Chapter 1

241 15 7
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

ISANG malalim na buntonghininga ang kumawala kay Rhyan matapos niyang magsagot ng sandamakmak na mga takdang aralin at proyekto para sa eskuwela. Sumandal siya sa kaniyang itim na gaming chair at pumikit upang panandaliang ipahinga ang mga mata. Ngayon pa lamang siya hihinto buhat nang magsimula siyang magsagot kanina.

Unang araw ng bakasyon at bilin ng kaniyang ama na kung gusto niyang mag-enjoy nang todo sa bakasyon sa rancho ay kinakailangang matapos niya ang mahahabang sagutin sa unang araw ng bakasyon at maipasa sa kaniya ng perpekto bawat sagot. Hindi naman siya minamadali ng mga magulang ngunit alam niyang kapag maaga niyang natapos, mas marami siyang oras na maaaring gamitin.

Being the eldest son of the Fuentes household, there were high expectations in place. And he would not be the one to disappoint his parents—Ysiquel and Rainne Fuentes.

Sinilip ni Rhyan ang relos at napangiti. Marami siyang oras para sa bakasyon. Alam niyang hindi niya mabibigo ang ama dahil nakumpleto na niya ang lahat.

Walang labis. Walang kulang. Walang mintis.

Nag-inat-inat si Rhyan ng mga braso dahil tatlong research projects na ang natapos niya at maging ang trigonometry assignment niya ay tapos na rin niya kagabi. Sinimulan na naman niya ito noong isang araw pa upang masiguradong matatapos niya lahat ngayon. Pinadala niya lahat ng kaniyang ginawa sa kaniyang ama.

Sa kaniyang murang edad na disisiyete, mulat na si Qing Rhyan Fuentes sa kaniyang tungkulin at responsibilidad bilang tagapagmana ng pinakamalaking organisasyon ng kaniyang pamilya at isa sa pinakaprehistiyoso sa mundo.

Bukod sa dahilan na ang ama niya ay si Prince Ysiquel, na kasalukuyang tumatayong pinuno ng Fuentes Group of Companies (FGC), si Rhyan din ang panganay sa bagong henerasyon ng mga Fuentes. Malaki ang ekspektasyon sa kaniya bilang pinaka-panganay sa pamilya.

Hindi rin nalalayo ang ekspektasyon sa kaniyang kakambal na si Quenie Rayne. Ilang minuto lang ang tanda niya sa dalaga. Gaya niya, pasan rin ni Rayne ang tungkulin at responsibilidad ng pagiging isang Fuentes.

Kung si Rhyan ang mamamahala ng buong PGC, si Rayne ang inaasahan na mamahala sa kompanya ng lolo ng kaniyang ina na si Rainne. Pinili ng mga magulang nila na panatilihing magka-ososyo sa trabaho at ilagay sa ilalim ng pangangalaga ng FGC ang Sandoval Corporation sa halip na pagsanibin ito nang tuluyan. Sinundan naman sila ni Quel Rivaille na katorse anyos at may pagkasutil.

Lahat sila ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang. Ngunit bilang panganay na lalaki, may dagdag na pressure sa kaniyang mga balikat.

At ngayong taon na magiging disiotso na sila ni Rayne, kapuwa inihahanda na sila ng mga magulang sa kanilang magiging papel sa hinaharap. They were slowly getting brought up to society and to the business world.

Ngunit kahit ganoong kabigat ang kaniyang papasanin na tungkulin, nagagawa pa rin niya ang magsaya. Kaya tuwing summer, sa rancho ng kaniyang pamilya siya tumitigil. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya kasama ang kaniyang pamilya dahil may summer school si Quel at may malaking proyekto pa na inaasikaso ang kaniyang ama kasama ang mga tito niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TST 1: Shattered PainiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon