Regalo Ni Bess

525 16 6
                                    

*Maligayang pasko. Ating paglakbayin ang mga diwa at imahinasyon sa kwentong mababasa nang walang halong inhibisyon.

December 24, 2016...

MASAYA SI LLAN HABANG magkahawak-kamay silang namamasyal ng isang matangkad at makisig na lalake. Mahigpit at matatag ang kapit nila sa isa't-isa. Pakiramdam niya, narating na niya ang pinakalangit sa kanyang buhay.

Iyon ay ang pagmamahalan nila ng lalakeng ngayon ay maya't-maya ang sulyap sa kanya.

Ah, kinikilig siya. Nagliliwanag ang kanyang paligid dahil sa napakabanayad nitong pag-ngiti sa kanya.

Payapa. Puspos ng pag-ibig. Kumikisap sa init ng tapat na pagsinta. Binubuhay ang kanyang kamalayan... Nililipad sa dako ng pinapangarap na katiwasayan.

Gaya ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights. Mainit. Binubuhay ng elektrisidad. Maituturing palamuti lamang subalit tunay ang hangaring magbigay aliw sa bawat paningin. Nagbibigay ngiti at saya sa sinumang makakakita. Nagbibigay ng liwanag sa madilim at mahamog na lansangan. Naglalahad ng nagaganap na pagdiriwang sa araw na iyon!

Ah, paskong-pasko na talaga! Naglipana na rin sa lansangan ang mga paroon at paritong mga paslit. Mga batang hamog na mas natutuwa sa kapaskuhan dahil sa mabenta nilang delehensya. Namimilog ang kanilang mga mata sa pagmamasid ng nagliliwanag na mga Christmas decorations. Namumuwalan din ng mga barya ang kanilang dala-dalang supot. Habang sa paglalakad ay kumakalansing ang mga tansan na pinagsama-sama sa pabilog na alambre, upang gawing panggising sa natutulog na bulsa ng mga barat na Ate at Kuya. Idagdag pa ang matinis at sabog na tunog ng tambol na lata, upang pukawin ang saganang hapag-kainan para sila ay mabigyan.

Ganun pa man, nakakabuo pa rin iyon ng himig at ritmo upang sumabay sa liriko ng mga awiting pamasko! Sabay-sabay na aawit! Sabay-sabay na sasayaw! Sabay-sabay sa pag-asam ng kahit konting aginaldong maibibigay ng hinaharanang tahanan.

Pero kailanman ay hindi iyon pinagdaanan ni Llan. 'Pagkat si Llan ay biniyayaan ng mga galanteng Ninong at Ninang. Isama pa sa may malulutong na salapi ang kaniyang mga Tito at Tita.

Ah si Llan Dela Cruz. Nabuhay sa kalahating kahig, sampung tuka! Tipong nakaranas magkaroon ng Yaya. Nakapag-aral sa pribadong paaralan. Naglabas-masok sa iba't-ibang bansa. At mapabilang sa mga baklang may angking talino at ganda. Subalit mas nakakahanga ang gandang kalooban, dahil sa talampakan nitong nananatiling nakaapak sa lupa.

Iyan si Llan. Ang baklang nakahilig ngayon sa balikat ng makisig na kasintahan.

At tulad ng inaasahan at pinapangarap. Ang lalake ay matangkad, guwapo, makisig, mala-troso ang mga hita, malapad ang kaha, may abs at matatag ang mga bisig. Mabango, mabait, maalalahanin, masipag, magalang at tapat. Sangkapan pa ng angking katapangan upang ipagtanggol si Llan sa kahit sinuman. Kaya naman damang-dama ni Llan ang seguridad sa piling ni Jerryco.

Mga bagay na halos naging perpekto sa paningin ni Llan. Mga katangiang nakakabulag ng katinuan! Nakakasilaw ng kalmadong kaisipan! Nakakapandaya ng mga matang kinislapan ng paghahangad at pagnanasa.

Ang lalake ay si Jerryco Moresca. Dalawampu't anim na taong gulang. May tangkad na limang talampakan at anim na pulgada.

Kasintahan ni Llan!

Si Jerryco ang tanging lalakeng inibig ni Llan ng tapat at tunay. Dalisay at walang halong pag-iimbot! Ang uri ng pag-ibig na suwabe at kalmado.

Ano pa nga ba ang ibang mahihiling ng isang bakla? Na kay Jerryco na ang lahat.

Niligawan si Llan. Sinuyo! Ipinakilala sa publiko! At ang pinaka-da-best; lumuhod si Jerryco sa paanan ni Llan upang idulog ang singsing ng walang hanggang pangako! Iyon ang naganap limang buwan na ang nakararaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regalo Ni Bess (boyxboy) (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon