kabanata 5

11 1 0
                                    

Meet the family

I wore simple but elegant black dress and 3 inches stilleto black high heels with a light make up, Hindi man ako sanay manamit ng ganito ay pinilit ko nalang sa kakakapilit ni inay marahil halos lahat ng mga damit ko bukod sa mga luma na ay mga t-shirts at mga short lang ang mga Ito . Kaya Hindi nako nag inarte pa, sa katunayan ay ipinadala pa Ito ng hambog at mayabang sa akin, aba at take note ang gara lang kotseng ginamit ng nag hatid.

"Atteeehhhh andyan na si kuya pogi" sigaw ni carmelito mula sa labas.

" intay lang saglit" tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at umikot ng isang beses tsaka nag pasyang lumabas. Hapit sa aking katawan ang aking suot na damit na above knee level, salamat nalang at napagpraktisan kong ilakad ang suot kong heels kani-kanina lang. Mayron din akong dala dalang pouch na kapartner ng aking kasuotan.

Napatutop lang ako sa aking kinatatayuan dahil nasa harapan ko lang naman ang isang gwapo at matipunong hambog, at sa tingin ko sinadya niya lang na iterno ang kanyang kasuotan sa akin dahil ito'y nakasuot ng isang mamahalin at sa tingin koy branded gaya ng napapanood ko sa tv.

"Hoy anak aalis na daw kayo bat di kapa kumikilos diyan " dun lang ako natauhan sa sinabi ni inay natulala na pala ako.

"Inay alis napo kami" anu daw? Inay?  Nanay mo? Aba aba ang kapal ng muks. Kaylan ko pa siya naging kapatid ???

"Sige ingat, iho ingatan mo ang anak ko ha, tsaka pagbalik niyo sana tatlo na kayo" HAH?? ANU DAW??  Ayt ewan! Nabuang na si inay pano kami magiging tatlo eii dalawa lang kami , OH MY!  don't tell me... Omygod!! May kakambal ba siya?? O may anak na siya?

Lulan ng mamahaling sasakyan, si Ramz ang driver at ako ang amo heheh echoz lang ! Syempre katabi ako. Pero wagkayo ang gentleman ni koya pinagbukas pako ng pinto siguro kala niya di ako marunong magbukas ng sasakyan aba ang yabang talaga nito. Naku pag talaga ako yumaman, bibili ako ng sasakyan tapos siya gagawin Kong driver hahah(tawang evil witch)  kala niya hah.

Huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking gate at ganun nalamang ng napanganga ako sa high-tech  ang gate nila siguro naman maglalakad na kami papasok kase malapit lang kaya inunahan ko na siya tatanggalin kona ang aking seat belt.

"What are you doing? " takang tanong saakin at nakakunot ang noo. Inpirnis Kay koya mo ang gwapo parin kahit nakakunot ang noo makalaglag panty..

"Ah-eh.. Baba na?? " sagot kong may confident.

Napatawa nalang ang luko.
"Sigurado ka? Lalakarin mo papasok?"

"Oo eh diba malapit lang naman ,kase ayan na gate niyo" sigurado naman ako.

"Hahah kung lalakarin mo paloob baka bukas kapa makarating kaya wagmuna subukan" huh??  Sumignal nalang ang bantay sa gate na pumasok ang sasakyan dahil kanina na pa kami dito nakatigil.. Para Hindi naman nakakahiya makaabala ay pumasok nakami sa loob lulan parin ng sasakyan. Ngunit ganun nalang ang mangha ko nang nadadaanan namin ay kahit gabi punong puno ng ilaw ang paligid bawat puno ay may maliliit na puting Christmas lights at napakalinis ng paligid na may Bermuda grass sa lupa ,may roon ding mga pananim na halaman at ibat ibang uri ng bulaklak sa paligid ng daan, paniguradong maeengganyo ang mga daraan kahit lakarin siguro ay Hindi mararamdaman ang pagod sa palalakad kahit malayo.

