CUT

175 0 0
                                    

"Isa lang naman ang kelangan mong sagutin eh. Mahal mo ba ako?", tanong niya sakin habang derechong nakatingin sa mga mata ko

Inabot nya yung kamay ko at bigla niyang sinigaw, "PATRICIA BELLE LOPEZ MANALO, MAHAL MO BA AKO?"

"Oo, Dex."

"ANO? HINDI KITA MARINIG!"

"OO, DEX! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA, DEXTER CRUZ HIRANG! MAHAL NA MAHAL NA MA-----" 

*Ring! Ring!* *Ring! Ring!*

"CUUUUUUUUUUUUUUUUT!!!!!!!", sigaw ni direk.

"Sinabi ko nang bawal ang cellphones sa set diba?! Kanino nanaman 'yan, HA?!"

Nako, galit nanaman si direk...

"Sorry, direk", sagot ni Ate Claire. Assistant niya dito

"ITATAPON KO YANG CELLPHONE MO EH! PANGALAWA NA 'YAN. Sige, break muna! 15 minutes!", sabi ni direk pagkatayo niya sa upuan niyang may pangalan pa niya talaga

Binitawan ko agad yung kamay ni Matt.

"Ay, sorry.", sabi niya

Tss, bat ba ngiti ng ngiti 'to sakin? Nakakairita kaya. Siya nalang lagi kong kasama kahit saan. 

"Retouch po!", utos ko ke Ate Meg

Umupo ako sa sa may dressing room na sinet up dito sa Laguna. Ang lawak lawak ng kinatatayuan ng set namin ngayon. Nasa may bangin kasi dapat yung scene namin ni Matt. Siya yung "Dexter" sa movie na 'to. Ako naman si "Patricia". Two months na kaming nagshshooting.

SANA MATAPOS NA.

*Matt's POV*

"OO, DEX! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA, DEXTER CRUZ HIRANG! MAHAL NA MAHAL NA MA-----" 

*Ring! Ring!* *Ring! Ring!*

"CUUUUUUUUUUUUUUUUT!!!!!!!", sigaw ni direk.

Putek! Ang ganda ganda na ng scene eh!!!! Tae naman o. Ramdam na ramdam ko na lahat ng sinasabi ni Isabel ehh! Minsan ko na nga lang mahawakan yung kamay niya, puputulin pa! LANGYA NAMAN O. 

Napatitig ako kay Isabel habang nakatingin siya kay direk na galit na galit dahil sa tumunog na cellphone. Nakahawak parin ako sa mga kamay niya nang bigla niya yatang napansin.

"Ay, sorry.", sabi ko habang nakangiti

Hindi ko mapigilan. Ang ganda ganda niya. Masungit nga lang.

Two months palang 'tong shooting namin sa Laguna. 

SANA HINDI NA MATAPOS.

Love Me Maybe (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon