Short Story

257 3 4
                                    

A Girl Who Died For A Century- Short Story

     Noong unang panahon, may mag-asawang Hapon. Nagkaroon sila ng dalawang magagandang anak na babae; ang panganay ay siyam na taong gulang, at ang nakababata nama'y mag-iisang taong gulang pa lamang.

     Dahil sa tumataas ang bilang ng populasyon sa bansa nila, nagkaroon ng bagong kautusan mula sa emperor, ang patayin ang lahat ng batang may edad walo pababa (waLOW! joke). Kinakailangan nilang dalhin ang kanilang mga anak sa itinakdang lugar at kung susuwayin nila ito, lahat ng tao ay mamamatay.

     Dahil sa patakarang ito, labag man sa kanilang kalooban, nag-pasya ang mag-asawa na dalhin ang kanilang bunsong anak sa lugar kung saan sabay-sabay papaslangin ang mga inosenteng bata.

     Pagkarating ng mag-asawa sa lugar na iyon, nakita nila ang isang malaking-malaking hukay na gawa sa semento; kung saan ilalagay ang lahat ng mga bata, na may edad na walo pababa, at sabay-sabay susunugin.

     Makikita sa paligid ng hukay ang mga magulang ng mga inosenteng bata na tumatangis at naglulumpasay. At dahil sa nakita ito ng mag-asawa, sila ri'y hindi napigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa kanilang mga mata.

     Nang mailagay na ang mga kaawa-awang bata sa malaking-malaking hukay, nagkaroon ng pag-ulan ng gasolina at sinindihan narin ang apoy. Nagmistulang impyerno ang nasabing hukay, sinabayan ito ng malakas na pagtangis mula sa paligid nito.

     Sa kabilang dako, mayroong secret ninja at nagkataong anak ng emperor ang naglakas-loob na magligtas ng bata mula sa malaking hukay. Napulot niya ang isang sanggol na anak ng mag-asawang hapon. Sa bilis nito, animo'y isang hangin lamang ang dumaan.

     Nang makita niya ang sanggol, ito'y umiiiyak na sinyales na buhay pa ito. Laking tuwa at pasasalamat niya dahil nagawa niyang magligtas ng isang bata mula sa mala-imyernong hukay na iyon. Hindi siya pabor sa patakaran ng kanyang ama.

      Dahil sa mga sugat na natamo ng ninja, pumunta siya kasama ang bitbit niyang sanggol sa isang bahay na puno ng mga kakaibang bagay. Ginamot niya ang kanyang mga sugat ganoon narin sa bata. Pagkatapos niyang magamot ang mga sugat ng sanggol, tinatakan niya ito sa likod ng simbolo ng kanilang pamilya na kailan man ay hindi mabubura.

     Doon pa ma'y naisip ng ninja na gamitin ang kaisa-isa niyang imbentong likido na makakapanatili ng buhay ng tao (o preserve sa ingles) na nag-tatagal ng isang daang taon. Sa oras na inumin ito ng tao- siya'y mamamatay ng isang daang taon at kusang mabubuhay pagkalipas nito.

     Agad pinainom ng ninja ang likido sa bata upang makatakas at mabuhay ng masagana sa darating na isang daang taon. Alam niyang hindi papalpak ang kanyang imbeto. At sa oras ding iyon, nagsimula ang isang daang taong pagkamatay ng sanggol. Nanigas ito, kaya naman inilagay ng ninja ang sanggol sa isang baul, na kusang bubukas pagkalipas ng isang daang taon, at itinago sa isang kuweba sa loob ng mabangis na kagubatan.

     Lumipas ang maraming taon kung saan namatay na ang emperor, pati ang ninja at ganoon din ang mga taong nakasaksi sa isang malagim na kasaysayan ng bansa.

     Pagkalipas ng isang daang taon...

     UWAAH...UWAAH...

     Isang iyak ng sanggol ang maririnig mula sa kweba. Isang lalaki ang agad na pumasok doon. Agad niyang binuhat ang bata. Laking tuwa ng lalaki sa nakita niya, isang babaeng sanggol na may malusog na pangangatawan. Agad siyang tumungo sa siyudad upang ipaalam sa kanyang asawa ang dala-dala niya.

     Pagkarating niya sa kanilang napakalaking tahanan, ipinakita niya agad ang sanggol sa kanyang asawa at doon naging isa silang masayang pamilya.

The End

***************************************************************************************************************

READ! THIS IS AN IMPORTANT MESSEJEI:

SINO PO YUNG MGA NABITIN, NAASAR O NAINIS?!

TAAS KILI-KILI! (wag na pala - baka dumilim)

WELL, PARANG INTRODUCTION PALANG PO 'YAN. DAHIL PO DIYAN, NAPAG-DESISYUNAN KONG GUMAWA NG STORY TALAGA. SORRY PO AT NAGING PAASA AKO., HUHU!

SALAMAT PO SA MGA NAGBASA (mga mata-tiyaga)

well, coming soon po:

THE PRINCESS WHO DIED FOR A CENTURY

---pero ibang kwento naman....

Akunamaysecret

The Girl Who Died For A CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon