Prologue

8 0 0
                                    

I, the author, (Merrycris owned this story.)

This is a work of fiction. Names, places, events and incidents are either the product of the Author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely conincidental. 

-------------------------------------------------------------

"LADIES AND GENTLEMEN! PLEASE WELCOME, BARBARA NICOLE SARMIENTO!

Pagtawag saakin sa stage at kasabay nun ay ang pagdilim ng buong venue. Kinakabahan akong sinulyapan muna ang kinaroroonan kanina ni Eros kahit di ko naman sya nakikita ngayon dahil madilim nga.

"Bat pinatay pa ang ilaw?"

"Syempre girl! Para di makita ang mukha ng pangit na barbara na yan. Kelangan madilim."

"Hahaha. Kung sabagay. Balita ko maganda boses nun haha. Kung anong kinaganda ng boses sya namang kinapangit ng itsura!'

"Sana naging boses nalang sya!"

"TAMA HAHAHAHA!"

Napailing nalang ako sa mga  naririnig kong bulungan ng mga babae.. Well kung bulong bang matatawag yun dahil dinig na dinig ko naman. Nasa tabi lang nila kaya ako duh! 

"OUCH!" daing ni Karen nung apakan ko ang paa nya bago umakyat ng stage. Di naman nya nakikitang ako yun eh dahil madilim. Di ko rin alam na sakanya tumama yung paa ko. Ang nasa isip ko lang eh kahit sino sakanila ang aapakan ko. Kilala ko ang boses nila syempre. Sila yung nambubully saakin dito eh. Nahirapan pa akong makita ang daan tae. Engot ko kasi. Dapat sa backstage nalang ako tumambay eh para di ako nangangapa sa dilim paakyat sa stage.

Nang makaakyat ako ay agad akong umupo ng harap ng pinao. OO! YES! magpipiano ako! Nung tumugtog na ako ay naramdaman ko na ang spotlight saakin. Narinig ko ang ingay ng pagkagulat sa crowd ng makita ako.

"OMG!"

Napangiti ako sa reaksyon ng iilan.


--------///////////////////-------------
Please dont forget to Vote,Like, and comment. ^_^

And also support my stories. Thank you. :)

BarbieWhere stories live. Discover now