Trese

1 0 0
                                    

Hala hala hala !!

Nakaabot ka sa trese at dahil nun ay nagpapasalamat ako sa iyo at sinubaybayan mo parin ang kwento ko and hope ko pong subaybayin mo parin ito sa dulo.

Lalalalovets...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆{★}☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆


Hitte Pov

Sa pag pasok namin sa loob ng palasyo nila vice commander at princess ay nanlaki talaga ang mata ko sa nakikita.

"Heck ang ganda.."

Kulay brown ang palasyo nila at may mga mapupulang kurtina na nakasabit sa mga bintana. May tatlong balkonahe rin ito.

Pati ang bakuran nang palasyon ay may malaking hardin nang ibat ibang bulaklak. May malilit na mga fountain pero ang agaw pansin ay isang fountain na may statue nang babae. Para itong goddess sa greeks. Ang katawan ay pormang S naka taas ang kamay na may umiikot na lupa at doon rin lumalabas ang tubig na fountain.

"Agnes , pakihatid ang mga bisista sa kani-kanilang kwarto."

Napatingin ako sa harapan sabay pinahinto ang kabayo sa pamamagitan ng paghila ng slate nito saka bumaba.
May lumapit sa aking sundalo at yumuko sabay bigay ko sa slate na kinuha nya naman at iginiya ang mga kabayo namin sa kwadra nito.

"Masusunod po , prinsepe Jefferson...",yukong sabi nang nag ngangalang agnes.

"Ipapatawag ko kayo mamayang hapon.."sabi ng vice commander na ikinatango naming dalawa ni ate vanessa.

"Pwede po bang iisa na lang ang kwarto namin, ms. Agnes..", paki usap na sabi ni ate vanessa rito na kina tingin ni ms. Agnes rito.

"Sige po kung yan ang gusto ninyo.", sagot namn nito na sinabayan ng yuko.

"Naku ! Naku! Wag po kayong yumuko sa amin isa lang po kaming normal na tao..", sabi ni ate vanessa rito na ikina ngiti ni ms. Agnes.

"Alam po namin , ms. Vanessa.."sabi nito at huminto nq ito sa isang mapulang pituan sabay binuksan. Literrally napanganga ang bibig ko.

Umatras na si ms. Agnes sabay yumuko at tumayo ng tuwid.

"Sige po, magpahinga napo kayo.. ipapatawag lang po namin kayo mamayang hapon..."sabi nito sabay tu alikod na kasama ang apat nitong kasamahan na nakasunod sa kanya.

Pumasok kami ni ate vanessa sa kwartong nilaan para sa amin. Hindi ko inaasahan na tatlong araw lang ang nilakbay namin. Talagang tinupad nung fairy na yun ang kahilingan naming makapunta nang madali rito.

"Waaahhhhh.... ang lambot.. mas malamabot pato kaysa sa kama ko roon..", sabi ni ate vanessa na ikina ngiting iling ko sabay tjmingin sa kabuuan ng silid.

May lamesa at upuan malapit sa bintana. May side cabinet naman sa kanan at kaliwa ng kama. Nag iisang kabinet namn ang nasa gilid ko malapit sa pintuan. Sa kaliwang gilid ko namn ay may maliit na books shelves. May lamesa at tatlong upuan. May malaki at malapad na red carpet sa sahig na napapatungan ng kama na mas malaki pa sa queen size bed.

Magic Land : AmalgamationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon