Chapter 12: The Fist Visit
Sunday afternoon. 2:45 pm
"Hmmm... Ang bango naman nang naamoy ko," sabi ni Mama na kakauwi lang." Wala pa ngang hapunan,a. At himala! Bakit ikaw ata ngayon ang nagluluto?"
"May bisita kasi ako Ma,eh." sagot ko habang hinahalo ang iba pang rekado sa kaldero.
"Bisita? A, oo nga pala." tanda niya.
"Naku, ate. Kanina pa yan naglilinis ng bahay habang wala kayo. Mukhang espesyal ang bisita niya e." sabat ni Ate Arianne.
"Espesyal ka diyan. Kaibigan at kaklase ko lang siya. Ito kasing si mama,e. Iniintriga ako."
"Tama lang naman siguro na makilala ko ang mga kaklase mo." pangaral niya sa akin.
"E di, sana buong kaklase ko nalang ang pinapunta ko dito ngayon." saad ko.
"Anong oras ba dating niya?" tanong ni Mama.
"Maya-maya na po. Magte-text nalang po siya kapag malapit na po siya sa gate."
Flashback
Friday Morning. Before homeroom. 6:45 in the morning.
"O, bakit nasa labas ka lang?" tanong ni Rence.
Kararating ko palang at mukhang kami pa lang ni Rence ang magiging laman ng classroom.
"Naka-lock pa kasi ang classroom e."
"Bakit hindi mo kunin ang susi kay Sir?"
"Nahihiya ako. Pwede ikaw nalang?" utos ko sa kanya.
"Inuutusan mo ba ako?" pagtataas niya sa akin ng kilay.
"Hindi. Nagmamakaawa. Nagmamakaawa ako na ikaw ang kumuha ng susi kay Sir." pamimilosopo kong biro sa kanya.
"Pilosopo ka rin,ano?"
"Ay, hindi rin. Hindi nga halata diba." dagdag ko pa.
"Nangaasar ka ba?" parang nangiinit na tanong niya.
"Hindi. Nangti-trip lang." pagtuloy ko sa kanya.
"Nangiinis ka talaga?"
"Nagpapatawa ako." ngisi ko sa kanya.
"Hindi ka talaga titigil?"
"Gusto mo bang ituloy ko pa?"
"Ewan ko sa 'yo," sagot niya na halatang nawala sa mood. " Ikaw nalang ang kumuha ng susi kay Sir." sabi niya at naghikbi-balikat.
"Ikaw nalang." bato ko sa kanya.
"Matapos mo akong asarin,akala mo kukunin ko pa." simangot niya.
"Ang panget mo talaga kapag sumimangot." dila ko naman sa kanya.
"Isip-bata!"
"Manong!"
" At least matured."
"matured nga, panget naman!"
"Nagsalita ang maganda!" singhal niya sa akin.
"Talaga!" pagmamayabang ko.
"Isip bata ka!" pagmamaktol niya saka naglakad palayo sa akin.
Hala! Mukhang napikon nga sa asar ko.
"Ui Rence!" sigaw ko sa kanya habang papalayo siya.
Hindi man lang ako pinansin. Nagtatampo ang Manong. Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1145157-288-k603658.jpg)
BINABASA MO ANG
A Musical Love: For the Love of Sparks
Ficțiune adolescențiHello po sa lahat! Ito ang unang beses ko na maglagay ng sarili kong kwento although may unti akong dinagdag na ideas. Sana po magustuhan ninyo. Salamat. ^_^ This is based on true events. Inspired as time goes by. There are some parts that were adde...