Dos

4 1 0
                                    

Napangisi ako habang nag pepedal rito daan at binabalewala ang mga titig ng mga tao sakin.

Saan ka makakakita ng babaeng naka dress habang nag pepedal?

Nasa loob na ako nang sunshine sudivision kung saan dito nakatira ang santiago na yun. Pagdating ko sa bahay nila na may tatlong palapag ay bumaba agad ako sa bike ko at Inilock ko ito sa isang puno malapit sa bahay nila.

Ang dress na suot ko ay one inch na lagpas sa tuhod, isang pares ng itim na dull shoes na may gliteries at naka lugay ang itim na itim kung buhok sinabayan pa ng konting lip gloss sa labi at gura na si lola ninyo.

Napangisi ako ng makita sa harapan ng gate si santiago na nakatingin sa relo nito habang nakapa mulsa ang kanang kamay sa slacks nitong darkblue.. itim ang polo nito na nakabukas ang tatlong butones at nakikita ang puting t shrt nito sa loob. May gel ang buhok at maamo ang mukha ng mokong.

Lumapit ako rito na ikina ngiti nya ng makita ako. Agad nyang inilahad ang bisig nya na ikina angkla ko rito sabay pasok namin sa loob.

"Akala ko talaga na hindi ka sisipot , hitte..",sabi nya na iginigiya ako sa loob ng bahay nila.

"Anong hindi ako tutuloy?.. mas malaki ang kikitain ko sa iyo ngayong gabi..santiago..",sabi ko rito na ikinatawa nito ng mahina at biglang kinurot ang pisngi ko na ikina talim ng titig ko sa kanya.

"Wag mong kurutin ang pisngi ko ,santiago at baka makalimutan ko na nasa bahay nyo ako.."saad ko rito na iki na ngiwi nya.

"Ok ok.. "sabi nya naman at dumiretso na nang tingin.

"Ang ganda mo ngayon , hitte.",biglang sabi nya. Na ikina ngiwi ko rito.

Nakapasok na kami sa bahay nila at parang didiretso kami sa likod ng kanilang bahay kung saan gaganapin ang engagement party nang ate nyang si lila santiago sa anak ng mayor rito sa city na si mike bautista.

"Ngayon lang ako maganda , santiago?",sabi ko rito na ikina tawa nya ng mahina.

"Wow , hindi Ko inform na nagbubuhat ka rin pla ng bangko mo, hitte.",sabi nya na may halong tawa ng mahina. Inirapan ko lang ang mokong.

☆☆☆☆☆

Padamba akong humiga sa kama de katre ko sabay pikit ng mata. Hindi ko kasi akalain na limang oras ang tagal ko roon sa engagement party ng ate lila.

Napangiti ako kahit na nakapikit at kinakapa ang maliit kong shorts sa ilalim ng dress ko para hanapin ang 2,500 na pera. Saktong makaka bayad na ako sa school fees nito at may natitira pa sa pera na iniipon ko sa kawayan kong alkansya.

★★★★★

Pagdating ko sa eskwelahan ay agad akong dumiretso sa aking upuan. Ibinaba ko ang bag sa aking likod at inilabas ang notes sa engliah para mag sa ulo sa mamayang test ni ms. Aquino.

Nagulat ako ng malakas na pinalo ng ruler ni melanie ang desk ko na ikina talim ng titig ko sa kanya. Tinaasan lang ako ng kilay nito.

"Anong ginagawa mo sa engagement party roon , hitte? At may pangiti ngiti ka pa dyan habang sumasayaw kayo ni limuel ko!!!...", sabi nya na kina taas ng kilay ko.

Magic Land : AmalgamationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon