Badass 1

16 4 0
                                    

Aubrey's POV

Ang sarap talaga ng pakiramdam na mabuhay na parang reyna lahat ng utos mo gagawin nila.

Kung anong gusto mo makukuha mo kung anong gagawin mo at walang mangenge-elam dahil lahat silay takot wala silang ibang gagawin kundi sundin ka.

Nakakatuwa lang talaga ang pakiramdam na nasa kamay mo ang buong mundo,na pinaglalaruan at pinapaikot mo sila sa isang laro na kailan man ay hindi sila mananalo.

Anyway kung saan saan na tayo nakakapunta nandito ako sa isa sa mga palasyo KO sa iba kalala nila ito bilang school, palasyo ko it dahil lahat ng tao rito ay alila ko as in LAHAT mapa-Estudante,Teacher, Dean, Principal, Guard pa yan lahat sila sumusunod saakin.

Nag-lalakad ako sa gitna ng hallway dala-dala ko ang mamahalin na Gucci bag ko at nag-bibigay naman ng daan ang mga hampaslupa habang nakayuko silang lahat.

Nung makalayo na ako sa mga hampaslupang yun at pumunta na ako sa floor na pinatayo sa palasyo ko para may tambayan kami nila Bea at Cheska kapag hindi namin trip pumasok.

Pagpasok ko at pumasok ako sa black na pinto papuntang kwarto namin nakita kong nakahiga so Cheska sa kama niya oo tama ang nabasa mo may kama akong pinalagay dito at si Bea naman at prenteng nakaupo sa couch habang umiinom ng hot choice at nag-babasa ng school paper naghahanap siguro ng chismis at naka nakade-kwatro pa siya pumunta akonsa trono ko at umupo tumingin siya nung napansin niya ang presensiya ko ay tumingin siya saakin.

Kompleto na tong kwarto na to may banyo,kitchen,sala,kwarto,movie room, walk-in closet at terrace.

"Oh bakit na busangot ka diyan lalo kang pumapanget." sabi niya ikinatawa ni Cheska

"Nakakainis kasi ang baho ng hallway amoy hampaslupa." sabi ko kaya napabangon si Cheska mula sa higaan niya tinignan niya ako ng may pagtataka

"Grabe naman yan pina-sprayan ko na ng Penshoppe Purple Fantasy Fairy Dust bawat sulok ng school kaninang madaling araw." sabi niya

"Hampaslupa nga kasi kahit anong gawin bihisan ng maayos o kahit pabanguhan mo ba ng pinakamabangong pabango sa mundo walang paring magbabago." sabi ni Bea

"Ipatanggal ko kaya yung mga yun dito sa palasyo ko." sabi ko

"Correction NATIN." turan no Bea

"Saka wag na mababawasan ang mga alipin." sabi niya

"Papasok ba tayo?Ubos na yung damit ko ko dito sa closet." sabi ni Cheska habang kinakalkal yung closet niya tumayo kami no Bea at tinignan ang closet namin

"Ako ubos na." sabi ni Bea

"Ako may isa pang dress dito." sabi ko

Alam niyo ba kung bakit ubos na damit namin?isang beses lang kasi namin ginagamit pagnasuot na itatapon o kaya pinna agad namin mga hampaslupa lang ang nagpapalaba.

"Punta tayong mall ubos na rin yung mga librong babasahin ko." sabi ni Bea

"Ako ubos na yung mga bags ko." sabi ko

"Punta tayo sa Mall niyo Rey."  sabi niya kaya lumabas na kami at pumunta sa gate laging nakabantay doon yung driver KO kapag kailangan ko kasi gumala

Sumakay na agad kami sa limousine KO sinabi ko sa hampas lupang driver KO na mag-drive papunta sa AM Mall pangalan ng Mall namin.

A means Aubrey at M means Micaela,pagkarating namin doon ay pumunta muna kami sa Boutique ng Tita ko pumasok kami roon at inasikaso agad kami malamang pamangkin ako kaya ako ang priority.

Bumili kami ng bag,boots,leggings,blazer,blouse, leather jacket,long black socks at iba pa then pinadeliver namin sa school.

Pagkatapos namin doon kumain kami sa Chowqueen restaurant ng Tito ko may bagong waitress na nasa harap sabi ko dahil kami sa VIP room pero sabi niya bawal daw kami doon at saka wag daw kami mag paka mayaman dahil mukha kaming cheap kaya sinigawan ko siya.

"Sino ka at anong karapatan mong pagsabihan akong cheap?!" sigaw ko pero inirapan niya lang ako sarap dukutin ng mata

"At anong karapatan mong sigawan ako?!" sigaw niya pabalik nabwuset na ako sakanya kaya sinikmuran ko siya hinawakan siya nila Bea at Cheska sa mag kabilaang kamay

Nag-lakad ako taas noo papuntang office ni Laiza pinsan ko, hila-hila naman nila Bea tong babaeng I don't know who, habang nag-lalakad kami at pinag-titinginan kami ng mga tao.

Umakyat ako sa second floor at walang katok na pumasok sa office niya.

"Fuck" bulaslas ko ng makita ko ang kalaswaan na ginagawa ng pinsan ko kasama tong i don't care kung anong pangalan niya

Napatigil sila sa ginagawa nila at gulat na napatingin saakin si Laiza napabangon agad siya mula sa desk niya at nagmamadaling nabihig ganoon din yung lalaki nung matapos silang mag-bihis dali-dali lumabas yung lalaki mula sa silid.

"Kaya pala walang modo at kwenta ang mga empleyado dahil ito ang inaatupag mo." inis na saad ko

"Pake mo ba restaurant ko ito." saad niya sabay irap

"Sinusubukan mo talaga ako Laiza no?" bulaslas ko

"Ay joke lang insan masyado ka namang seryoso hehe ano nga palang kailangan mo?"

"Fire this girl." saad ko sabay turo sa babaeng hawak hawak nila Bea

"Oh my gosh Rey anong nangyari sayo." sabi ni Laiza saka tumakbo papalapit at babaeng hawak hawak ni Bea

"Anong ginawa mo sa best friend ko?" sigaw niya kaya natalsikan ako ng laway niya eww

"Bestfriend? Yan, yuck hindi ko alam na ganyan pala ang best friend mo at saka kadiri ka talsik laway mo at maghanda ka na rin makakarating to lahat kela Tito at Tita." saad ko saka umalis na kami sa pesteng restaurant na yun


The Badass ABCWhere stories live. Discover now