Diko na namalayan na nasa tapat na kami ng isang malaking mansyon o ang tamang description ay palasyo sa sobrang laki.

Pumasok kami sa nakabukas na pinto, eto siguro ang main door, ang gara lang eii parang kasing taas lang ng bahay namin ang pinto nila,.

Wow ' ang ganda ng loob , yung chandelier  nila kumikislap na parang crystal, at ang mga gamit ay mukhang mamahalin, what do you spect from rich? Mga antique ang iba, nakakatakot lang pag nagalaw baka mabasag mukhang mas mahal pa kotse ang mga ito.

Diretsyo kami sa dining area, aba akalain mo yun ang haba ng mesa at maraming upuan mukhang hindi mapupuno kahit sampu pa ang maupo. Oy rhyme yon. Mayron nang mga nakaupo sa mesa sa dulo at palagay ko papa niya medyo hawig ang binata rito , at katabi naman nito marahil ay ang asawa dahil narin sa sopistikada nito kahit maedad na.

"Ma' and pa' this is Tamara rei aquenza" pagpapakilala nito sa magulang niya. Kahit naiintimidate ako sa magulang niya ay ngumiti nalang ako kahit medyo kinakabahan aba diko alam na meet the family na agad noh.



"Hello po, ma'am and sir kinagagalak ko po kayong makilala" yumuko pako na parang koreana syempre dapat mahinhin at pa demure ang dating para maimpress," ngiting kinakabahan.

"Nice to meet you din iha, ako si donya soledad villaries at eto naman si don't Ramon call me tita nalang and Tito sa asawa ko," sabi ng ina ni ramz




"Please have a sit" pinag urong pako ng upuan ni ramz. Wow gentledog hahah, umupo nalang ako dahil nakakangalay lang ang aking heels.

Sa tabi ko umupo ang binata sa harap naman ay may limang kalalakihan.


"So iha anong negosyo o trabaho ng magulang mo? Saan kayo nakatira ? Wala kase kaming kilalang aquenza na apelyido " tanong sakin ng donya, na parang nagbabait baitan lang ayoko sa ugali niya halatang plastic, ako lang ba ang nakakahalata?? Oh ganun lang talaga siya magsalita?? Nakangiti siya pero halatang napipilitan lang.



"Ahm.. Meron po kaming negosyo ang kaso lang po Hindi po siya kalakihan pero sakto lang po saamin ang kinikita, at meron po kaming maliit na taniman sa likod bahay" pagpapaliwanag ko na may confidence.

"Is that so? Wala ba kayong hacienda or business? How come na nagkakilala kayo ng anak ko" yun lumabas din ang katotohanan tsk sinasabi na eh orocan I to.


"Ma' stop it please!- " papapatigil ni ramz "--can we eat us now? " galit na siya pwamis, natigilan ang donya dahil ngayon lang siya sinagot ng anak, nangiti nalang Ito ng mapait. Samantalang ang don naman at tahimik habang nagmamasid. Pumalakpak Ito dahilan ng pagdating ng mga pagkain lulan ng katulong.

Kahit na may ilangan ay kumain nalang kami ng tahimik ,tunog ng kubyertos at Plato nalang ang lumilikha ng ingay. Napatingin ako sa gawi ng mga kapatid niya diko napansin na ang gaganda ng mga kasama nila siguro mga date lang nila o gf nila? Ngumiti nalang ako sa Manila pag nagtatagpo ang mga mata naming sa tingin ko mababait sila halata sa mga mukha nila.


Natapos ang dinner ng tahimik at di nagiimikan, naku kung saamin yun ang iingay na naming sa hapag pag ganun karami ang nakahain sa mesa namin,.




NAKAUWI nako sa amin ng di man lang kami nagiimikan ni ramz, siguro nahihiya lang dahil sa ina niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leandro Ramz (Villaries series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon