"Breaking News!" Biglang bumungad ang mga katagang ito nang buksan ni Mike ang TV. Maya maya pa'y lumapit ang kanyang asawang si Lucy. "Alas dos na nang madaling araw may breaking news parin? Mukhang importanteng balita ito". "Oh baka naman update lang yan sa hiwalayang Vicky at Leandro. Naku! nakakasawa na yang balita na yan. Hindi naman importante at wala naman tayong pakialam sa mga artistang yan! Teka! ihahanda muna kita ng makakain." Sagot naman ni Mike sa asawa. Habang nanonood si Lucy, naghanda ng makakain si Mike.
"Mabilis na kumakalat ang epidemyang hindi pa nalalaman kung ano ang pinagmulan dito sa bansang Tsina. Mahigpit ang seguridad ngayon sa ating mga paliparan upang mamonitor ang kalagayan ng mga paparating at papaalis ng bansa. Ayon sa ating Department of Health Secretary, halos 35% ng populasyon sa Asya ay positibo sa
panibagong Flu na ito."
Pinatay ni Lucy ang TV at nagpunta sa kusina at sinamahan ang asawang mag midnight snack.
![](https://img.wattpad.com/cover/16411116-288-kaa74d9.jpg)