bebo, babalikan nya na ata ako!" nagulat ako sa sinabi nya.
"paano mo nasabi?" agad kong tanong.
"nagtext sya." ansaya saya nya.
"ng?"
"hi." gusto kong tumawa ng malakas kaso ako din mapapahiya.
"wow! Ameyzing" -.-" iba na tama ng babaeng to.
"alam mo bang bebo sa sobrang kilig ko nakalimutan ko na syang replyan at nag deydream nalang ako hanggang sa nakatulog ako."
Sabog no? alam ko na sunod nyang ikekwento ung mga daydream nya.
Hinayaan ko lang sya mag kwento ng magkwento, hidni sya nag sasawa sa kakasatsat e. tumatango lang ako pero ang totoo hindi talaga ko interesado sa mga kwento nya, buti ba kung mabubusog ako sa mga sinasabi nya.
************
Friday. simula nun nag break si Sol at Sian nasanay kami ni Sol na sabay umuwi, minsan sya ung pumupunta sa gym para antayin ako. E ngayon maaga kaming natapos mag practice so ako magaantay sakanya. Pumunta ako sa AVR dun kasi naka assign mag practice ang drama club kung saan extra curricular activity ni Sol.
"huh?" nakita ko si Sian nag aantay sa labas ng AVR. anong ginagawa nya dito? baka ung bago nya girlfriend e taga drama club ulit. HAHAHA mahilig sa mag maarte este nag umaarte.
Nakita ko may mga ilang estudyante na lumalabas na galing sa loob ng AVR siguradong tapos na sila.
"bry?" nagulat si Sol nun nakita ako nagaantay sa labas ng AVR.
"o? bakit? tara uwi na tayo" yaya ko sakaya.
"ahmmmm... ano... kasi.... may pupuntahan pa ko. una kana." habang tinutulak nya ko ng mahina papalayo.
"ok." un nalang nasabi ko.
************
Pagkauwi ko ng bahay nag shower ako patapos humiga ako sa kama at nag isip isip. antahimik parang ansarap ng ganitong pakiramdam.
"BEboooooooo!" oo sya nga. kilala nyo. oo. dere deretso sya bahay namin, open sya dito kasi close ung family namin. haha.
Dati nga nun 6yrs old. kami naglayas sya tapos dito sya pumunta, o! diba anlayo nang pinuntahan nya sa kabilang bahay lang. Hinayaan nalang sya ng papa nya tapos binilin nalang sa papa ko kinabukasan umuwi din sya. haha baliw lang.