hay grabe kinakabahan naman ako,
First day kasi ng school eh.. tsaka hindi naman to siguro katulad ng Highschool pero sana nga hindi katulad to ng Hschool kasi naman wala namang nangyari sakin nung highschool kung hindi puro Bully, tss naalala ko pa nga yung sinabi sakin nung kaklase ko noon
"psst hoy babae, pakopya nga ng assignment mo!"
ako naman siyempre pinagpaguran ko yun eh bakit ko ibibigay tsaka hindi naman kami close eh so anong rason?
"ayoko nga guma-" hindi pa nya ako pinatapos inabot na naman ako ng pambubully nya
"ayaw mo diwag! tse kala mo kung sinong maganda, panget naman!!" at ayun kinantyawan naman ako ng mga kaklase ko nuon tss hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang kuneksyon ng mukha ko sa assignment na gusto nyang kopyahin hays!
well eto na at Isa na akong College student, isang Engineer student, aspiring and hoping na maging engineer yun talaga kasi ang pangarap ko e hehe
ang aga ko nga ngayun dito e, sa sobrang aga ko absent naman ang prof namin sa unang period lol hindi naman sila excited eh talagang Hindi, palibhasa alam naman na nila ang mga mangyayari puro kunsumisyon na naman ang aabutan nila.
sumunod na ang theology subject namin, at eto na yung "getting to know each other" daw e
binigyan kami ni Prof Manansala ng mga index card tapos dun daw namin ilalagay yung nickname namin tas magpapakilala kami
matapos kong ilagay yung nickname kong " Moi-Moi " nagumpisa na kami medyo kabado ako kasi nasa unahan ako kung alphabetical order pero buti by row haha buti sa likod ako umupo.
"Hi, I'm Christopher Quintos "Christop" nalang, galing *blablabla* " matapos kong marinig yung pangalan nya parang pamilyar kasi hindi ko alam kung san ko siya nakilala pero pamilyar.
"Hi, Im Mikaela Bernabe"Miks , blahblabla" hindi ko din naman kasi medyo maintindihan ang sinasabi nila kasi nasa likod ako e,
"uy, ugh diba ikaw si Moira Agrava yung nakausap ko sa group?, ah im Krizelle Luz taga *toot* ako ikaw tagasan ka?" nagulat ako kasi inapproach niya ako haha
friend ko pla siya sa Fb kaso hindi ko talaga matandaan yung mukha nya pero bongga ah maganda siya at mukhang mabait :D
" ah ikaw pala yun, sorry ah hindi ko masyadong maalala yung mukha mo XD pero kilala ko yung pangalan mo taga *toot* din ako eh hmm kung gusto mo mamaya sabay na tayo umuwi kung okay lang sayo :D " tumungo naman sya at ako na yung sunod
" uhm Hi everyone! ako nga pala si Moira Agrava "Moi-moi" nalang for short" yun nalang muna yung sasabihin ko makikilala din naman siguro namin ang isat sia within 5 months diba ? :)
at ayun sumunod na si Krizelle at agad namang nagsimula ng panibagong activity si sir" okay class, for the next step in getting to know each other natin isa isa kayong lumapit sa mga taong gusto nyong maging kaibigan at isulat nyo ang pangalan nyo sa likod ng index card nila kailangan may limang pangalan sa likod ng index nyo pero kayong bahala kung ilan ang gusto nyo" medyo hindi ako nakafocus nun kay Prof Manansala hehe bad ko ba sory na.
nagulat nalang ako na may napansin akong tumayong lalaki hmm sya ata yung Quintos. at bigla syang lumapit sakin at nakipagkamay,, nagtaka naman ako pero inabot ko din. sinulat nya yung pangalan nya sa likod ng index card ko talagang nagtaka ako pero hindi ko na masyadong inisp yun. may ilan ding lumapit sakin at halos puro babae naman yun :) nakakatuwa nga kasi ibang iba talaga sa Hs siguro kasi nga halos lahat kami hindi magkakakilala talagang nagsimula sa strangers ,, kasi pag magkakakilala na yung mga magkakaklase parang awkward na makisama baka mamaya may sinasabi na sayong hindi maganda dba? may mga ganun naman tayong pananaw diba? kaya nga nauso yang " Ay FC ah~" "kapal ng mukha kala mo close sila" eh medyo iniwasan ko na yang mga yan eventually magiging close nalang kayo sa di mo malamang dahilan o baka na din sa bonding dahil na din sa mga group projects etc.
tas natapos na yung theology subject namin wow so far medyo masaya ang first day hehe,
*break* nagkaron ng 30 minutes break eh hindi na ako bumaba may baon naman akong biscuit at inaya ko nalang yung medyo close friend ko na kasi magkakalapit naman kami ng upuan.
nagsimula kami ng maliit na forumn open forumn parang sinasabi mo na din yung likes and dislikes mo at dun ko napatunayan na mali yung first impression ko sa mga magaganda, ang impression ko kasi sa magaganda e mataray, plastik mga ganun di nyo naman siguro ako masisisi e kasi naman nangyare na sakin yan pero ngayon sana hindi na.
ayun nagkaroon kami ng small group of girls si Mikaela si Krizelle, ako at si Jess
natapos na yung araw ng first day medyo naging okay naman yung outcome, nagsabay kami ni Krizelle umuwi saka ko lang naalala yung si Quintos matagal ko na pala siyang nakakausap sa social net pero hindi ko napapansin haha hindi ko akalaing magiging kaklase ko siya at eto pa may kaklase din ako galing gradeschool nakakatuwa naman at nagkrus ang mga landas namen haha.
medyo madaming di inaasahang nangyari ngayong araw.. sana mas marami naman sa mga susunod na araw :D Exciting !!

BINABASA MO ANG
Sabi lang pala.
DiversosBased on true life yung synopsis pero gumamit ako ng ibang pangalan gusto ko lang naman ishare yung experience ko mapabilang sa isang grupo its a story ng pagkakaibigan pero hindi naman humantong sa alam nyo na .. nagkawatakwatak din pero hindi nam...